Jasmine Curtis Smith looks forward to working with new Kapatid Derek Ramsay

Jasmine Curtis Smith on playing mature roles: “Pang-wholesome pa rin ako. Even if I just turned 18, still, kailangan medyo pa-girlie-girlie pa rin ako. Though I would love to try mga mature roles, hindi pa masyado puwede. It might come out awkward kaya I will wait pa for my maturity to set in. Enjoy pa naman ako magpa-girlie-girlie, e.”


Hindi na malayong makatrabaho ni Jasmine Curtis Smith si Derek Ramsay dahil pumirma na ang hunky actor bilang bagong “Kapatid” ng TV5.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa nakababatang kapatid ni Anne Curtis, matagal na niyang kilala si Derek. Madalas nga raw niyang makasamang mag-swimming si Derek noong magkapitbahay pa sila sa isang subdivision sa Parañaque City.

Kuwento ni Jasmine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve met Derek noon pa. Bata pa ako noon.

“He’s a very nice person. Mabait siya and he’s been a very good friend sa amin ni Ate [Anne].

“But of course, I’m happy that he’s with TV5 now.

“Hopefully I can work with him in one drama series. Hindi naman siguro mahirap mangyari ‘yon, di ba?” natatawang sabi niya.

Biniro naman si Jasmine na kapag nakatrabaho o naging leading man niya si Derek, parang “natuhog” na rin silang magkapatid ng iisang leading man.

Si Derek kasi ay naging leading man ng Ate Anne niya sa blockbuster film na No Other Woman last year.

“Parang gano’n na nga, di ba?” tawa naman ni Jasmine.

“At least, kami ni Ate, we had that chance to work with him.

“Siyempre, gusto ko iba ang sa akin. Hindi naman tulad ng ginawa nila ni Ate sa No Other Woman.

“Pang-wholesome pa rin ako. Even if I just turned 18, still, kailangan medyo pa-girlie-girlie pa rin ako.

“Though I would love to try mga mature roles, hindi pa masyado puwede.

“It might come out awkward kaya I will wait pa for my maturity to set in.

“Enjoy pa naman ako magpa-girlie-girlie, e.”

BOX-OFFICE QUEEN. Masaya si Jasmine dahil hinirang na Box-Office Queen this year ang kanyang Ate Anne (ka-tie si Cristine Reyes) ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Si Derek naman ang Box-Office King dahil sa box-office success ng pelikula nilang No Other Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jasmine, “Siyempre naman, I am so happy for Ate.

“She deserves it and pati na ang mga kasama niya sa No Other Woman.

“They all worked hard for the movie and their efforts paid off amazingly.

“Masayang-masaya nga si Ate when she received the news.

“Hindi siya makapaniwala that she’s a Box-Office Queen. She never dreamt of being one and now it just happened.

“It’s like what Ate always says—never stop dreaming because one day it will all come true.

“I believe in that, and one day nga, all my dreams will come true like what happened to Ate.”

HIGH SCHOOL GRADUATE. Next school year ay huling taon na ni Jasmine sa high school sa Australia at magga-graduate na siya.

Deal daw nila ni Anne na kapag natapos na siya ng high school ay puwede na siyang mag-stay for good sa Pilipinas at dito na siya magka-college.

Pabor raw ito kay Jasmine dahil mas mabibigyan na rin niya ng panahon ang kanyang showbiz career dahil dito na siya sa Manila naka-base.

“I will try to balance everything kapag dito na ako naka-base. There’s my career and school.

“Mas madali na for me kasi dito na ako and I don’t have to fly out every now and then.

“Konti na lang and I will be done with high school and I can settle here na.

“I am thanking TV5 for being so patient with me.

“Alam kong mahirap akong bigyan ng schedule because of school, but everything will be easier next year,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN