Gabby Concepcion on working with Piolo Pascual: “Okay lang naman sa akin, trabaho lang, e, walang personalan, di ba?"

Gabby Concepcion, as a father to KC Concepcion, admits to being hurt after the controversial breakup of his daughter with Piolo Pascual. He says that it’s an experience in a relationship one has to go through to "live and learn." In the case of KC, Gabby says: “Ano ’yan e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan e, wala naman tayo dun."


Papayag si Gabby Concepcion na makatrabaho si Piolo Pascual.

Sa kabila ng breakup ni Piolo at ng anak ni Gabby na si KC Concepcion, walang nakikitang masama si Gabby kung makakasama niya sa isang proyekto si Piolo.

“Dati ko pang… noon, noong wala pa sila ni KC, sabi ko, ‘It would be nice na gumawa kami ng [movie]…’

“Kasi nasa Star Magic din ako noon, meron akong idea na maganda… sana na magsama-sama yung mga boys sa pelikula, sa Star Magic.

“Si Piolo, kasama si Diether Ocampo. May time na naging close kasi ako sa kanila, e... sina John Lloyd [Cruz], si Coco [Martin],” pahayag ni Gabby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa presscon ng The Mommy Returns ng Regal Entertainment Inc. sa Emperor Room ng Imperial Hotel sa Quezon City, kagabi, April 16.

PROJECT WITH PIOLO. Pagkatapos ng nangyari kina KC at Piolo, payag pa rin ba si Gabby to work with Piolo?

“Okay lang naman sa akin, trabaho lang, e, walang personalan, ‘di ba?

“Ang sa akin lang is yung project.

“Kung may project sana na puwedeng gawin na ganoon, at least yung kakaiba siya.”

Kaya rin ba niyang makaharap at makasama si Piolo sa kabila ng mga nangyari?

“Ano ’yan, e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan, e, wala naman tayo dun.

“Ang akin lang, nasaktan lang yung bata.

“But everybody goes through a relationship na nasasaktan ka.

“Sabi nga, ‘You live and learn.’ After that, life goes on.”

NO HARD FEELINGS. Hindi siya nagalit?

“Well, siyempre, nagalit ako dun sa kahit na sinong manakit sa anak ko, just like any parent would feel ‘pag nasaktan ang anak nila.

“Pero iyon lang yun, walang personalan.

“Unang-una, hindi ko naman siya kilala, hindi naman ako yung may relasyon.

“It is a general feeling, bilang tatay," saad ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw nakikita ni Gabby si Piolo matapos ang breakup nito sa kanyang panganay na anak.

“Hindi, walang pagkakataon, e.

“Kasi wala na ako ngayon sa Channel 2.

“Well noon, wala naman akong mga shows sa studio, wala naman akong pelikula, walang pagkakataon na magkita kami.”

MESSAGE FOR PIOLO. Kung nasa harapan niya si Piolo, ano ang sasabihin niya dito?

“Wala naman akong sasabihin sa kanya because tapos na yung naging feeling ko nung nasaktan si KC.

“At that moment kasi, siyempre hurting siya, umiiyak siya.

“Sasamahan ko yung anak ko, ‘Ano ba problema, ano nangyari?

"’Nabangga ka? Sino yung sasakyang bumangga sa iyo? Bakit ka binangga?

""So nagkaayos na ba kayo? Ano ang naging problema?’

“’Punta kayo sa korte, inayos kayo ng pulis, o di ayos na?’

“’Okay na, hindi na masakit ang katawan mo, hindi na? Okay na, magaling ka na?’

“O, e di tapos na yun!” pagwawakas ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN