Gabby Concepcion denies he is cause of delay of reunion movie with ex-wife Sharon Cuneta

Gabby Concepcion finally broke his silence regarding the issue that he is the cause of delay of his supposed reunion movie with ex-wife Sharon Cuneta. He clarifies that he doesn’t want the project to be left hanging as he will join his pregnant wife in the U.S.


Tuwang-tuwa si Gabby Concepcion ngayon dahil sa nakikita niyang closeness at madalas na bonding ng dalawang anak niyang sina KC at Garrie Concepcion.

Si KC ay anak ni Gabby sa una niyang asawa na si Sharon Cuneta, samantalang si Garrie ay anak ng aktor sa dati niyang partner na si Grace Ibuna.

“My dream came true!" bulalas ni Gabby nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Mommy Returns noong Lunes, April 16.

“Ngayon, magkasama sila ngayon, nagkakasundo sila, and talagang fulfilled ako kasi nakikita ko kahit na wala ako doon…

“Once upon a time, talagang pinlano ko na kukunan ko sila because iyon ang magiging source nila ng bond."

Pero ayon sa iba, mas maganda sana kung kasama si Gabby sa bonding ng magkapatid.

Pero ayon sa dating matinee idol, “Timing lang, everything is timing.

"There will come a time na siya naman ang maghahanap…

“Katulad ni KC at ni Garrie, sila na mismo ang naghanap sa akin.”

UNDER NEW MANAGEMENT. Ngayon ay Viva na ang nagha-handle sa career ni Gabby.

“Oo, for two more years," sambit niya.

So, ang Viva ang nagdedesisyon kung ano ang mga gagawin niyang projects sa pelikula at telebisyon?

“Napag-uusapan namin… nasa istorya, kung ano yung istorya, importante sa akin kasi yung istorya.

“Kung minsan kasi, nagkakataon na sabay, e, pareho namang maganda yung istorya.

“Pero siyempre, eventually napag-uusapan namin kung ano talaga yung pipiliin," paliwanag niya.

Kung sa Viva pala si Gabby, paano siya pinayagang gawin ang The Mommy Returns ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde?

“Okay lang, kasi nauna yung Regal, e.

“Bago pa ako pumirma sa Viva, ang offer ni Mother, nandodoon na noon pa, hindi lang nagagawa pa.

“Verbal yun, it was a verbal agreement," saad ni Gabby.

THE STORY. Kailan naman kaya matutuloy ang planong pelikula na magkakasama sila nina KC at Sharon Cuneta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang hindi ko alam kung kailan kaming tatlo, although marami ang nagre-request sana.

“Sabi ko nga kay Boss Vic [del Rosario ng Viva], ‘Boss Vic, okay ’yan, basta gumawa tayo ng istorya…’

“’Basahin natin yung istorya, ’tapos tingnan natin kung okay yung istorya.’

“Kasi importante talaga yung istorya, sa tingin ko, ha?

“Eighty-five to ninety percent nasa istorya, e, ‘pag gumawa ka ng pelikula, e.

“Sa tingin ko lang, ha? Maybe wrong, pero case-to-case din, ’no?

“Kung minsan nasa comedy nila kung paano nila mae-execute iyon, kung comedy.

“Kung drama, talagang dapat meron kang paghuhugutan, ‘tapos meron kang susundan na mga eksena.

“Istorya ang kailangan sa drama, e, so depende kung ano ang gagawin namin.

“Drama ba ang gagawin namin o comedy or musical or action?

“Musical puwede rin! E ako pa naman napakagaling kong sumayaw!” sabay tawa ni Gabby.

MOVIE WITH SHARON. May posibilidad pa rin naman daw na matuloy ang balik-tambalan nila ng dating asawa na si Sharon.

Sabi ni Gabby, “Kasi nung dumating ako, ang mga tao naalala kasi yung nakaraan ko.

“May loveteams sa showbiz, e, ang pinakamarkado sa lahat siyempre yung kay Sharon.

“Kasi nung pumasok naman ako, wala naman si Sharon sa buhay ko…

“E, nakasama ko si Snooky [Serna] sa Regal, kasama ko si Dina Bonnevie, si Lani Mercado… sila yung mga ka-loveteam ko noon, e.

“Nung dumating si Sharon, natabunan yung loveteam namin ni Snooky… tapos nagpakasal pa kami.

“So nung nagkahiwalay kami and all that, di wala munang pelikula, ’tapos biglang nagkapelikula pero hindi na kami nagbalikan.

“So yung loveteam, hindi na nawala…

“So nung nawala ako, pagbalik ko na naman, hinahanap na naman yun.

“Sa generation kasi namin, mabibilang mo kung sino yung mga loveteams.

“Kung gusto nilang gumawa uli ng pelikula, iisipin mo, ‘Sino kaya ang puwedeng makasama ni Gabby, sino kaya ang puwedeng makasama ni Sharon?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nawala ako siguro… gumawa sila ni Robin Padilla, gumawa sila ni Richard [Gomez].

“E, kami, hindi pa kami gumagawa ever since nung bumalik ako.

“Kaya siguro nire-request nila ngayon.”

CAUSE OF DELAY. Bakit hindi natuloy this year ang pagsasama nila sana ulit ni Sharon sa pelikula?

“Dahil ayoko daw, whatever reason.

“Ang totoong dahilan nun is manganganak yung misis ko [Genevieve Yatco].

“Siyempre, iba na ang buhay natin ngayon.

“Noong araw, hindi natin pinag-uusapan yung mga relasyon ng mga artista, hindi pinag-uusapan—it’s a no-no!

“E, ngayon, kahit na anong pag-usapan mo, okay lang… In fact, it frees you.

“It opens you up, to become more real…

“Wala kang itinatago kasi habang itinatago mo, lalong hinahalungkat nila, e.

“E, di ilabas mo na lahat.

“Ang misis ko, manganganak, ayokong sabihin ng tao na bigla akong aalis papuntang Amerika, iniwanan kong nakabitin yung pelikula namin ni Sharon.

“Ayoko din na merong love angle kami ni Sharon, ’tapos yung misis ko, e, buntis.

“So, maraming consequences, e.

“Aalis ako papuntang Amerika dahil doon siya manganganak.

“Bitin ang pelikula, ‘Si Gabby hindi tinapos,’ ayoko ng ganun.

“Or, ‘Ano ba naman ’yang si Gabby? Nakikipag-ano kay Sharon, e, happy na siya kay Senador [Kiko Pangilinan]… may mga anak na sila!’

“Tapos ‘Si Gabby, hindi na natigil yung…’ E, ayoko ng ganun.

“Iniisip ko lang yung worst-case scenario.

“Kaya sabi ko, ‘Boss Vic, para walang gulo, huwag na muna this year, next year na, hintayin muna nating manganak yung misis ko.’

“Kawawa naman yung misis ko dahil nangyayari ang lahat ng ito…

“E, ang emotions ng misis ko, hindi ko na napapansin, kawawa naman, di ba?” mahabang paliwanag ni Gabby.

BIRTH MONTH. Sa July manganganak ang asawa ni Gabby sa kanilang ikalawang anak.

“Kaya alangan, kasi yung pelikula uumpisahan ng May, hindi matatapos ng June ’yan, tutuloy ng July…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, manganganak na yung misis ko, iiwanan ko.

“Sasabihin, ‘Si Gabby binitin ang pelikula, iniwanan, nag-walkout!’

“Naku, ayoko na ng ganun!”

TURNING DOWN THE PROJECT. Umayaw nga ba sa project si Gabby dahil “very healthy” si Sharon at hindi sila bagay?

Pagtutuloy ni Gabby, “Na nagagalit daw si Sharon dahil kung sinu-sino ng mga artista ang tumanggi sa kanya, ’tapos ako rin?

“So, doon na siya nagalit nang husto?

“Wala namang katotohanan iyon!

“Kakapaliwanag ko lang, na iyong misis ko, buntis.

“Ako mismo ang nagsabi kay Boss Vic, sabi ko, ‘Boss Vic, next year na lang, yung asawa ko buntis.

“’Hindi naman tama na ganitong anggulo kami ni Sharon, ‘tapos yung asawa ko buntis… kawawa naman.’”

FROM TV TO ABS-CBN. Hindi rin daw totoong umalis siya sa TV5 nang lumipat doon si Sharon at sa halip ay bumalik si Gabby sa ABS-CBN.

Tumawa muna nang tumawa si Gabby bago ito sinagot.

“Hindi naman ako contract star [ng TV5] maski noong una, Viva ang aking pinirmahan, as management.

“May partnership sila kasi yung huling teleseryeng ginawa namin, yung P.S. I Love You is owned…

“The title is owned by Viva, but the production is a co-venture, co-production ng 5 and ng Viva.

“So ako, talent ako ng Viva, kinuha ako ng Viva, pero ang kontrata, na kay Vic del Rosario at Channel 5,” paglilinaw ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN