Justine Ferrer postpones wedding plans; disagrees about transgenders joining beauty contests for women

Justine Ferrer’s greatest achievement, perhaps, is having passed the rigid qualification requirements of Survivor Philippines and on to becoming one of its long-surviving castaways. Though admitting belatedly that she is a transgender, Justine does not consider her sex change an issue but rather to "prove a point."


Pagkatapos matanggal sa dating QTV 11 ang showbiz talkshow Tweetbiz Insiders na kinabibilangan ng Survivor Philippines castaway na si Justine Ferrer, huling nabalitaan sa kanya ay magpapakasal na siya sa kanyang 62-year-old American fiancé na si Richard Lyle.

Matatadaang masayang in-announce ni Justine ang kanyang engagement at ang planong magpakasal nang dalawang beses—una ay isang beach wedding sa Puerto Galera at pangalawa ay sa Massachusetts, USA.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Justine via Facebook, ibinalita niyang hindi pa natutuloy ang pagpapakasal nila dahil sumakabilang-buhay ang ina ni Richard.

BURIAL ARRANGEMENTS. Madaliang lumipad sa Portland, Oregon sina Justin at Richard para asikasuhin ang burol at libing ng ina ng huli.

Kuwento ni Justine, “Matagal na ring may sakit ’yon at nasa isang care home na siya para nababantayan ng mga nurses.

“Noong makarating nga sa amin yung nangyari, pumunta kami agad doon para asikasuhin ang lahat.

“Sabi ko naman kay Richard na okey lang na hindi muna matuloy ang wedding namin.

“Importante ay maayos niya muna ang mga naiwan ng mother niya."

One month nag-stay sa Oregon si Justin at pagkatapos maayos ang lahat, bumalik sila ni Richard sa Pilipinas para ayusin naman ang ilang bagay-bagay rito.

Aniya, “Medyo na-stress nga kami ni Richard sa U.S. dahil sa pag-asikaso sa mother niya.

“Kaya noong tapos na, nagbakasyon naman kami sa Bangkok at Singapore para lang makapagpahinga.

“Kakabalik nga lang nami ng Manila.

"Ako naman, gusto ko rin na bumalik na dito at baka may trabaho na akong gagawin.

“May kontrata pa kasi ako with GMA Artist Center.

“Sa ngayon, wala pa naman akong natatanggap na tawag kaya mga personal na bagay muna ang inaasikaso ko.

“Miss ko na rin mag-taping kasi matagal na rin since nawala ang Tweetbiz, di ba?

“Hopefully, maging busy ulit ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIV INFOMERCIAL. May ginawang public service campaign si Justine called Take The Test—para ito sa HIV (human immunodeficiency virus) awareness.

“Yung ginawa kong VTR na Take The Test ay para hindi matakot ang mga tao to take an HIV test.

“Walang masama in taking the test.

“Para lang alam natin na we are safe, especially kung sexually active tayo or kahit na hindi, walang masama in taking an HIV test.

“Mapapanood na over YouTube itong Take The Test at magiging nationwide campaign nga ito.

“I am proud na nakasama ako sa campaign na ito," saad niya.

CONTINUE WEDDING PLANS. Nasa plano pa rin ni Justine ang kanyang dream wedding.

Palilipasin lang daw muna nila ang pagluluksa ng kanyang fiancé at doon na raw ulit sila magpaplano.

“Kapag natapos na ang lahat ng ito, maglatag na lang ulit kami ng mga plans namin ni Richard.

“Sa ngayon, happy naman ako sa buhay ko.

“Nae-enjoy ko ang ganitong buhay, yung kasama mo ang taong alam mong mahal ka.

“Though masasabi ko nga na hindi naman perfect ang pagsasama namin.

“May mga pagkakataon na may pinagtatalunan kami, nagkakatampuhan—mga normal na pinagdadaanan ng mga couples.

“Pero nandito pa rin naman kami for one another.

Kahit na hindi pa kami kasal, for richer or for poorer, for better or for worst, nagmamahalan kami.”

May balak ba silang mag-ampon para mabuo na ang kanilang pamilya?

“Oo naman. Isa rin ‘yan sa kasama sa plano namin.

“Alam namin na maraming paperworks ang pag-adopt.

“Pero willing kaming pagdaanan lahat ‘yan para ma-fulfill lang ang dream naming dalawa na magkaroon ng buong pamilya.

“Kapag na-settle na namin ang lahat at stable na kami as a married couple, ang pag-adopt na ang aasikasuhin namin.

“Pinagdarasal ko na matupad lahat ‘yan," sabi ni Justine.

TRANSGENDER ISSUE. Naging isyu kamakailan ang tungkol sa mga transgenders na gustong sumali sa mga beauty contest ng mga tunay na babae, gaya ng Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan ng PEP si Justine ng kanyang komento sa isyu na ito bilang isang transgender.

Matatandaang nag-undergo ng sex-change operation noon si Justine bago pa man siya maging castaway ng second season ng Survivor Philippines.

Aniya, “Siyempre nakakagulat na naging issue ito dahil sa isang transgender na gustong makasali sa Miss Universe.

“Hindi naman kataka-takang mag-react si Donald Trump, di ba?

“Anyway, ang stand ko [about] transgenders being allowed to join the Miss Universe is, NO!” diin ni Justine.

“Personal opinion ko lang naman ito.

“It’s been the tradition ever since of this prestigious pageant that only naturally-born women can join.

“So let us just respect that and have our own beauty pageant as big as this one.

“But if it will be possible, why not?

“Every transgender dreams of becoming a real beauty queen, so if time will permit us then might as well grab the opportunity.

“Gaya nga nang sinabi ni Ruffa Gutierrez, if they will allow transgenders to join, who is she to denounce it?” sabi ni Justine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN