Anne Curtis says It’s Showtime co-host Vice Ganda and director Bobet Vidanes are "okay"

It’s Showtime host Anne Curtis says everything is okay between her co-host Vice Ganda and director Bobet Vidanes. It was reported last week that the latter “resigned” from the show because of the comedian-TV host.


Ayon kay Anne Curtis, nagbakasyon lang daw ang direktor nila sa It’s Showtime na si Bobet Vidanes kaya nawala ito sandali sa programa. Pero bumalik na raw ito noong Biyernes, Abril 13.

Katulad ng sinabi ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng press statement na ipinadala nito noong nakaraang linggo, pinabulaanan din ni Anne na nag-resign ang kanilang direktor sa show.

“He was there Friday. Pumasok na siya. I think he just took a breaker. That’s just it,” pahayag ni Anne nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang media sa after-party event na inihanda matapos finals ng Century Tuna Superbods sa Boracay Island noong Sabado, Abril 14.

Ayon kay Anne, hindi na raw bago para sa kanila ang ganitong uri ng usap-usapan.

“Well, as I always say, you can never stop people wanting to create rumors.

“It’s just part of show business.

“Wala, you just have to make it dedma.

“I think Vice already clarified that na," saad ng actress-TV host.

Matatandaan na noong lumabas ang isyung ito, sinasabing ang co-host ni Anne na si Vice Ganda ang naging dahilan ng “resignation” ni Direk Bobet.

Pero nilinaw ni Anne na, “they’re both okay.”

(CLICK HERE to read related article.)

STILL HAS PRESSURE. Hindi naman itinanggi ni Anne na bagama’t may ilang buwan na sila sa bago nilang timeslot, mayroon pa ring pressure sa kanilang grupo para mapanatili ang masayang mood sa programa.

Sabi ni Anne, “Well, of course, there’s always a pressure because having a timeslot that is that long is a lot harder, especially if we’re coming from a fast-pacing show, na ang kukulit.

“Nakakapagod din naman siya.

“But we decided to see what else we can do to make the show stronger.

“We’re still rediscovering what else we can do to make people happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, tinanong din ng media si Anne kung totoo ang balitang ibabalik na sila sa dating nilang timeslot dahil may inihahandang panibagong noontime show ang ABS-CBN.

Wala umanong ideya si Anne tungkol dito.

Pero pabiro niyang sabi, “Well, if ever that happens, we’ll be happy kasi at least two hours na lang and by lunch time, finished na kami.

“But not that I am complaining about our timeslot now, of course, we are all happy.

“When management asked us to take on this challenge of filling in the space for the meantime, of course, we’re always…

“We did this the second time already, ‘fill in the blanks,’ kumbaga.

“So, anytime that ABS-CBN asks for help from Showtime, ready naman.”

SQUEEZING IN TAPING FOR A TV SERIES. Bukod sa It’s Showtime, abala rin si Anne sa ginagawa niyang teleserye, kung saan makakasama niya sina Kris Aquino at Robin Padilla.

“Super fun” ang naging paglalarawan ni Anne tungkol sa mga taping days nila.

Dagdag pa niya, “It’s always chikahan [with Kris]. Kahit 4 a.m. na, chikahan pa rin kami.”

Hindi raw biro ang schedule niya ngayon dahil kailangan niyang isingit ang kanyang daily show kapag may taping para sa Kailangan Ko’y Ikaw.

“Napupuyat, napapagod din,” sabi ni Anne.

“During taping, I have a 7 a.m. call time and then, I leave at 10:30 for It’s Showtime at 11:30.

"Then, I go back to taping after It’s Showtime.

Gayunman, hindi raw nagrereklamo si Anne dahil ibig sabihin nito ay hindi siya nawawalan ng trabaho.

“Go lang nang go, ginusto ko ‘to, e,” nakangiting sabi ni Anne.

Hindi pa raw nila alam kung kailan magsisimulang ipalabas ang teleserye ngunit sabi niya, “Right now, we’re taking it a day at a time.

“You know, it’s hard... Ate Kris has Kris TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s kinda clashing and everything but we all make time because we all really wanna act.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN