Tim Yap on Heart Evangelista’s breakup with Daniel Matsunaga: “Kung ikasasaya ni Heart na maging single muna ngayon, e, di she should pursue that."

Tim Yap, being a close friend of Heart Evangelista, bares insights about what Heart is going through after her breakup with boyfriend Daniel Matsunaga. While details are hazy at the moment, Tim gives a glimpse of how Heart handles the situation: “Kung ikasasaya ni Heart na maging single muna ngayon, e, di she should pursue that. Kung para sa kanya, masaya talaga siya. So it’s ultimately her decision, di ba?”


Ayaw pa ring magpa-interview ni Heart Evangelista tungkol sa hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga.

Hanggang sa Party Pilipinas kahapon, April 14, bigo pa rin ang mga nag-aabang na makapanayam siya.

Dahil todo-iwas si Heart na magsalita, ang close friend niyang si Tim Yap ang natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pakikipag-break ng aktres kay Daniel.

FRIEND’S SUPORT. Bilang malapit na kaibigan, paano niya inaalalayan si Heart sa pinagdadanan nito ngayon?

“Alam mo, bilang kaibigan, lagi akong nandiyan para sa kanya,” simula ni Tim.

“Sa taping nga namin ng Legacy, makikita mo yun, e.

“Si Heart, medyo… she’s a very transparent woman.

“Makikita mo sa mata niya kung masaya o malungkot siya.

“Pagkatapos ng mga eksena niya, pupuntahan ko siya, mag-uusap kami.

“Kami nina Lovi [Poe] at Alessandra [de Rossi]. At nalalaman ko ang napi-feel niya.

“Para sa akin, I’m there as a friend.

“At lagi kong sinasabi sa kanya na kailangang lumabas siya para makita niya na maganda yung mundo. Na hindi siya malungkot… yun.

“So, iyon ang ginagawa namin ngayon.

"Lately, we’ve been hanging out.

“Kapag break sa taping namin, nando’n kami sa beach na location namin."

Dagdag pa ng TV host-eventologist, “Iba-iba ang stage ng buhay ng tao, di ba?

“So, merong stage na… hindi ko naman sinasabi na kapag single ka, malungkot. Or kapag meron kang relationship, masaya.

“May ibang taong nasa relationship, malungkot. May ibang taong single, pero masaya. So, depende.

“Ang sinasabi ko kay Heart, ’Kung ano ‘yong status mo ngayon sa buhay, you make the most out of it, i-enjoy mo.

“’Kung nagkataon na single ka ngayon, make the most out of it—learn from your singlehood.

“’At kung may minamahal ka naman, ituloy mo.’

“E, si Heart naman, all or nothing, di ba?

“Kung meron siyang minamahal, alam natin na magaling siyang magmahal—todo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita mo yun? Kung paano siya magtrabaho, gano’n din siya magmahal.”

SURPRISED. Inakala ng marami na sina Heart at Daniel na ang magkakatuluyan dahil kita talaga at hindi pagdududuhan na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Pero paniniwala ni Tim, “Alam mo, kahit na anong mangyari, behind the couple’s closed doors, walang nakakaalam, e, di ba?

“Kahit napaka-fairy tale na ng mga nakikita nating nangyayari sa buhay ng mga artista, o sa mga kaibigan natin...

"May mga ibang bagay na siguro hindi naaayos o hindi nagkakaroon ng closure.

“O merong naaalala o kaya’y accidentally ay meron tayong nasasaktan… mga gano’n.

“So nasa couple na yun kung idi-decide nila na worth it pang ituloy or… siguro mas magandang mag-move on na lang. Alam mo yun?

“Kung feeling niya [Heart] siguro wala nang pupuntahan… Di ba, meron tayong tinatawag na non-negotiables?

“So, yun, nasa kanila iyon. Hindi natin alam.

"Basta lang ako, pursue your happiness.

“Kung ikasasaya ni Heart na maging single muna ngayon, e, di she should pursue that.

“Kung para sa kanya, masaya talaga siya. So it’s ultimately her decision, di ba?”

NO DETAILS YET. Bagamat nagku-confide si Heart kay Tim dahil close nga sila, hindi maidetalye ni Tim ang tungkol sa kanilang mga napag-uusapan.

Paano naapektuhan si Heart ng breakup nila ni Daniel base sa kanyang nakikita?

“Si Heart nga, gaya ng sinabi ko, kapag masaya siya, halatang-halata mong masaya siya.

“Pero kung meron siyang pinagdadaanan, mapi-feel mo rin na meron siyang pinagdadaanan," sagot niya.

Nakita ba niyang umiiyak si Heart?

“Hindi naman talaga.

"Kapag nagkukuwentuhan kami, meron siya sigurong pinipigil na bilang kaibigan, mararamdaman mo yun.”

Sa tingin niya, may posibilidad ba for Heart and Daniel to work things out?

“Again, sabi ko nga, behind the couple’s closed doors, hindi mo alam ang nangyayari, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nakikita ko sila dati, sweet.

“Pero depende iyon, e. Depende kung how Heart wants to grow from it.

“Does she want to grow as a human being? As a Heart Evangelista na single muna?

“Or does she want to grow with somebody like Daniel?

“Kanya-kanya yun, e, di ba?”

RECOVERY. Sa palagay ba niya, matatagalan bago maka-recover si Heart?

“Uhm… ang recovery is very personal, di ba?

“Iba-iba ‘yan, e. May ibang mabilis maka-recover. Yung iba, it takes some time.

“Para sa akin, kung ano yung lesson na itinuturo ng buhay sa ngayon, talaga iyon ang dapat mong intindihin.

“Iyon ang dapat mong bigyan ng panahon. Iyon ang dapat mong isipin at isapuso.

"Alam mo yun?”

NO DATING YET? Is Heart open to date someone else right now, para mas magiging madali ang pag-move on nito?

“Well, when you say you’re single, it means you’re open to dating.

“Pero ang advice ko para sa mga newly single is to really find the beauty in solitude.

“Na, iyon na nga, minsan kailangan mong mas mahalin ang sarili mo muna bago ka makapag-share ng pagmamahal sa iba pang tao.

“Si Heart, I always tell her na just focus on what makes her happy. Pursue your happiness.

"And there are some things na kahit masakit, we need to learn and grow from it.

“I just wish Heart will keep on growing. And will keep on being a better version of herself.”

Hindi ba niya naiisip na mag-mediate o mamagitan at magbakasakali kung magkakaayos pa sina Heart at Daniel?

“Ako kasi, uhm… yung pagme-mediate, ano yun, e…

“Ang pagmamahal o ang relationship, hindi mo maipipilit.

“Talagang kahit na anong payo ang ibigay ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, ultimately ang magdedesisyon, yung dalawang taong involved lang.

“So, as a friend, you can only give as much as advice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung ano ang sinasabi ng puso at isip nila, iyon pa rin ang masusunod," saad ni Tim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN