Vina Morales turns down two soaps to give way to musical play Rock of Ages

Vina Morales says she would like to rest doing soaps as the opportunity to do musicals is hard to come by and pass along. When asked about sibling rivalry or conflicts, Vina is quick to say: “That’s a no-no sa aming pamilya. Kung meron mang mga misunderstanding, kaagad kailangang ayusin."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Vina Morales sa isang event at ibinalita nitong sobrang busy siya sa rehearsals ng bagong musical play.

Ani Vina, “I’m very good. Actually, I’m gonna start doing Rock of Ages.

“Atlantis Productions is very excited about it—and the cast. So, lahat kami, looking forward.”

MUSICAL CONCERT. Sa ngayon, dito muna magpu-focus si Vina dahil hindi raw niya kayang pagsabayin ang soap at musical.

Lahad niya, “Actually, yeah, kasi I’m doing rehearsals and show at weekend at RCBC. It takes a lot of your time.

"Sabi naman ng ABS-CBN, after naman daw ng Rock of Ages, meron naman daw naghihintay na soap opera.”

May dalawang soap operas na siyang napalampas dahil sa Rock of Ages.

"Pero okay lang naman… it’s worth it kasi I’ve never done musical play.

“I’ve been here in the business for a long time, this is an opportunity na talagang napakaganda ng role.

“I’m looking forward to it talaga.”

Kinakabahan ba siya dahil bagong larangan naman itong pinasok niya?

“Stressful!" bulalas niya.

"I’ve got butterflies on my stomach every time na naiisip ko yung singing, yung mga songs, the dancing…

“Kasi nandidito lahat, e—acting singing, and dancing…

“Pero para sa akin, walang take two ito, so... di ba? Talagang nakaka-stress!

“But you know, I’m praying hard na maganda naman yung kalalabasan.

“I’m really focusing on it. Now I’m learning my script, I’m learning my songs.

“Its fun kasi its all ’80s music, ito yung mga hit bands before.”

SIBLING FEUD. Bago pa man nagdemanda si Ara Mina sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes noong nakaraang linggo, kumalat na ang balitang may hindi magandang namagitan sa magkapatid na Vina at Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman naitanong ng PEP kay Vina kung sila ba ni Shaina at mga kapatid ay nag-away na rin ng katulad nina Ara at Cristine.

"Uhm… that’s a no-no sa aming pamilya," tugon ng singer-actress.

“Kung meron mang mga misunderstanding, kaagad kailangang ayusin.

“Di na dapat maipalabas pa kasi para sa amin, napaka-private nun.

“And it never happened na may malaking tampuhan—alam mo yung mga batang-batang tampuhan? Very petty.

"But more than that, I’m just so blessed and thankful na ganun ang nangyayari sa pamilya namin.”

RECONCILIATION. Inusisa na rin ng media kay Vina ang tungkol sa pagkakamabutihan ulit nina Shaina at John Lloyd Cruz.

Pero atubiling sagot nito, “Huwag n’yo na akong tanungin naman diyan, dapat sila na [ang tanungin]!

“As a sister, I’m happy for both of them, pero talagang ayoko na lang magsalita.

“Mas maganda kung sa kanila manggagaling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN