Basketeer Shawn Weinstein ready to join showbiz

Twenty-six year old PBA player Shawn Weinstein is with the Barako Bull Energy team. The Fil-Am has bagged two endorsements and says he’s ready to join showbiz.


Kapansin-pansin na maraming mga atleta o personalidad sa mundo ng sports ngayon ang pumapasok sa show business para mag-modelo o maging product endorser o gumawa ng TV commercials o mag-host ng show o maging artista.

Patok na patok nga sa mga Pinoy ang Azkals football team sa pangunguna ng magkapatid na Phil at James Younghusband na sunud-sunod ang product endorsements at madalas pang laman ng mga balita. Ang basketball player namang si Chris Tiu ay kabi-kabila ang shows sa dalawang TV networks – GMA-7 at TV5.

Tila ganito rin ang landas na tinatahak ng Philippine Basketball Association (PBA) player na si Shawn Weinstein dahil nagsisimula na siyang maging celebrity endorser para sa international sports brand na Reebok at YSA Skin Care Center.

“I am very happy to represent Reebok and YSA. They are both reputable brands and have great products and services,” sabi ni Shawn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang 26-year-old na si Shawn ay isang Filipino-American professional basketball player na kasalukuyang naglalaro para sa Barako Bull Energy sa PBA. Co-managers niya sina Ronnie Henares at Lana Johnson pagdating sa kanyang product endorsements at posibleng showbiz career.

Bagama’t nakakaintindi ng Tagalog si Shawn ay hindi naman siya ganun katatas pa magsalita nito. Kaya naman kahit pinaghalong Tagalog at English ang mga tanong namin ay pinili pa rin niyang sagutin ito sa Ingles para raw mas ma-express niya ang kanyang sarili.

BASKETBALL OVER SHOWBIZ. Ngayong celebrity endorser na siya may balak ba siyang tuluyang pasukin ang showbiz at subukan ang hosting o acting?

“Right now I just want to win championships [in PBA]. But if there is a good project that suits me and I am passionate about it, I would think it over.”

Kung sakaling magkaroon nga siya ng career sa showbiz, ano ang magiging first priority niya—basketball o showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basketball will always come first. But I’ll still do my best when it comes to my showbiz career if given the chance.”

Nagkaroon daw siya ng “taste of showbiz” nang maging presenter siya sa nakaraang PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies. Kumusta naman ang naging experience niya?

“Presenting at the PMPC star Awards was an amazing experience. I had a lot of fun, I was honored to be asked to present especially with the extravagant list of other artistas at the event.”

READY FOR INTRIGUES. Handa na rin daw si Shawn sa pagharap sa mga intriga sa showbiz.

“Actually, I am taking the showbiz intrigue as a compliment. I never imagined that I would be given this opportunity to be talked about.”

Isang intriga ngang posibleng sumulpot ay ang pagkukumpara sa kanila ng kapwa niya basketball player na si Chris Tiu. Okay ba sa kanyang maikumpara kay Chris?

“Chris has represented the Philippines extremely well. His work with community service and stint with the national team Gilas has been positive for the Philippines, and has given fellow athletes a good image. So, to be compared to him is okay with me.”

Sino ba ang paborito niyang artista sa local showbiz?

“Vic Sotto. I watched his movies and he is really good.”

Given the chance, anong tipo ng proyekto ang gusto niyang gawin—comedy, drama, action or sports-related?

“My first choice would be a sports-related film, but I would say action is a close second.”

Sino naman ang gusto niyang makasama?

“I would like to work with Bossing [Vic]. He does comedy and action effortlessly and he has been in the industry for so long.”

CRUSH ON GWEN. Inamin naman ni Shawn na kung sakaling bibigyan siya ng pagkakataon na mamili ng leading lady niya, ang Kapuso actress na si Gwen Zamora daw ang gusto niya. Crush niya raw kasi si Gwen na napanood niya bilang si Faey sa pelikulang Enteng ng Ina Mo kasama si Bossing Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gwen is one of the first friends I made here in the Philippines.”

Paano niya nakilala si Gwen?

“We have common friends.”

Ano ang nagustuhan niya sa aktres at naging crush niya ito?

“Aside from her natural beauty, Gwen has a caring heart and is family-oriented."

Single ngayon si Gwen, posible kayang ligawan niya ito?

Natawa muna si Shawn bago sumagot, “Anything is possible, but Gwen and I are just friends.”

Sana nga raw ay magkatrabaho sila sa isang proyekto ni Gwen.

MAGNA CUM LAUDE. Bukod sa good looks at galing sa paglalaro ng basketball, napag-alaman ng PEP na may talino ring taglay si Shawn lalo na’t nag-graduate pala siya na magna cum laude sa Saint Edward’s University sa Austin, Texas.

Naging varsity player siya ng naturang paaralan at naglaro siya sa NCAA Men’s Division sa loob ng tatlong seasons. Dito ay naging Heartland Conference Player of the Year siya noong 2007.

Pagkatapos ay dalawang seasons siya naglaro at nag-represent para sa mga Pinoy sa Elitzur Maccabi Netanya sa Israel Basketball Super League.

August 2010 nang pasukin niya ang PBA pagkatapos niyang mapili sa draft at mapasama sa Meralco Bolts team. Sumunod siyang naglaro para sa Talk N Text Tropang Texters at nakasama pa siya nang mag-champion ang team sa nakaraang Philippine Cup. Kasalukuyan siyang naglalaro ngayon bilang guard sa Barako Bull Energy.

Bakit niya mas piniling maglaro ng basketball kaysa gamitin ang tinapos niyang kurso lalo na’t nag-graduate pa siya na magna cum laude?

“I decided to pursue sports because you can’t play at a high level forever. The aging process is undefeated.

"Basketball has always been my passion in my life, I don’t know if it is because I am Filipino, but I’ve loved the game since I was a baby.”

Kung wala siya sa basketball, ano kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I would always be into something sports-related...business wise.”

THE MVP GOAL. Malaking impluwensiya raw sa kanyang paglalaro ng basketball ang dalawang PBA Legends na sina Robert Jaworski at Ricardo Brown.

“My Filipino sports idols are Robert Jaworski and Ricardo Brown. As most of the Philippines can attest to, Robert Jaworski is really special.

"He dominated and controlled every aspect of the game. His energy and physical play was entertaining for the fans.

“Ricardo Brown is my other idol because of what he did for the Filipino-Americans. Not only was he an amazing player, but his positive attitude, work ethics, and interactions with the fans has allowed players such as myself to be welcomed into the Philippines with open arms."

How does it feel to once be a part of the team Talk N Text that won the PBA Philippine Cup?

“I am extremely grateful I had the opportunity to be a part of TNT, the Philippine Cup championship team.

"The chemistry and positive environment that the team had was great. Growing up, you dream of winning championships and to experience that early in my career is special.

"But I’m happy now with my present team, Barako Bull.”

Kasama ba sa goals niya sa PBA ang tanghaling Most Valuable Player?

“As a personal goal, earning the MVP title is at the top of the list and would be a major achievement in my career. It would be a nice reflection on the hours and hours I spend in the gym and studying the game of basketball.

"However, more important than an MVP award is winning championships and that is what I prioritize now.”

Bukod sa basketball at posibleng showbiz career, ano pa ang gusto niyang gawin?

“As of late, I am looking to start some charity organizations to help the youth and the less fortunate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My focus will be mainly of the provincial areas that do not have the means and access to education and basketball. If we teach the youth for a day we can inspire or prepare them for a lifetime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN