Jinggoy Estrada says Dolphy should be declared National Artist: "Because of his age, and because of his health, sana maitanghal siyang National Artist habang siya’y nabubuhay pa.”

Will Jinggoy Estrada run as Jejomar Binay’s vice president in 2016? “Ah hindi, wala namang ganung usapan, we have never talked about poilitics with Vice President Jojo Binay,” Jinggoy says.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Jinggoy Estrada noong April 19, Huwebes ng gabi, sa Le Pavilion Metropolitan Park sa Pasay City, sa kaarawan ng kanyang ama, former President Joseph Estrada.

Unang inusisa kay Jinggoy ang balitang tatakbo raw si Erap bilang mayor ng Maynila. Napapabalitang seryosong pinag-iisipan ng dating Pangulo ang pagtakbo bilang alkalde ng Maynila pero parang tutol daw ang mga kapamilya nito.

Sagot ni Jinggoy, “Well, I’m not comfortable about the idea, but if he so wishes to run as mayor, I’ll have to support him 100 percent.”

Bakit kaya parang hindi siya masyadong sang-ayon sa binabalak ng kanyang ama?

Paliwanag niya sa media, “Well, ah, first of all, he became president already, and ah, but you know, knowing him, he really still wants to help our people especially the people of Manila, because he saw for himself that Manila is already fast deteriorating.

"So, gusto niya na kahit papaano, baguhin yung imahe ng lungsod ng Maynila.”

Sunod na tinanong ng media kay Senator Jinggoy ay kung siya na ba ang susunod na makakatambal ni Vice President Jejomar Binay sa 2016?

Pahayag niya, “Ah, hindi, wala namang ganung usapan, we have never talked about poilitics with Vice President Jojo Binay.”

What’s next for Jinggoy?

Matipid niyang sagot, “Well, I do know it depends on our people.”

Mainit na usapin sa ngayon ang paghirang bilang National Artist ang mga kilalang personalidad sa showbiz, katulad nina Governor Vilma Santos at Superstar Nora Aunor.

Para kay Jinggoy, nararapat daw na mauna munang parangalan ang Comedy King na si Dolphy.

Paliwanag niya, “Well, ah, I already gave a statement, siguro unahin natin si Tito Dolphy because of his age, and because of his health, sana maitanghal siyang National Artist habang siya’y nabubuhay pa.”

“And, of course, Governor Vilma, Nora Aunor, and Eddie Garcia, are all deserving to be National Artist.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN