Nora Aunor reveals her upcoming movie and concert

Nora Aunor promises to fulfill her commitments in the Philippines when she returns from the U.S. after another throat examination. Lined up are a movie, Thy Womb directed by Brillante Mendoza, and a concert by October.


Naging panauhin kamakailan sa DZBB 594 radio program ni German “Kuya Germs” Moreno ang Superstar na si Nora Aunor.

Sa panayam ni Kuya Germs kay Nora, inisa-isa niya ang mga proyekto at plano for this year.

IMMEDIATE PROJECTS. "Anu-ano nga ba ang aabangan ng mga tagahanga ni Nora ngayong taon?" tanong ni Kuya Germs kay Nora.

“Ni, [ang tawagan nina Kuya Germs at Nora sa isa’t isa] unang-una nilang aabangan yung ginagawa naming pelikula ni Direk Brillantes Mendoza ang Thy Womb na ang kabuuan ng pelikula ay kukunan sa Tawi-Tawi," sagot ng Superstar.

"Sinu-sino ang makakasama niya sa pelikula?" tanong ng Master Showman.

“Marami… nandIyan si Lovi Poe, Bimbo [Bembol] Rocco na nakasama sa pagbabalik-telebisyon ko at marami pang iba," sagot ni Ate Guy.

"Hindi ba nagkatambal na sila noon ni Bembol?"

Ani Ate Guy, “Opo Ni, sa Tatlong Taong Walang Diyos at dun nga sa teleserye namin sa TV5."

"Bukod sa pelikula, meron din bang drama-teleserye na gagawin?" tanong ni Kuya Germs.

“Oo, pero Kuya, pelikula muna yung gusto kong gawin," umpisa ni Nora.

“Kasi ’pag teleserye, yung oras mo talagang inu-umaga.

“Pahinga muna ako, magpapapayat muna ako kasi pansin na pansin nila yung pagdagdag ko ng timbang.

“Tsaka na lang ako ulit magte-teleserye.

“Mas gusto ko munang gumawa nang gumawa ng pelikula ngayong taon."

Bukod sa mga commitment ni Ate Guy sa ibang mga producer, mayroon ding plano si Kuya Germs at Ate Guy na gumawa ng isang project–Si Ate at si Kuya.

“Tuloy natin, kailangan nating ituloy yan!” natutuwang bulalas ni Nora.

MUSICAL CONCERT. "How about a music album o kaya’y isang concert?" tanong ni Kuya Germs.

“Darating tayo dyan Kuya, pero hindi pa ngayon," ang sagot ni Ate Guy.

“Babalik pa kasi ako ng Amerika para mag pa-opera at para maayos na kung ano man ang problema sa lalamunan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga yung inaasahan nilang concert sa May, malabo pa talagang mangyari yun… hopefully sa October baka puwede na."

Biglang banggit naman ni Kuya Germs ang isang sorpresa ni Nora para sa mga fans.

“Opo, opo! Yun nga yung sorpresa ko [concert sa October] sa kanila Kuya!" sagot ng Superstar.

Sa pagpapatuloy ng kwentuhan nina Kuya Germs at Ate Guy, nagawi sila sa ginagawang pelikula ni Norang Thy Womb.

“Opo Kuya, ikukuwento ko ‘pag napasyal ako sa Master Showman… yung mga ginagawa namin sa Tawi-Tawi," ang sabi ni Nora.

MORE PROJECTS. "Anu-ano pa ba ang gustong iparating ni Nora sa mga nanabik niyang mga fans?" tanong ni Kuya Germs.

“Gusto ko lang iparating sa kanila na tuloy na tuloy na yung mga proyektong mga naiisip ko para sa kanila," sagot ni Nora.

“Sana matupad nga–matupad ko this year kasi matagal ko nang pangarap ko ito sa kanila.

“’Di puwede na ’di matupad ngayong taon na ’to.

“Dahil katulad ng sinabi ko, matagal ko na talagang pinapangarap ito para sa kanila.

“Katulad na lang ng scholarship, livelihood program at iba pa," sabi ni Nora.

Pagpapatuloy pa niya, “Actually meron na kaming tinuturuan gumawa ng tocino… alam mo na–yung mga ganun-ganun.

“Pero ang importante nga, kukuha muna kami ng opisina… para bang meron silang puntahan.

“’Di sila maghahanap pa kung saan-saan.

“’Di kung meron ng opisina, dun na lang sila pupunta.

“Yun na lahat–dun pagpaplanuhan yung mga proyekto pang gusto naming gawin," ang sabi ni Nora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN