Derek Ramsay "not bitter or mad" about being replaced as Bea Alonzo’s leading man in Star Cinema movie

“Siyempre I was disappointed, I was really into my character already and I really like the story of the movie. But you know, they are professional in this business, they know what’s best," says Derek Ramsay about Star Cinema’s decision to replace him as Bea Alonzo’s leading man in a movie.


Naka-five shooting days na pala si Derek Ramsay sa pelikula ng Star Cinema na pagtatambalan sana nila ni Bea Alonzo at ididirek ni Olivia Lamasan.

Pero pinalitan na nga siya sa naturang proyekto ng film arm ng ABS-CBN nang pumirma si Derek ng three-year exclusive contract sa TV5.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek sa telepono noong Linggo, April 22, kinumpirma niya sa amin na hindi na siya ang leading man ni Bea sa pelikula ng Star Cinema.

Aniya, “Hindi siya na-shelved, I think papalitan ako.

“It was Star Cinema’s management that decided it.

“I think it was announced in the press na hindi na tuloy sa akin yung project so I understand… I’m not bitter or mad.”

Bagamat nanghihinayang siya na naalis siya sa nasabing pelikula, nagpapasalamat pa rin si Derek na kahit sa maikling panahon ay naging parte siya nito.

“Siyempre I was disappointed, I was really into my character already and I really like the story of the movie.

“But you know, they are professional in this business, they know what’s best.

“Naka-five days [shooting ako], pero ang dami kong natutunan.

“I worked with the probably number one director in the Philippines—Direk Olive Lamasan.

“I’ve learned a lot from her, she taught me a lot of things, she spoke to me.

“I really think of the positive on it. I don’t want to focus on the negative.

“Ang dami kong natutunan, I got the chance to work with her [Direk Olive] and maybe in the future makatrabaho ko siya.

“I also love working with Bea, napaka-professional at napakahusay.

“So, yun lang sayang dun, I’m not gonna work with Bea [again].”

Nagkasama na noon sina Derek at Bea sa pelikulang And I Love You So (2009).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM SAM TO DEREK AND BACK TO SAM? Kay Sam Milby dapat ang role na gagampanan ni Derek sa Star Cinema moviena ito, pero nang magdesisyon si Sam na subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood ay napunta ang role kay Derek.

Ngayong inalis na si Derek sa pelikula, may ilang nagsasabi na baka ibalik daw ang role kay Sam na posibleng bumalik sa Pilipinas sa susunod na buwan, May.

Ano ang masasabi ni Derek dito?

“It’s fine, I’ll be very happy for Sam.

“I even told Sam, sayang yung movie na yun kasi napakaganda ng istorya.

“So, I’ll be happy kung mababalik yun sa kanya.

“Sam is one of my few friends in the industry, I’ll be very happy if it’s going back to him," saad niya.

MOVIE WITH ANNE AND KC. Bagamat hindi na tuloy ang pagsasama nila ni Bea sa pelikula, may ibang pelikula namang sisimulan si Derek.

Ito ay ang Nothing Compares To U ng Viva Films kung saan makakapareha niya sina Anne Curtis at KC Concepcion.

“Well, I’m excited,” sambit ng aktor.

“Si Anne nakatrabaho ko na and napaka-successful ng movie na nagawa namin [No Other Woman].

“So lagi namang masaya na katrabaho si Anne, so wala ang nerbiyos ko.

“May chemistry kami, kung paano ako didiskarte sa pag-arte.

“Kay KC, even more exciting, kasi hindi ko pa siya nakakatrabaho on big screen. Nakatrabaho ko siya before sa MMK [Maalaala Mo Kaya], sa TV.

“To work with KC is a challenge because this is something new.

“Kami ni KC kasi, we have a similar background. Pareho kaming lumaki sa abroad—she studied in France, I studied in England.

"We have a lot of things to share with one another.

“Pero ang tagal na naming hindi nagkakatrabaho, ang tagal na ng MMK na yun, e, start ng [showbiz] career niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s gonna be a challenge for us to work together.

“I’m not sure kung may chemistry kami, pero kukuhanin namin yun.”

EXCLUSIVITY. Bukas pa rin naman daw si Derek na makapagtrabaho muli sa ABS-CBN, pero tanggap niya ang sistema sa showbiz kunsaan malaking isyu ang exclusivity ng isang artista.

“You know what, gusto kong makapagtrabaho sa kahit na sino, but unfortunately, we’re in the industry na hindi ganun.

“TV5 has been very great to me, very professional. They treat with the utmost respect.

“I have a contract with them… kilala mo ako, yung professionalism and loyalty na ibinigay ko sa ABS, ibibigay ko ‘yan sa TV5.

“I have a three-year contract and I promise to uphold everything and do everything… to help TV5 grow and to contribute success in this network.”

Bukod sa The Amazing Race Philippines, anu-ano pa ba ang mga trabahong nakalinya niyang gawin sa TV5?

“Mayroon… may mga teleserye, may mga pelikula akong nakalinya.

“Pero for now, yun muna ang iko-concentrate ko kasi it will take a lot of my time.

“At least makakagawa ako ng pelikula with Anne and KC. Isasabay ko yun.

Amazing Race, ang daming travelling na involved so my sked is pretty tight.”

BOX-OFFICE KING. Si Derek ang kokoronahang Box-Office King sa 43rd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation Inc. dahil sa tagumpay ng mga pelikula niyang Pryabeyt Benjamin at No Other Woman noong isang taon.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Derek sa karangalan na ipagkakaloob sa kanya sa April 29.

Saad niya, “Alam mo, hindi pa siya nagsi-sink in, I can’t believe it… totoo ba ito?

“Ako, ang inaano ko lang sa sarili ko, huwag akong mag-breakdown pagtawag ng pangalan ko, huwag akong mag-mental block. Hindi sanay ang sarili ko sa ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To be honest, hindi ko pa talaga alam ang naramdaman ko. Parang nakaka-shock pa.

“Ang sabi ko nga sa sarili ko, baka ‘pag nasa stage na ako, hindi ko mapigilang umiyak o may makalimutan akong mapasalamatan.

“Haping-happy ako sa success ng pelikula, ‘tapos heto, may big bonus pa.

“Siguro after kong matanggap yung award, dun ko malalagay sa words kung ano ang nararamdaman ko. Pero right now, wala.

“It’s nice when your work is recognized, so being Box-Office King is a big bonus for me."

Dagdag pa ni Derek, “I just want to be myself, ayokong baguhin yun.

“I still want to learn, na makatrabaho ang lahat, everybody—big name or small.

“I have so much to learn, we should always continue to learn.

“Hindi ako picky who I will work with. If I like the story, gagawin ko, ganun lang ako.

“Hindi ko ipe-pressure ang sarili ko na kailangan kong ma-maintain yung box-office. I’m not going to pressure myself like that.

“I just wanna be myself and just continue the way I’m doing things.

“Kung ma-recognize, salamat; pero kung hindi, okay lang.

“Basta ang importante, I’m happy with what I am doing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN