Joseph Estrada on running for mayor in Manila: “Ah ‘yan ang mabigat kong pinag-iisipan. I’m seriously thinking about it.”

Big names from showbiz, politics and business attended former President Joseph Estrada’s 75th birthday bash on Thursday, April 19, at Le Pavilion Metropolitan Park in Pasay City. Around a thousand guests attended the party.


Nag-celebrate ng ika-75th na kaarawan ang dating Pangulong Joseph Estrada na ginanap April 19, Thursday, sa Le Pavilion Metropolitan Park sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Umaapaw ng bigating pangalan mula sa mundo ng negosyo, showbiz, at politika ang pagtitipon kung saan umabot sa lagpas isang libo ang invited guests.

Isa sa mga unang dumating sa venue ay si Miss Boots Anson-Roa na nagsisilbi ding host ng programa. Bandang 7:10 ng gabi ay dumating na ang birthday celebrant at masaya itong nagpa-unlak ng maiksing panayam sa mga media organizations, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano kaya ang wish ni Erap (palayaw ni Joseph Estrada) sa kanyang ika-75th na kaarawan?

Sagot niya, “Well as always, not only as my birthday wish, ever since, I always wish that someday, somehow, [I] would be able to uplift the plight of our marginalized people, [that] their everyday lives, [would be] better and better.”

Kasunod na katanungan sa pinuno ng Ejercito-Estrada clan ay ang tungkol sa kanyang enthusiasm at energy sa pagtulong sa mga mahihirap. Na kahit 75 years old na ito ay talagang hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iisip kung paano mapapabuti ang buhay ng mga mahihirap na Pinoy.

Lahad nito, “Of course, of course. You know it’s the poor people who made me.

"They say when I became an actor, the so-called elite said yung mga artista, mga pambakya lang.

"So these are the poor people who lined up at the theater, kahit na yung mga theater na hindi air condition, mga may surot pang sinehan noong araw, yung mga mahihirap ang nakapila, nagbabayad para makita yung pelikula ko.

"So they were the ones who made me, who gave me name, fame and glory, as a movie actor,” ang sabi ng dating Pangulong Erap.

"And then when I ran for mayor [of San Juan], the marginalized people, supported me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then senator, vice president, and president. So, sabi nga, I will never tire of saying that kung sino man si Erap [ngayon] ay dahil sa mahirap. So the the poor people are the ones who made me,” aniya.

MANILA MAYOR? Napapabalita ding pinag-iisipan ng dating Presidente na tatakbo ito bilang alkalde ng Maynila. May katotohanan kaya ito?

Sagot nito sa media, “Ah ‘yan ang mabigat kong pinag-iisipan. I’m seriously thinking about it.”

Sa kabilang banda, inusisa din ng press kay Erap kung sino sa mga kasamahan niyang artista ang dapat iproklamang National Artist?

Lumutang na rin kasi ang mga pangalan nina Comedy King Dolphy, Superstar Nora Aunor, at Star for all Seasons Governor Vilma Santos na itinutulak na mabigyan ng pinakamataas na parangal sa larangan ng lokal na aliwan.

Kung siya ang tatanungin, sino kaya ang gusto niyang mabigyan ng naturang award?

Sagot ni Erap, “She’s a very good actress, very good singer, she really made a name in the movie world. Okay, thank you."

Ang pinapatungkol niya ay ang kaibigan niyang si Nora Aunor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN