Ogie Alcasid on showering wife Regine Velasquez with "little gifts": "It’s just my way of saying, you know, I appreciate what she does for our family, for our baby, for me."

Ogie Alcasid on wife Regine Velasquez: “Mahiyain lang kunyari si Regine. Pero I think she’s the most accommodating person you know. Ano lang ‘yan… she’s just soft-spoken sometimes. Pero kapag tsinika ka na, wala na. Hindi ka na niya tatantanan!”


Sobrang busy ngayon ng singer/comedian/TV host na si Ogie Alcasid.

Bukod sa regular shows niya sa GMA-7 na Bubble Gang at Party Pilipinas, ginagawa rin niya ang pelikulang Boy Pick-Up para sa GMA Films.

Meron din siyang pagbibidahang panghapon na serye sa Kapuso network—ang Daddy Dear.

Natawa nga si Ogie nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, April 22, tungkol sa nasabi ng asawa niyang si Regine Velasquez na nami-miss na raw siya nito this time na ang dami niyang pinagkakaabalahang projects.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Ogie, “Pero ano naman, nagkikita pa naman kami. ‘Yon nga lang, pareho kaming puyat lagi.

“So, konti na lang. Konting tiis na lang.

“Siguro by September, magkakaroon kami ng medyo mahaba-habang vacation.”

Ayon pa kay Regine, maraming ibinigay na regalo sa kanya si Ogie nitong birthday niya. Nagdiwang ng kanyang 42nd birthday si Regine kahapon din.

“Dapat naman!” natatawang sabi ni Ogie.

Pambawi ba niya iyon dahil masyado nga siyang busy lately?

“Siguro!” tawa ulit niya.

“Pero hindi… it’s more than that.

“I think… alam mo ang asawa ko naman, napakasimpleng tao niyan, e.

“Maalala mo lang siya, okey na sa kanya ‘yon.

“But ako naman, I feel that the little gifts that I give her, she deserves.

“Kasi it’s just my way of saying, you know, I appreciate what she does for our family, for our baby, for me.

“So ‘yong mga maliliit na bagay na ‘yon, kulang pa nga, e. Kulang pa nga iyon sa dapat na ibinibigay ko sa kanya.

“Pero alam ko kasi na napapaligaya ko siya do’n—sa mga maliliit na bagay.

“And gusto kong malaman niya na naa-appreciate ko lahat ng ginagawa niya.

“At dahil hindi pa nakakapagsalita ‘yong anak ko, e, parang sinasabi namin na, ‘Mommy, naa-appreciate namin ‘yon.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY NATE. Ano naman ang masasabi niya sa first live appearance ng baby nilang si Nathan sa birthday celebration ni Regine sa Party Pilipinas kahapon?

“Oo nga, e. Hindi nga niya [Regine] alam ‘yon.

“Although pinapunta niya si Nathan sa studio, pero sabi ko, ’Wala, nasa bahay pa.’

“E, nasa parking lot na. So, no’ng kumakanta siya [Regine], kinuha ko [si Nate], isinalang ko.

“Natakot nga ako, e. Kasi baka biglang matakot ‘yong bata.

“Pero parang ano siya, ‘Uy, ang daming tao!’”

Dagdag pa ni Ogie, “Alam n’yo ‘yong anak namin kasi, parang he loves being with people. Gusto niya ‘yong kinakausap siya.

“So, ano naman… I’m very proud with my son. Na he was well-behaved on TV!

“Ngumiti pa nga yata for a moment, so nakakatuwa.

“Mabait talagang bata. Nagmana sa nanay. Naks!”

Ayon kay Regine, tila namana raw ng kanilang baby ang pagiging Mr. Friendship ni Ogie. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Naku! Sinasabi lang ni Regine ‘yon!” tawa ni Ogie.

“Mahiyain lang kunyari si Regine. Pero I think she’s the most accommodating person you know.

“Ano lang ‘yan… she’s just soft-spoken sometimes.

“Pero kapag tsinika ka na, wala na. Hindi ka na niya tatantanan!”

BIRTHDAY WISH FOR REGINE. Ano naman ang birthday wish niya para kay Regine?

“Well, sa asawa ko, I can see that she is very happy, ano?

“I can see that she feels the Lord’s presence in her heart and in our lives.

“And I think that’s one of the biggest reasons I see happiness going through her.

“And I’m very, very thankful that, you know, pareho kami ng paniwala. Kaya mahal na mahal ko ‘yong asawa ko.

“I think my wife is very, very supportive of everything that I do, in everything that we believe in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And so, sa asawa ko, a… salamat, happy birthday. You deserve to enjoy this day."

Pero ayon kay Ogie, wala raw malaking selebrasyon si Regine sa kanyang kaarawan.

“Ano lang, with our family and few friends lang sa bahay. Dinner lang,” banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN