Karylle excited about her trip to Monaco for the 52nd Monte Carlo TV Festival

Karylle neither confirms nor denies rumored relationship with Spongecola frontman Yael Yuzon. Instead, she says, “I guess people can read between the lines so I’ll leave it at that. Matalino naman sila at tsismosa din naman sila.”


Sabik na ang singer-actress na si Karylle sa pagpunta sa Monaco kung saan gaganapin ang 52nd Monte Carlo TV Festival sa Hunyo 14.

“Sobrang happy” si Karylle nang malaman niyang isa siya sa mga nominado bilang Best Actress sa nasabing TV festival para sa pagganap niya sa The Kitchen Musical.

(CLICK HERE to read related article,)

“Nakakatuwa kasi noong nakita ko ‘yong listahan [ng nominees], hindi ko siya mabuksan from my phone, e, PDF file siya.

"Parang nakita ko, may mga Tina Fey... Siyempe, parang ‘yong puso ko, tumambling,” kuwento ng It’s Showtime host.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Karylle sa ginanap na press conference para sa ikatlo niyang single sa album niyang Road Trip.

Ang music video ng “I’ve Found My Smile Again” ay pormal na ini-launch kahapon, April 23, sa Center Stage, Tomas Morato, Quezon City.

Sabi pa ni Karylle tungkol sa nominasyong nakuha, “It makes you realize that it’s a big world out there and there’s so much talented people. It just wants you to be better.”

Ikinalulugod din ng panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla ang sunud-sunod na pagkilala na nakukuha ng kanilang Pan-Asian musical drama series mula sa Singapore.

Kamakailan lang ay nagkamit ang The Kitchen Musical ng bronze medal para sa Best Performance at gold medal para sa Best Writing sa New York Festivals.

Pagkatapos makuha ang mga karangalang ito, ano naman ang susunod na hakbang ni Karylle?

Sagot ng singer-actress, “Our immediate plan is to enjoy it first kasi nga we will have that trip to Monte Carlo coming up.

“Aside from that, we’re gearing up for the season two.

“But the more immediate is the release of Kitchen Musical CD, which will be launched in ASAP two weeks from now.”

Pero ang pinakamahalaga sa lahat, ayon kay Karylle, “‘Yong dream, of course, is to do more projects abroad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TIME FOR TELESERYE? Sa ngayon, nahahati ang oras ni Karylle sa kanyang hosting job sa daily noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime at sa pagpo-promote ng kanyang bagong album, ang Roadtrip.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na siya nakakagawa ng teleserye.

Ang huling teleseryeng kanyang ginawa ay ang Dahil May Isang Ikaw noong 2009.

“Nahihirapan kasi ako isipin na mag-teleserye ako from 7 a.m. to 7 a.m,” sabi ni Karylle.

“Although better hours naman na ngayon.

“But since busy naman sa It’s Showtime at saka sa mall tours, every weekend puno, so wala din time for that.”

Ganito rin ang dahilan niya pagdating sa paggawa ng pelikula.

May gagawin sanang pelikula si Karylle ngayong summer, pero hindi na raw ito natuloy dahil mas pinili niyang makasama ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Karylle, “Actually, I was supposed to do something last Holy Week, pero hindi ko nagawa kasi nga may panata ako sa Subic. Hindi ko rin siya ma-stop.

“Naglalambing at nagtatampo din sa akin ‘yong mom ko noong birthday ko, nag-wish siya na, ‘My birthday wish for you is for you to spend time with us.’

“So, alangan naman na ‘yong only vacation time ko is gumawa pa ako ng movie?

“There are times when you really have to really put your feet down and say ‘family first.’ It was one of those times."

Bagamat inanunsiyo na sa publiko na magkakaroon ng ikalawang season ang Kitchen Musical, hindi rin naman daw ito agad gagawin dahil, ayon kay Karylle, “Matagal sila kasi magplano.”

Paliwanag pa niya, “Before they can actually plan a second season, kailangan nasa kanila na lahat ang music rights, nakalatag na ang script.

“Gano’n sila, e, hindi sila tingi-tingi.

“Ang pinakamadugo doon talaga is ‘yong music rights.”

“I’VE FOUND MY SMILE AGAIN.” Samantala dahil sa titulo ng kanyang ikatlong kanta mula sa album na Roadtrip, tinanong ng entertainment press si Karylle kung ano ang mga bagay na nakapagpangiti muli sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay naku, marami!” agad na sagot ni Karylle.

Isa na rito ang pagkakaroon ni Karylle ng taong makapagpapasaya sa kanya.

Aminado si Karylle na noong naging “heartbroken” siya, ilang beses siyang lumabas at nakipag-date.

Hindi raw niya pinansin kung ano ang sinasabi sa kanya ng mga tao.

Para kay Karylle, “I think that was part of my ‘independent-woman’ time.

"Then, you date and you find somebody who really makes you happy.”

Umiwas si Karylle nang tanungin kung ang lead vocalist ng Spongecola na si Yael Yuzon ang kanyang tinutukoy.

Sa halip, sinabi niya, “Basta. Alam mo na ‘yan.”

Dagdag pa niya, “Ayaw ko kasing masyadong mag-share kasi alam naman ng lahat.

“It’s just been so chill na I don’t wanna jinx anything.

“I’m not hiding anything, just not over sharing.”

Hangga’t maaari, gusto ni Karylle na maging “as I private as I can” pagdating sa kanyang lovelife.

“But not trying to hide, alam mo ‘yon?” bawi ni Karylle.

“Hindi naman ako nagsisinungaling or nagde-deny.

“It’s just that I guess people can read between the lines so I’ll leave it at that.

“Matalino naman sila at tsismosa din naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN