Aljur Abrenica excited to meet Kylie Padilla’s “tita” BB Gandanghari

Aljur Abrenica expresses interest to meet Kylie Padilla’s “tita” BB Gandanghari. One of the reasons, he says, “Fan ako no’n, e. Pinapanood ko ‘yon noon, e.”


Madalang man niyang makita ngayon si Kylie Padilla, tiniyak naman ni Aljur Abrenica na nanatili ang pagiging malapit nilang magkaibigan.

Sa ngayon, bihira na raw silang lumalabas ng dalagang anak ng action superstar na si Robin Padilla.

“Pero happy kami. Masaya kami kasi minsan nagkakasama kami. Minsan lumalabas kami,” sabi ni Aljur nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa ginanap na Century Tuna Superbods 2012 Finals sa Boracay Island kamakailan.

Hanggang ngayon hindi pa rin tiyak na mailarawan ni Aljur kung ano ang relasyon nila ni Kylie sa kabila ng pagkaka-link nila sa isa’t isa.

Sa halip, sinabi ng dating StarStruck grand winner, “Kami ni Kylie naman, galing na rin sa kanya, siya na rin ang nagasabi, magkaibigan lang kami. It was very close.

“Ito lang ang sasabihin ko sa inyo—espesyal siya para sa akin.”

Nang tanungin kung bakit tila hindi na umusbong pa ang pagiging malapit nila, ngumiti si Aljur.

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya, “May mga sitwasyon lang talaga na hindi puwede.

“Masyado pa nga kaming mga bata, may trabaho pa kami.

“Marami pa kaming pangarap na gustong maabot.”

Ayon sa Kapuso hunk, minsan na lamang sa dalawang linggo sila nakakalabas ni Kylie ngayon subalit madalas silang nag-uusap.

MEETING KYLIE’S “TITA.” Sa mga nakaraang panayam kay Aljur, inilahad niya ang kanyang interes na makita ang “tita” ni Kylie na si BB Gandanghari.

Kaya naman kinumusta siya ng press kung nangyari na ito.

“Hindi pa nga, e,” sagot ni Aljur.

“Kasi na-interview ako noon, nabanggit sa akin ‘yan. ‘Tapos tinanong ko siya, nabanggit niya sa akin.

“Sabi ko, ‘Pakilala mo naman sa akin si BB.’

"Sabi niya, ‘Sige.’ Sabi ko, ‘Basta kapag may time.’

“Kasi kapag espesyal sa akin ‘yong tao, lalung-lalo na ‘yong family niya, gustung-gusto kong makilala lahat.”

Kung sakali, ano naman ang sasabihin ni Aljur kay BB Gandanghari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Fan ako no’n, e. Pinapanood ko ‘yon noon, e.

“Mas pogi pa sa akin ‘yon, e. Kumbaga, iniidolo ko rin siya noon, e.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang dating showbiz career ni BB Gandanghari, noong siya ay kilala pa bilang aktor na si Rustom Padilla.

Pagkatapos sabihin ito, tila nabahala si Aljur kaya sinabi niya na, “‘Yon na lang ang gusto kong sabihin, na excited po akong ma-meet siya.

“Hindi pa kasi napag-usapan ni Kylie pero nabanggit ko na sa kanya na gusto ko siya [BB] ma-meet.

“‘Yong schedule, wala, e. Sobrang busy din kasi ni Kylie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN