Ynna Asistio disappointed with PSBank’s investigation about her complaint: "Ano ‘yon, ilusyon? Or inimbento ko para lang ako mapag-usapan?"

Ynna Asistio on why she wants her boyfriend Mark Herras be spared from questions regarding her family’s rift with Annabelle Rama: “Ayoko lang kasi siyang madamay kasi laban ito ng family ko. At hindi naman kailangang laging kasama si Mark kung ‘yong pamilya ko ang pinag-uusapan.”


Kita sa mukha ni Ynna Asistio na iniinda niya ang patuloy na hidwaan at demandahan ng kanyang inang si Nadia Montenegro at ng kanyang talent manager na si Annabelle Rama.

Umiiwas na nga siyang magkomento pa sa pagkaka-dismiss ng kasong Child Abuse na isinampa ng kanyang ina laban kay Annabelle, at pag-usapan ang iba pang mga kaso na inihain ng magkabilang kampo laban sa isa’t isa na hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte.

ANOTHER CASE. May personal ding legal battle na solong kinakaharap ngayon si Ynna.

Ito ay ang tungkol sa reklamo niyang panunutok daw ng baril sa kanila ng kanyang auntie na si Tanya Montenegro at iba pang kasama ng isang tao na nakagitgitan nila ng sasakyan sa EDSA noong March 27, 2012.

Konektado raw sa PSBank ang nasabing taong nanutok sa kanila ng baril.

Naglabas naman ng statement ang nasabing bangko na wala raw ganung insidente na nangyari.

(CLICK HERE to read related story.)

“Iyon nga, na-disappoint ako,” malungkot na sabi ni Ynna nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, April 22, Linggo.

“Na-disappoint ako kasi siyempre, parang ang tingin ng [mga] tao, ‘yon nga, ginawa ko lang ‘yong kuwento. Or nagsinungaling ako.

“Ang sa akin lang naman po, kung talagang gumawa sila [mga taong nagsisiyasat sa insidente] ng investigation, dapat hindi one-sided.

“Kasi kung investigation iyon, dapat may side namin.

“Ang nangyari po kasi, ang isinubmit nila, ‘yon nga… nag-investigate sila at wala raw gano’ng nangyari.

“Pati na rin po sa MMDA [Metro Manila Development Authority], ever since na nag-start ‘yong ano… kumbaga, humingi ako ng tulong sa kanila na sana matulungan nila ako tungkol do’n.

“And then, sabi nila, kahit daw sa CCTV camera ng MMDA, wala raw nakitang incident na gano’n.

“’Di ba? Ang akin lang, ano ‘yon, ilusyon? Or inimbento ko para lang ako mapag-usapan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng Kapuso talent, “Ang sa akin lang, mali lang talaga po ‘yong ginawa sa amin.

"And hindi po ako maglalakas-loob na kumuha ng [na-record ng] CCTV camera from MMDA kung walang nangyari.

“At saka ang ano lang po, sa simula pa lang, humingi na ako ng copy no’n sa MMDA.

“Sila [panig ng inaakusahan niyang nanutok sa kanila] pa ang unang nabigyan.

“Pati po ‘yong media, humihingi po ng copy sa kanila. Wala po akong nabalitaan na mero’n [nabigyan ng kopya].

“Ang gusto lang naman namin, makaharap ‘yong tao, e. Kasi kitang-kita nga kami doon, e.

“Pamilya kaming nasa loob [ng sasakyan]. May bata sa harap. Masaya kami. Nagkukuwentuhan.

“So, di ba? Kung trip lang po nila ‘yon [panunutok ng baril], e, hindi nga po maganda.

“And ipinaparating ko rin lang po sa iba na hindi ko nga po ito ginawa para lang mapag-usapan o ano.

“Dahil ayoko rin lang po na mangyari sa iba. Kasi sobra, e. Di ba?

“‘Yong disgrasya diyan sa kalye, lalo na sa Edsa, ‘tapos may mga gano’n pa?

"Talagang maaaksidente, di ba? Iyon lang po ang sa akin.”

NEXT STEP? Ano ang sunod na hakbang na pinaplano niyang gawin?

“Uhm… actually, naka-file na ‘yong complaint sa PNP [Philippine National Police]. Hindi pa po kami binabalikan.

“Pero ang nakikipag-usap ‘yong tita [Tanya] ko.

"Kasi siya ‘yong nagda-drive [no’ng nangyari ang insidente] at isa ako sa passenger.

“Tita ko na po ang bahala do’n.

"Ang hirap lang po, di ba?

“Alam naman nating ang daming nangyari sa amin ngayon. Hindi ko lang po alam kung ano ang uunahin.

“Pero ‘yon lang, gusto ko lang pong i-prove ‘yong statement ko.

“At hindi ko po babaguhin ‘yon kasi totoo lahat ng sinabi ko.

“At ‘yon na nga, nag-tweet ako. Tinweet ko ‘yong picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil mali nga po. Sana lang, wala na pong maaksidente nang gano’n.”

PLEASE SPARE MARK! Masalimuot man at mahirap ang mga pagsubok at problemang pinagdadaanan nila ng kanyang pamilya ngayon, nakakapagpagaan daw ng loob ni Ynna na laging nasa likod niya at nakaalalay para sumuporta ang boyfriend niyang si Mark Herras.

Aniya, “Siyempre, alam naman po natin na kahit na anong mangyari, si Mark, nakasuporta sa akin, di ba?

“Kahit na anong problema pa ‘yan.

"Kaya lang para sa akin, sana huwag na rin lang siyang hingan ng reaksiyon regarding Tita Annabelle.

“Or regarding kung anuman ‘yong ipinaglalaban namin ngayon.

“Ayoko lang kasi siyang madamay kasi laban ito ng family ko.

“At hindi naman kailangang laging kasama si Mark kung ‘yong pamilya ko ang pinag-uusapan.”

Sa mga nangyayari ngayon, paano niya ito nakakayang i-handle?

“Hindi ko nga alam, e,” ani Ynna kasunod ang isang pilit na ngiti.

“Siyempre parang ano, e… nakakakuha ako ng strength sa nanay ko mismo.

“Kasi iba ang lakas niya ngayon, e.

"Kahit na [noon] mismong ‘yong katawan niya, bumibigay na. Naospital na siya at lahat. Muntik na siyang nawala sa amin.

“So, parang ang hirap. Kasi, hindi ko na alam kung paa’no pa ako nakakangiti. Kung paano pa ako nakakapagtrabaho.

“Kaya lang, ang iniisip ko lang, gusto kong ipakita sa tao na… ‘yon nga, kaya kong magtrabaho.

“Kaya kong mag-move on sa buhay kahit ang dami-daming problema.

“At alam ko naman po, hindi lang ako ang gano’n.‘Yong ibang tao rin po siguro na... alam mo ‘yon?

“Kung gusto siguro nilang maging successful sa buhay, kahit maraming pinagdadaanan, e, gagawa pa rin ng paraan para umangat.”

BLESSING AMIDST PROBLEMS. Balitang extended ang My Beloved kung saan isa siya sa supporting cast ng mga bida rito na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wow!” masiglang ngiti na ang nakita namin kay Ynna.

“Nagulat ako no’ng narinig ko iyon. Nakakatuwa naman.

“E, siyempre, ano po… nakakatuwa.

"At sa mga Kapuso po na sumusuporta sa My Beloved, maraming-maraming salamat po.

“Sana po tumutok kayo hanggang huli. Lalo na ngayong extended ito para lang sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN