Part 2. Ruffa Gutierrez claims dad Eddie Gutierrez and two daughters being dragged into mom Annabelle Rama’s rift with Amalia Fuentes

Ruffa Gutierrez on dad Eddie Gutierrez being dragged to Annabelle Rama-Amalia Fuentes tiff: he doesn’t deserve this. He’s the best dad that anyone can ever have. I cannot allow anyone to ruin his reputation. Hindi na bale mommy ko, kaya naman niya. She’s a fighter. Ako marami na akong pinagdaanan sa buhay ko. But for us, don’t talk about our dad, kasi he’s one person na talagang mabait, walang tinatapakang tao, and he has honor and digni


Gumaganap bilang ina ni Ruffa Gutierrez sa pelikulang The Mommy Returns ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Interestingly, nasangkot ang pangalan ni Gloria sa alitan ng tunay na ina ni Ruffa na si Annabelle Rama at ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Kaya naman tinanong ng press si Ruffa sa presscon ng The Mommy Returns kagabi, April 16, kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Gloria.

Kuwento ni Ruffa, “I enjoyed the most ‘pag off-cam, kasi tsikahan lang kami nang tsikahan ni Tita Gloria.

“And we talk about so many things and I’ve learned so much from her in terms of advice, in terms of love, life, children, men...

“Never ending yung mga kuwento namin. So I always enjoy working with her.”

TOTAL MISUNDERSTANDING. Ano naman ang pakiramdam ni Ruffa sa pagkakadawit ni Gloria sa alitan ng kanyang mommy at ni Amalia?

“It was just a total misunderstanding,” diin ng dati ring beauty queen.

“I already explained it to my mom. And my mom is very impulsive, you know her naman.

“And you know, the most important thing is nag-usap na kami ni Tita Gloria, nag-usap na kami ni Georgina, ni Isabelle, and Raymond also. And everything is okay na."

Malapit na kaibigan ni Ruffa at ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza at ang pamangkin nitong si Georgina Wilson.

Dagdag pa ni Ruffa, “And kumbaga, she [Gloria] she was the bearer of the phone call, the bad news.

“E, wala naman siya alam sa talagang sinabi sa Daddy ko.”

THE SCENE AT THE RESTAURANT. Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang insidente sa isang restaurant kunsaan ipinasa ni Gloria ang telepono sa ama ni Ruffa na si Eddie Gutierrez.

Ang nasa kabilang linya ng telepono ay si Amalia—na kagalit naman ng ina ni Ruffa na si Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ng Paparazzi host, na katabi si Gloria habang ini-interview ng press, “So, them naman, they really didn’t know anything that was going on.

"They were having a good time, even chatting daw with you [Gloria] about Isabelle’s projects and everything.

“And then suddenly, you know, my dad answers the phone and he got so surprised, namutla siya, and he couldn’t eat anymore because Tita Amalia was screaming at him on the phone.

“So, of course, parang nasira na yung dinner nila.

“And poor Tita Gloria was just the one na nag-abot ng phone. Na hindi naman niya alam kung ano ang nangyari, kung ano ang sinabi.

“So when I called Tita Gloria, she was even having a massage and she was so like relaxed.

“So, you know, these misunderstandings do happen. And I’m just happy that all’s well that ends well.”

Ayon pa kay Ruffa, hindi na kailangang mag-usap ang kanyang ina at ni Gloria dahil wala naman daw talagang isyu sa pagitan nila.

“There’s nothing really big issue to talk about because you know, lahat nga kami—ako, si Belle, si Raymond—lahat kami magkakasundo, lahat kami magkakaibigan.

“And Tita Gloria I have known for so long—the same with my mom and dad.

“Misunderstandings always happen, you know, even family members, so what more with friends?”

Sa gitna ng hindi pagkakaunawaang ito nina Annabelle at Gloria ay nadamay rin ang kanilang mga anak. Nag-tweet pa nga si Annabelle na mas kinakampihan pa raw nina Ruffa at Raymond si Gloria sa isyung ito.

Paliwanag naman ni Ruffa, “Hindi naman… you know, of course, like I said, you know, parents and children sometimes they do have misunderstandings.

“And my mom and I are okay right now.”

AMALIA FUENTES. Kung tila naayos na ang gusot sa pagitan ng ina niya at ni Gloria, umaasa rin ba si Ruffa na magkaayos na rin ang ina at si Amalia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal bago nakasagot si Ruffa.

Sa bandang huli, sabi niya, “A, you know, I don’t know what the issue is all about.

“So, I asked my mom and she’s also clueless. You know, nalaman na lang niya that, I guess, Amalia is angry at her.

“And she’s really clueless kung anong nangyari.

“So, for me, as you can see, my stylist now is Alyanna Martinez, you know, yung apo ni Amalia, so it’s kinda weird also.

“Ano nang nangyari? We really don’t know where she’s coming from.

“But I think it has also to do with the Nadia thing.”

Ayon kasi sa usap-usapan ay kinampihan ni Amalia si Nadia sa pagsasampa nito ng mga kaso laban kay Annabelle.

AMALIA’S “TWEETS.” Tinanong din ng isang reporter si Ruffa kung ano ang masasabi niya sa mga mensahe diumano ni Amalia sa Twitter laban sa kanyang ina na si Annabelle.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Amalia na mayroon siyang Twitter account. (CLICK HERE to read read related story.)

Ayon kay Ruffa, “I don’t read her tweets and I don’t follow her on Twitter.

“I did hear that she was including Lorin and Venice [Ruffa’s daughters] in her statement.

“So sana if you wanna just fight with my mom, you can fight with her na lang. My mom is sanay naman makipag-away.

“But don’t include naman my children na wala namang kaalam-alam.

“‘Pag isinasali pala yung mga anak, nagiging matapang ka rin pala. So, ayun.”

Inusisa rin ng media si Ruffa tungkol sa kanyang nakakaintrigang tweets kung saan may pinapasaringan siyang “old, fat, smelly woman.”

Ito ang magkakasunod na tweets ni Ruffa sa kanyang personal Twitter account noong April 14:

Who is this old, fat, smelly woman who won’t stop inventing false stories about me & my family? SHUT UP & get a life! Don’t involve me!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dude ur 80 yrs old. Make the most of your remaining yrs on this earth. You’re own family is sick to their stomach with ur nasty attitude!

What’s really pathetic is that her only child & grandchildren are well-loved while she’s the most hated. Will pray for u nalang old woman.

Depensa ni Ruffa sa sarili: “No, I was just venting that day because nga I heard things, nasty things being said about my children—all these terrible, horrible stories.

“You know, they’re very young—they’re seven and eight years old—and I don’t think na dapat idinadamay pa ‘to sa mga ganitong problema.

“So, alam siguro ng ibang mga reporter na nakarinig na emotional din ako, di ba?

“Huwag naman sanang madamay yung mga bata,” at dito na nga nagsimulang maiyak si Ruffa.

Ano ba ang istoryang ito na aniya’y inimbento lamang?

“Yun yung sinabi niya na nangangak daw ako kay Lorin na may kakambal si Lorin.

“And then mukhang pera mommy ko, ibinenta daw ni Mommy yung isang bata.

“I mean, how can you invent these stories, di ba?” tumutulo na ang luhang sabi ni Ruffa.

Dagdag pa niya, “Alam naman ng mga tao, na kasama ko yung mga kaibigan ko, na hindi naman ako nanganak nang kambal!

“I was laughing nga, e. I was laughing and laughing.

“But you know… how can a human being like invent such things? Where do they get these? Di ba?

“So, siyempre, I got sad and I got emotional. Ba’t pati ako idinadamay?

“Di sana kayong dalawa na lang ni Mommy ang mag-away.

“No, I don’t wanna fight with her… just don’t include me.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Amalia kaugnay ng mga pahayag na ito ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST DAD. Mas lalo namang naging emosyunal si Ruffa nang tanungin kung ano ang reaksiyon ng kanyang ama na si Eddie Gutierrez sa alitang ito sa pagitan nina Annabelle at Amalia.

Aniya, “Alam mo, kasi narinig ko that, you know, Amalia was going to say bad things about my dad.

“So, isa rin kaming nasaktan do’n.

“We’re very protective over our dad and hindi kami papayag na basta-basta lang, you know, siraan siya ng kahit na sino.

“Kasi ang daddy ko ang pinaka-gentleman, pinakamabait na tao na nakilala ko. And hindi kami makakapayag.

“So I told my mom, for the sake of my dad and for the sake of us, and for peace, huwag nang magsalita.

“My mom will never leave or hindi siya aatras sa isang battle. Pero she knows how to choose her own battles.

“And I think in this instance, mas importante ang health at ang well-being ng daddy namin kesa sa ibang tao.

“As a dad, he’s the best dad ever and of course… naku, nagiging emotional na naman ako, siyempre kapag daddy ko ang pinag-uusapan,” naiiyak na namang sabi ni Ruffa.

“But you know, he doesn’t deserve this.

“He’s the best dad that anyone can ever have.

“I cannot allow anyone to ruin his reputation.

“Hindi na bale mommy ko, kaya naman niya. She’s a fighter.

“Ako marami na akong pinagdaanan sa buhay ko.

“But for us, don’t talk about our dad, kasi he’s one person na talagang mabait, walang tinatapakang tao, and he has honor and dignity.

“So sana they would keep him out of this as well,” pakiusap pa ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN