Julia Montes on intrigue that she is now more popular than Kathryn Bernardo: “Yun ang nakakalungkot… kasi wala namang ganung nangyayari.”

Julia Montes appears as a mature Katerina in the toprating primetime soap Walang Hanggan. She says she did not expect viewers to accept her mature role in the teleserye: "Oo, pero, hindi ko ine-expect na pati si Katerina ay tatanggapin ng tao. Yun ang fear ko before—na hindi nila tanggapin yung role ko bilang young wife."


Sabay na ni-launch sa teleseryeng Mara Clara sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Dahil dito, agad na pinagkumpara kung sino sa kanilang dalawa ang mas sisikat pagkatapos ng kanilang pinagsamahang serye.

Unang nakagawa ng ingay si Julia bilang Katerina sa primetime serie na Walang Hanggan katambal ang matinee idol na si Coco Martin.

Patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang kanilang serye kaya naman marami ang nagsabing mukhang nangusuan na ni Julia si Kathryn.

Ngayong linggo naman ay nag-premiere na ang sariling primetime series na Princess And I, kunsaan gumaganap siya bilang prinsesa.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia noong Miyerkules, April 18, sa taping ng Walang Hanggan, ipinagtanggol niya agad si Kathryn.

“Masaya ako for her," sambit ni Julia.

“Noong una kasi, nung ako yung nagka-show, marami akong naririnig at maraming nagsasabi na, ‘Bakit ganun, wala si Kathryn?’

“E, alam na rin kasi namin na ginagawa niya yung big project na yun and talagang ang ganda-ganda ng project na yun, kasi prinsesa nga siya.

“Isa yun sa pinakamagandang role na nagawa niya.

“Saka super ganda! Trailer pa lang, talagang kaabang-abang."

Patuloy niya, “Dun sa sinasabing napag-iwanan ko na siya, yun ang nakakalungkot… kasi wala namang ganung nangyayari.

“Lalo na ngayon, makikita nila na talaga kung bakit wala pang pinapalabas si Kathryn nung ginagawa ko itong Walang Hanggan.

“Yun ay dahil nga may big project siyang nakaabang talaga.”

STILL GOOD FRIENDS. Tiniyak naman ni Julia na kahit kailan ay hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Kathryn sa kabila ng pagkukumpara sa kanilang dalawa.

“Yun ang talagang proud kami kasi wala talagang nagbago… mas lalo pa kaming nagiging strong ngayon.

Aniya, “Nakalabas kami before mag-Holy week, pero hindi na madalas, hindi na namin maibalik yung dalas kasi busy na kami pareho.

“Talagang hindi nawala yung friendship—yung tipong ‘pag may problema yung isa, one call away lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WALANG HANGGAN. Labis naman ang pasasalamat ni Julia sa mainit na pagtanggap ng publiko sa mature role niya bilang Katerina sa Walang Hanggan.

“Siyempre natutuwa at hindi ko naiisip na aabot sa ganung point.

“Ang tingin ko lang, maganda yung show.

“Oo, pero hindi ko ine-expect na pati si Katerina ay tatanggapin ng tao.

“Yun ang fear ko before—na hindi nila tanggapin yung role ko bilang young wife.

“As of now, good feedbacks naman yung natatanggap ko na talagang napapaniwala ko sila…

“Na may-asawa na ako… working girl na ako… so yun, sobrang happy ako.

“Ako, gusto ko kasi challenging siya. Kumbaga, dume-daring ako, pero hindi ako nagpapakita ng balat.

“Mature itong role ko, pero hindi ako yung pa-sexy.

“So okay sa akin kasi sa future, alam ko na marami pa akong puwedeng gawin…

“Na marami pa akong puwedeng ipa-surprise sa tao.”

MAINTAIN GOOD RATINGS. Sa taas ng ratings ng Walang Hanggan, aminado si Julia na may pressure sa kanila kung paano ito ime-maintain—hindi lang ang ratings kundi pati ang ganda ng istorya ng kanilang serye.

Saad niya, “May pressure din, siyempre ime-maintain namin yun.

“Saka hindi lang naman kami sa ratings nagbe-base.

“Gusto namin yung satisfaction ng tao, yung story namin na talagang kakapitan ng tao—dun kami nagbe-base.

“Ngayon, masaya kami na talagang kinakapitan kami, hindi sila bumibitaw.”

Nagkuwento rin si Julia tungkol sa magandang relasyon ng bawat cast ng Walang Hanggan.

“Ayun! Okay na okay naman, hindi na kami nahihirapan…

“Walang ilangan… jive na jive kaming lahat so magaan yung work.”

ENCHONG AS ADMIRER. Bukas si Enchong Dee sa paghanga niya kay Julia at inamin pa nga ng binata nito na nililigawan niya ang young actress.

Kumusta na sila ni Enchong?

“Okay naman siya [Enchong]. Tuloy pa rin naman siya [sa panliligaw].

“Masaya ako dahil may bago siyang endorsements ngayon, may movie siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay dugtong ng, “Kung may pag-asa ba siya? Mahirap magsalita ng tapos, tingnan natin.

“Close kasi kami ngayon… naiintindihan niya kung ano ang posisyon ko ngayon…

“At naa-appreciate ko yun… so tingnan na lang natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN