Kim Chiu on negative comments about her team-up with Xian Lim: “Nasa kanila naman yun, free naman nilang sabihin kahit na anong gusto nilang sabihin."

Kim Chiu is still being hounded by talks about the real "intentions" of rumored suitor Xian Lim aggravated by the alleged negative emails from the fans group Kimerald. Kim just brushes this off, stressing that these incidents are part of being a celebrity. Kim says: “‘Di naman lahat ng tao mapi-please ng artista, may taong magugustuhan ka, mayroong hindi ka magugustuhan. Part na rin yun ng pagiging artista, just accept everything and go on."


Pagkatapos nina Bea Alonzo at Sarah Geronimo, balitang si Xian Lim naman ngayon ang nakakatanggap ng hate e-mails mula sa Kimerald, ang grupo ng mga tagahanga ng Kim Chiu-Gerard Anderson loveteam.

Si Xian kasi ngayon ang itinatambal kay Kim na hindi naman pinapaboran ng mga masugid na tagahanga ng loveteam nina Kim at Gerald.

Pinaparatangang nanggagamit lamang at hindi dapat pagkatiwalaan si Xian sa espesyal na pinapakita nito kay Kim.

Pinasasakay lang daw ng young actor ang kanilang idolo para sa pansarili nitong interes at career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa nakaraang birthday/charity work nito sa mga bata ng Brgy. Loyola Heights, Katipunan, noong April 16, nagbigay siya ng saloobin tungkol sa mga negatibong komento tungkol sa tambalan nila ni Xian.

Ayon sa Kapamilya star, “Natural naman sa showbiz ang makatanggap ka ng mga negative feedbacks.

“Hindi naman lahat ng tao mapi-please ng artista. May taong magugustuhan ka, mayroong hindi ka magugustuhan.

“Part na rin yun ng pagiging artista—just accept everything and go on.

“Nasa kanila naman yun, free naman nilang sabihin kahit na anong gusto nilang sabihin.

“Nasa amin naman yun kung gusto naming basahin, kung gusto naming dibdibin.

“Artista kami, napapanod nila kami, puwede silang mag-comment ng kahit na anong gusto nilang i-comment.”

RELATIONSHIP WITH XIAN. Pero ano na ba ang estado nila ni Xian ngayon?

“Okay naman kami, nagko-communicate kami, nagtatawagan, text, minsan lumalabas…

“We’re friends... we’re true friends," sagot ni Kim.

Magkasama sina Kim at Xian sa Hawaii nung nakaraaang Star Magic Tour at ikinuwento ng young actress sa PEP ang nangyaring bonding nila doon.

“Nung nag-Hawaii kami, namasyal kami ng kaunti.

“Madaming Kimxi [Kim-Xian] fans ang nagbigay ng regalo, so nakakatuwa.

“Nagpapasalamat kami na hanggang dun, may mga fans kami na sumusuporta sa amin," aniya.

KIM-GERALD PROJECT. Ginagawa ngayon ni Kim ang horror-drama film na The Healing para sa Star Cinema kunsaan kasama niya si Governor Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda rin siyang gumawa ng magkaibang pelikula kunsaan makakatambal niya sina Xian at Gerald.

Ayon kay Kim, “Yung sa amin ni Xian, inaayos pa nila—it’s under Star Cinema, alam ko rom-com [romantic-comedy].

“Yung sa amin ni Gerald, hindi kasi siya super love story kasi ang dami namin sa movie.

“Hindi siya naka-focus sa isang tao lang, so ang daming mangyayari.

“May eksena kami ni Gerald, mayroon din sa ibang artista, maraming something actually.

“Pero yung main story, it’s all about love…

“Parang lahat ng bagay gagawin mo, alang-alang sa pag-ibig.”

GERALD AND SARAH. Umamin na si Gerald na ang bagong inspirasyon niya ngayon ay ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Ano ang reaksiyon dito ni Kim?

“Super happy ako for Gerald, sa kung anuman ang naabot niya ngayon…

“Sa personal life niya, sa career niya, masayang-masaya ako," matipid niyang sagot.

BIRTHDAY WISH. Noong araw ng interview ng PEP kay Kim ang mismong araw ng birthday niya. Ano ang birthday wish o gusto pa niyang makuha sa buhay?

Aniya, “Wish ko sana tuluy-tuloy lang itong mga nangyayaring maganda sa akin.

“Masaya na ako sa nangyayaring maganda sa akin dito sa showbiz dahil natutupad lahat ng mga pangarap ko... nakukuha ko lahat ng gusto ko.”

CHARITY WORK. Every year ay may ginagawang charity work si Kim kung saan ibinabahagi niya sa mga bata na malapit sa puso niya ang anumang blessings na natatanggap niya.

Saad niya, “Talagang every year mayroon akong charity for my birthday.

“Gusto ko yung mga batang walang mga magulang.

“Two years ago sa mga babies, yung mga walang incubator.

“Last year, yung mga babies na iniwan lang sa kalye, and ngayon mga malalaking bata naman.

“Malapit ang loob ko sa mga batang walang mga magulang kasi laking lola ako, wala akong mga magulang.

“I have my dad pero wala siya sa side ko, so alam ko yung feeling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN