Part 2. Luis Manzano on having his first lady before running for mayor: "Kung ang President nga, wala pang first lady, e!”

“Sabi ko naman, mas gumagawa pa ng ingay ang ibang tao kumpara sa akin. Mas pinag-uusapan ng ibang tao. Ako naman, never namang nag-announce," says Luis Manzano when asked about his political plan.


Ipinalabas noong Sabado, April 21, ang guest appearance ng ina ni Luis Manzano na si Batangas Governor Vilma Santos sa game show niyang Deal Or No Deal.


Noong araw na yun ang mismong kaarawan ni Luis. He is 31 years old.

Nakapag-taping na rin daw ang kasintahang si Jennylyn Mercado bilang celebrity player ng show kasunod ng episode ng kanyang mommy.

“Yes. Siya ang guest namin next week.

“Birthday special ko itong magkasunod na episode for two weeks," banggit ni Luis sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta ang pagge-guest ni Jennylyn, na isang Kapuso actress, for the first time sa isang Kapamilya show?

Ano ang nasabi sa kanya nito regarding her experience sa paggi-guest sa Kapamilya: Deal Or No Deal?

“Siyempre nag-enjoy siya. And we’re very thankful both sa ABS-CBN at saka sa GMA bosses na pinayagan nila na magkatawiran ng artista," sabi ni Luis.

Si Luis naman ay magge-guest sa Showbiz Central ng GMA-7, kung saan isa si Jennylyn sa mga hosts.

“Yes, May inaayos din kami. Ayoko naming i-preempt.

“Pero siyempre, kumbaga, may deal pa rin na nangyari," banggit pa ni Luis.

Regular pa rin daw ang pag-i-scuba diving nila ni Jennylyn sa Batangas.

“Oo. In fact, since birthday ko nga kahapon [April 21]… four days ago ay nasa Batangas kami.”

Kumusta nga pala ang birthday celebration niya?

“Okey naman. Ang mga business partner ko at si Jen [tawag niya kay Jennylyn] ang naghanda ng isang surpise party para sa akin sa bahay ko kagabi.

“Uhm.. ’tapos si Jen, naghanda rin ng konting surprise din sa Anilao no’ng nag-dive kami.”

GIFTS FROM JEN AND ATE VI. Ano naman ang birthday gift sa kanya ni Jennylyn?

“Isang napakaganda at napakalaking barbecue grill para sa garden ko—a smokeless and everything na grill.

“Kasi iyon na lang ang kulang, e. Palaging nasa bahay ko ang barkada ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, iyon, ang sarap lang mag-ihaw-ihaw do’n sa napakagandang grill.”

Ang mommy naman niyang si Governor Vi, ano ang regalo sa kanya?

“Kasi nanggaling sila sa Singapore. So, ang sinasabi ni Mommy, lahat ng pasalubong niya sa akin, iyon na raw ‘yon.

"Mga clothes, polo... iyon na raw ‘yon,” sabay ngiti ni Luis.

BIRTHDAY WISH? Parang nasa kanya na lahat ngayon at wala na siyang mahihiling pa. May masasabi pa ba siyang birthday wish?

“No. But I’m more thankful instead of wishing.

“And hindi naman nasa akin na lahat. Pero kahit paano, kuntento naman sa mga nakukuha," sabi ni Luis.

Bukod sa lingguhang paghu-host ng Kapamilya Deal Or No Deal, ASAP, at Sarah G Live, ano ang future projects na gagawin niya?

“Soon, magsisimula na ulit ang Pilipinas Got Talent.

“Tapos, a… I’m taking it easy muna.

"Mahirap kasing mag-overload ng utak sa mga kailangang gawin.

“Same team naman ‘yong Kapamilya Deal Or No Deal at saka Pilipinas Got Talent.

“So by the time na magsimula ang Pilipinas Got Talent, tatapusin na namin ang Deal Or No Deal.

“’Tapos after PGT [Pilipinas Got Talent], saka naman ulit babalik ang Kapamilya Deal Or No Deal.”

MAYOR LUIS? Ano naman ang update sa noon pa mang napapabalita ring pagtakbo niya bilang mayor ng Lipa City sa Batangas?

“Sabi ko naman, mas gumagawa pa ng ingay ang ibang tao kumpara sa akin. Mas pinag-uusapan ng ibang tao,” nangiti na sabi ni Luis.

"Ako naman, never namang nag-announce.

“In fact, pinag-uusapan nga last election, may mga nakuha akong text na inaantay na raw ako sa COMELEC [Commission on Elections] dahil magpa-file na raw ako ng aking candidacy!” natatawang sabi niya.

“Samantalang nasa bahay lang naman ako. Naka-shorts, naka-sando, kumakamut-kamot ng tiyan.

“So, mas nabibigyang-ingay ng ibang tao kumpara sa akin.

“Ako naman, if I’m ready, malalaman ng lahat dahil hindi naman ako puwedeng mag-file ng candidacy nang patago.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa ba talaga siya handang sumabak sa pulitika ngayon?

“Uhm, siguro sa puntong ito that we’re having this conversation, hindi pa," sagot ni Luis.

Pero totoong may mga taga-Lipa na kumakausap na nga at nang-eengganyo sa kanya na tumakbong mayor doon?

“Wala pa. Wala pa. Sabi ko nga, mas gumagawa ng ingay ang ibang tao.”

Ano ang sinasabi sa kanya ng mommy niya?

“Wala naman. Kasi alam din naman niya na hindi pa ako ready.

“And siguro, if I believe, if I wake up one day na wanting to do it, she’s gonna be the first one na kakausapin ako.”

HIS FIRST LADY? Kailan kaya siya magiging ready? Kailangan ba muna ay may first lady na siya? Papakasal muna ba sila ni Jennylyn bago ang pagpasok niya sa pulitika?

“Kung ang President nga, wala pang first lady, e!” tawa ulit ni Luis patungkol kay Pangulong Noynoy Aquino.

“Eto pa ba namang pagiging mayor, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN