Melanie Marquez and Isabel Lopez on rule change that allows transgender women to participate in Miss Universe beauty pageant: "Promo ni [Donald Trump] yan."

Former Miss International Melanie Marquez (left) and former Binibining Pilipinas-Universe Isabel Lopez (right) are against the rule change allowing transgender women to join the Miss Universe beauty pageant. Says Melanie, “Ang lakas namang dagok sa aming kababaihan kung nanalo ang transgender, di ba?” Isabel adds, "Alam naman natin na that’s the end of the true and the natural."


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang isyu ng pagpayag ng Miss Universe Organization na sumali ang mga transgender women sa taunang prestihiyosong beauty pageant na Miss Universe.

Ang naturang beauty pageant organization ay pinamamahalaan ng international business tycoon na si Donald Trump.

Ang pag-anunsiyo sa naturang policy change ay naganap isang linggo pagkatapos maglabas ng desisyon ang organisasyon na payagang sumali ang transgender na si Jenna Talackova para mag-compete sa pagiging representative ng Canada sa Miss Universe ngayong taon.

Si Talackova ay ipinanganak na lalaki. Pero sumailalim siya sa sex change apat na taon na ang nakararaan. Ang advocacy group na GLAAD (Gay & Lesbian Alliance Against Defamation), na sumusuporta kay Talackova, ang nakipag-usap sa Miss Universe Organization para rebyuhin ang kaso niya matapos ma-disqualify sa Miss Universe Canada na magaganap sa susunod na buwan. Kasama rin dito ang panawagan ng GLAAD na buksan ang Miss Universe sa transgender women.

Ang naturang isyu nga ang tinalakay ng showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kaninang tanghali, Abril 21.

Live na nag-guest sa studio para sa Presscon Express segment ng Paparazzi ang mga dating beauty queens na sina Melanie Marquez at Maria Isabel Lopez.

Si Melanie ay nanalo ng titulong Binibining Pilipinas-International noong 1979 na nagtuluy-tuloy hanggang sa pagwawagi niya bilang Miss International 1979.

Si Maria Isabel naman ay hinirang bilang Binibining Pilipinas-Universe noong 1982 at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe na ginanap sa Lima, Peru.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na ito sa apat na entertainment press na nagtanong kina Melanie at Isabel kaugnay ng transgender issue.

Bilang pauna, kaagad tinanong ng Paparazzi host na si Cristy Fermin ang dalawa kung ano ang masasabi nila tungkol sa naturang isyu.

Ayon kay Isabel, “Sa akin, of course, we all love the transgender [people]. Kaya lang ang point dito is to categorize, to define and not to discriminate. Discrimination is not an issue here.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Melanie, “Ang lakas namang dagok sa aming kababaihan kung nanalo ang transgender, di ba?”

Dagdag pa ni Isabel, “At saka imagine before pinayagan na nila yung may mga implant. Tapos ngayon papayagan pa nila yung gawa na yung private part, di ba?”

Pahabol din ni Melanie, “At saka in any beauty contest, dapat hindi pinapayagan… hindi pinapanalo lahat ng nag-undergo ng retoke. Kasi ang essence ng beauty nila, theoretically lang. Hindi siya malalim na beautiful talaga, [hindi] natural.”

DONALD TRUMP GIMMICK? Si Jun Lalin ang unang nagtanong mula sa entertainment press. Tanong niya, “Sa tingin ba nila gumigimik lang ba si Donald Trump kaya sinabi niyang pwedeng sumali ang transgender?”

Sagot ni Isabel, “Well, alam naman natin na si Donald Trump will always be there pagdating sa publicity.

"He has the money para bayaran lahat ng mga publicity. Pero sa akin naman it’s more of pressure dahil nandun na yung Miss Canada, nakapasok na kumbaga.

"Para na rin ma-appease yung mga reklamo.”

Komento naman ni Melanie, “He [Donald] wasn’t born yesterday. Promo niya yan para pag-usapan ang Miss Universe.”

Tanong naman ni Rey Pumaloy sa dalawang beauty queen-actress, “Paano kung maging legal na ang pagsali ng transgender? Sa palagay n’yo, ano ang magiging future ng mga international beauty pageant at okay lang ba sa kanila na magpadala pa rin ang Pilipinas ng kandidata?”

Matapang na sagot ni Isabel, “Well, unang-una kung makakalusot sila sa Binibining Pilipinas Charities. Kung ako nga bold model lang e, discriminated na sa Binibini, what more yung mga transgender?

"Kung tutuusin walang operada dito ha [sa katawan ko] and yet hindi ako accepted noon. What more yung mga gawa, yung mga fake.”

Muntik nang ma-dethrone noon si Isabel dahil sa pagiging Gerard Peter sexy model niya. Ipinaglaban niya ang kanyang karapatan kaya hindi nawala ang titulo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Melanie, “For me, I’d rather establish ng ibang prestigious beauty contest for transgender [women]. Para at least pakitaan kayo kung sino ang maganda ang pagkaretoke, di ba?”

MESSAGE TO GAYS & TRANSGENDER WOMEN. Tanong naman ni Richard Pinlac, “Siyempre mga idol kayo ng mga kapatid nating beki [bakla], di ba? Ano ang mensahe n’yo sa kanila na talagang gustong maging Miss Universe din?”

Ani Isabel, “Ang sa akin, it’s good to dream. Dahil kaming mga babae nangarap din kami. So, ngayon pagbigyan natin yung mga kapatid natin na mga trangender na mag-dream din.

"It’s good to dream kaya lang there has to be the right venue, the proper place, the proper pageant for that.”

Kung tatanggapin ang transgender women sa female pageants, okay lang din ba na tanggapin ang mga babae sa gay pageants?

“Sana kasi ang mga babae mag-compete with women. Tapos ang mga transgender with their own batch,” sabi pa ni Isabel.

Ayon naman kay Melanie, “Alam mo gusto ko lang malaman nila na sana darating ang panahon… kasi impluwensiya yan ng surroundings nila kaya sila nagpapapalit ng kasarian.

"Sana maging happy kayo because I always believe that God never makes mistakes. Whatever beauty God has given you, it’s up to you, your choices.

"Kasi man-made lahat iyan. Iba yung God’s way.”

ADVICE TO DONALD. Tanong naman ng PEP.ph kina Melanie at Isabel, “kung may mensahe at advice sila para sa producer ng Miss Universe na si Donald Trump, ano ang gusto nilang sabihin dito?”

Pahayag ni Isabel, “Well, Donald Trump, pinayagan na natin sa United States ang gay marriages, yung mga lalaki sa lalaki magpapakasal.

"Ngayon, pinayagan mo na ang mga transgender na mag-compete with real women. Ano ba ang susunod nating hakbang?

"Gagawin na lang ba natin ang actual reproductive organ, yung mga ovary ilalagay na ba natin sa kanila para mabuntis na rin ba sila? What’s next?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Melanie, “Well, I dined with Donald Trump before. The only thing I can say is, ‘Bravo! You’re really a good marketer, a businessman, that’s why you’re Donald Trump.’”

May huling salita pa sina Melanie at Isabel kaugnay ng isyu.

Ani Melanie, “Ako, basta may sariling kategorya ang mga transgender women, okay ako talaga. Pero pag imi-mix sila [sa pinanganak na babae], I don’t think it’s fair.

"Unfair iyan e. Ang true meaning ng beauty queen has to be natural beauty—in and out. Those are the people, those are the queens that really deserve to wear the crown."

Dagdag ni Isabel, “Alam naman natin na that’s the end of the true and the natural. So, kumbaga, ang bawat country should be responsible enough na i-screen nilang maigi yung kanilang beauty title holders.”

MIRIAM QUIAMBAO & KRISTA KLEINER. Napanood din sa Paparazzi ang VTR interview ng dalawa pang beauty queens na sina Miriam Quiambao (Miss Universe 1st runner-up 1999) at Krista Kleiner (Binibining Pilipinas-International 2010) tungkol sa isyung ito.

Ayon kay Miriam, “I feel very strongly na dapat ang Miss Universe pang-natural born women lang.”

Sabi naman ni Krista, “It’s supposed to be for women. I have nothing against transgender [women] pero for me there has to be a separate pageant for [them]. If they can do like a Miss Gay Universe.”

May komento rin sila sa naging desisyon ni Donald Trump.

Ani Krista, “To be honest, I see Donald Trump as a guy who’s very into marketing. So, I think this is a marketing tool para pag-usapan ang Miss Universe and he did a great job kasi pinag-uusapan talaga sa buong mundo.”

Ayon naman kay Miriam, “Nasa desisyon din naman ni Donald Trump yun, e. Kung desisyon niyang isali o hindi, nasa kanya na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA GUTIERREZ. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP na mahingan ng pahayag ang Paparazzi co-host na si Ruffa Gutierrez, bilang isa rin dating beauty queen. Siya ang itinanghal na Binibining Pilipinas-World noong 1993 at nagwagi naman bilang Second Princess o second runner-up sa Miss World sa taong nasabi.

Sabi ni Ruffa, “I really love all transgender [people]. Alam n’yo, hindi natin dapat sila tinitira kasi usually yung mga transgender naman ina-idolize talaga ang mga beauty queens.

"So, kung gusto ni Donald Trump na ipasok sila sa Miss Universe, that’s up to him. You know, kanyang timpalak yun, kung ano ang gusto niyang gawin, that’s his right.

“But for me it’s a very sensitive topic just like religion and politics. I think our country is not ready for the transgender to be included in beauty pageants.

"But in the other countries like America, they’re already considered as women. So, depende na lang which country you are from, kung anong views mo tungkol doon.

"But I think tayo, hindi pa tayo ready para ipasok sila sa isang beauty pageant for women.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN