Marian Rivera appears in music video of Down To Mars for free

Marian Rivera on guesting at the MTV of the new boy band Down to Mars: "Wala, for free, for the love. Oo naman, at saka hindi naman lahat ng bagay kailangan may bayad, e. Sa mga kapwa mo, na nakakasalamuha mo at may ginagawang kabutihan sa iyo, dapat balikan mo sila ng kabutihan din na walang kapalit talaga."

Marian Rivera (center) and beside her is Geleen Eugenio (left), Treb Montreras (right) who directed the MTV, with the members


Isang seksing-seksing Marian Rivera na naka-black see-through na damit ang napanood ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na humahataw sa pagsayaw sa music video shoot ng sing-and-dance boy group na Down to Mars para sa kanilang carrier single na "You Are My Everything" sa self-titled debut album nila distributed by PolyEast Records.

Special guest kasi ang Kapuso primetime queen sa naturang music video na kinunan sa Revolver Studios sa Makati City kahapon, Abril 17.

Kaya nang makausap ng PEP at iba pang press si Marian pagkatapos ng shoot, agad naming itinanong kung paano siya napapayag na maging guest sa music video ng Down To Mars.

"Well, napakadaling sagot dahil kay Tita Geleen [Eugenio, dance director ng video].

"Si Tita Geleen ay napakalaki ng impluwensiya sa buhay ko sa pagsayaw.

"Nang dahil sa kanya, bumuo siya ng isang kanta para sa akin which is yung ’Sabay-sabay Tayo.’

"Siya ang dahilan ng lahat ng ito.

"So, napakaliit na bagay lang nito para hindi ko maibigay sa kanya at sa mga alaga niya," sabi ni Marian.

Hindi raw nagpabayad si Marian para sa nasabing music video.

"Wala, for free, for the love.

"Oo naman, at saka hindi naman lahat ng bagay kailangan may bayad, e.

"Sa mga kapwa mo, na nakakasalamuha mo at may ginagawang kabutihan sa iyo, dapat balikan mo sila ng kabutihan din na walang kapalit talaga."

ADMIRING THE GROUP. Ano naman ang masasabi ni Marian sa baguhang grupong Down to Mars, na mina-manage ng GMA Artist Center?

"Actually, to be honest, nalito ako sa kanila kung sino ang Down to Mars at XLR8, sorry.

"Pero sabi ko nga, habang nagre-rehearse sila kanina, sumisilip ako, tinitingnan ko sila.

"’Tapos sabi ko, ’Ano ba itong mga ito, saan ba nanggaling itong mga ito?’

"Hindi ko alam. So, yun nga, mga half-half pala sila [half-Filipino, half-Chinese-Korean-Japanese].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Wow, e, di swak kami kasi half-Spanish din ako.’

"So, it’s a sign na magki-click ang grupo nila na kasama ako."

So, gusto na niya ang Down to Mars?

"Oo naman!" sambit niya.

"Sabi ko nga, nagsasayaw sila, naiintindihan ko na naiilang sila sa akin na makipag-partner at sumayaw-sayaw.

"Sabi ko, ’Ate n’yo na ako.’ So, yun, nag-party kami at naramdaman ko naman na nawala yung wall sa kanilang lahat.

"Naibigay naman nila ang todo nila dito sa mga sayaw na ito.

"At saka ang guguwapo naman at talented.

"At humanga ako dahil itong music na ginawa namin ay sila ang nag-compose nito, ha.

"’Di ba, bibihira lang ang mga artist na sila ang nagko-compose para sa sarili nila?

"Pero itong Down to Mars, bongga, sila ang nag-compose.

"So, nakaka-proud na ang galing nila para mag-compose sa age nila, ha.

"Kaya kahanga-hanga ang mga ganyan."

Gusto nga raw ulit niyang makatrabaho ang grupo.

"Malay mo sa susunod sila naman ang kunin ko para sa isang sayaw ko, di ba?

"Puwede ko rin silang kuning guests sa gagawin kong sitcom na Tweets For My Sweets, di ba?

"Sinasabi ko lang sa kanila na gusto ko mag-click sila, gusto kong maging successful ito.

"Siyempre, bilang parte ako ng MTV na ito, sana kahit papaano makatulong ako sa kanila."

Ano naman ang masasabi niya na puro papuri at magagandang salita ang bukambibig ng mga miyembro ng Down To Mars tungkol sa kanya?

"Wow, thank you," sambit niya.

SEXY COSTUME. Napadako ang usapan sa suot na sexy costume ni Marian. Hindi ba siya nailang na iyon ang ipinasuot sa kanya?

"Sa totoo lang, hindi ako sanay na magganito. Pero sabi ko nga, ’What’s new? Anong bago rito?’

"’O, sige, kinuha ako ng Down to Mars, pero ano ang puwede kong mai-offer sa kanila at maibigay na maitutulong ko na tutal nandito na ako?’ Sabi kong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ito na yung something new and something na iba sa make-up.

"Kasi ngayon lang ako nagganito, so ibigay ko na yung todo sa kanila. Para sa kanila at para kay Tita Geleen din," saad niya.

Ano ang pinaka-highlight ng MTV?

"Isa lang, maganda ang konsepto nito dahil para sa kanila ako ang pinakamaganda!" natatawang sabi ni Marian.

Nakatulong din daw para mapadali ang trabaho niya na kakilala na niya at nakatrabaho na dati ang direktor ng music video na si Treb Monteras.

"Masarap ding gawin ang MTV na ito lalo na din ang direktor nito ay isa sa mga direktor na pinakamamahal ko rin.

"Sa ’Sabay-sabay Tayo,’ siya rin ang direktor ko, so alam ko na kung anong istilo, anong anggulo na gagawin niya sa akin.

"At least tiwala ako na parang ’Ano, Yan [Marian’s nickname], you want to check your shot?’

"’Hindi na, alam mo na iyan,’ sabi kong ganun. Dahil bilib din ako sa direktor namin."

WORKING WITH MARIAN. Nakausap din ng PEP ang Down to Mars. Ayon sa kanila, thankful sila kay Marian na pumayag itong maging special guest sa music video nila.

Isa raw kasi si Marian sa hinahangaan nilang artista kaya malaking bagay ang ginawa nitong pagsuporta sa kanila.

Ang Down to Mars ay binubuo nina Yheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Kiro, Jang, at Sky.

Sa sobrang excitement nga raw nilang makasama si Marian ay hindi raw sila nakatulog.

Sabi ni Jeongwon, "Personally po, na-hype ako kanina nung pagdating niya. Lahat po kami sobrang excited, hindi kami nakatulog kagabi.

"Pero noong nakita namin siya, na-energize po kami. Masaya po kaming lahat."

Ano naman ang nagustuhan nila kay Marian?

Salit-salitang sabi nila:

"Yung attitude niya po na parang nakakadala siya ng tao na ina-uplift niya kaming lahat.

"Super-ganda ng personality ni Ate Marian. At saka hindi po siya mareklamo kahit paulit-ulit yung shots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi lang siyang nakangiti. ’Tapos nagbibigay pa siya ng suggestions at inputs niya kaya nakakahanga.

"Wala siyang kiyeme, ang sarap niyang kasama."

Napatunayan daw nila na mali ang mga negatibong balita tungkol sa aktres.

Sabi ni Kiro, "Opo, sobrang mali po. Parang iba po yung lumalabas na tsismis sa nakita po namin at na-experience kasama siya."

Kailan maire-release ang album nila?

Ayon kay Daisuke, "Yung album po namin maire-release siya on May 22 with our very pretty music video featuring Marian Rivera."

Magkakaroon daw ng grand launch ang music video nila at record album sa May 27 sa Party Pilipinas, kung saan regular silang nagpe-perform tuwing Linggo.

NO RIVALRY WITH XLR8. Kahit baguhan pa lang sa industriya, nagsisimula na ring intrigahin ang Down To Mars dahil sa umano’y namumuong rivalry sa kanila ng isa pang boy group na XLR8, lalo na’t madalas pa silang magkasama sa isang production number sa Party Pilipinas.

Bagamat mas nauna ang XLR8 sa show, tila nasasapawan na raw ang mga ito ng Down to Mars. Ano ang masasabi ng Down To Mars dito?

Sagot ni Kenji, "About that po, siguro hindi naman namin sila nasasapawan kasi they’re doing their best sa show every Sunday sa Party Pilipinas.

"As well as kami din po, lahat ng kailangan naming gawin para sa Party Pilipinas, we’re doing it for everyone who’s supporting us.

"Siyempre thankful po kami sa mga family namin, sa GMA Artist Center, of course sa GMA-7 at sa fans namin."

Ano naman ang reaksiyon nila na dumarami na ang fans nila ngayon?

Mula pa rin kay Kenji, "Masaya po kami na malaman na dumarami po yung fans ng Down To Mars.

"Yun nga po ginagawa po namin ang lahat para po sa lahat ng sumusuporta sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN