Kim Chiu on qualities she is looking for her to fall in love again: “Sincerity, faithfulness, and kabaitan."

Kim Chiu’s lovelife has always been a good topic among fans and media. So every time an opportunity comes, she is always asked about who she dates or to confirm about rumored suitors. In typical Kim Chui manner, she just answers: “Basta all I know is that I’m happy—100 percent happy!"


Malapit kay Kim Chiu ang less-fortunate children kaya nitong 22nd birthday niya, April 19, ay nagdiwang siya kasama ang mga batang ito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam niya sa The Buzz noong Linggo, April 22, tinanong si Kim ni Charlene Gonzalez-Muhlach kung bakit pinili niyang makasama ang mga batang ito sa kanyang kaarawan.

“Hindi ko alam,” natutuwang sagot ni Kim.

“Simula nang maging artista ko, gawain ko na siya na every birthday celebration ko, meron akong charity para sa mga batang ganoon.

“And yun, kahit simpleng thank you… simpleng smile.

“Nabigyan mo sila ng gusto nilang foods, toys, and mga gamit para sa kanila.

“Parang ang saya-saya nila for one day.”

Talaga sigurong nakaka-relate si Kim sa mga batang ito dahil hindi rin niya gaanong nakasama sa paglaki ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina.

Sabi nga ni Kim, “In a way, siyempre nakikita ko rin ang sarili ko sa kanila.

“But, hindi naman ako kulang sa pagmamahal…

“Kasi nandiyan naman ang mga kapatid ko, nandiyan naman ang lola ko… mga kaibigan ko. So, wala lang.”

FAMILY SUPPORT. Kahit ganun ang naging sitwasyon niya, hindi raw nagkaroon ng sama ng loob si Kim sa mga magulang niya.

“Never! Hindi talaga... siguro sandali,” pag-alala ni Kim.

“Parang nagtanong lang ako, ’Bakit ganito?’

“Pero ito ang destiny mo, ito ang buhay mo.

“Yun, parang tinuturuan ka kung paano magtiwala sa sarili ko.”

Sa mga pinagdaanan niya, sinabi ni Kim na kumuha siya ng lakas mula sa mga kapatid at lola niya.

Kung hindi sa kanila, nasaan na kaya si Kim ngayon?

“Siguro kung hindi dahil sa kanila, normal student.

“So, ngayon, nag-aaral pa ’ko. Yun lang, simpleng buhay.

“Pero dahil kasi sa mga kapatid ko kaya ako nangarap ng malaki… mataas.”

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na magpasalamat sa mga ito, paano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you... yun lang. Isang thank you!

"Alam ko alam na nila kung ano ang ibig sabihin no’n," sabi ni Kim.

STAR FOR ALL SEASONS. Ang isa pang blessing na dumating sa buhay ni Kim ay ang makasama ang Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos sa isang pelikula.

Ginagawa nila ngayon ang horror-drama movie na The Healing para sa Star Cinema.

Ayon kay Kim, “Siyempre, makasama mo sa pelikula ang idol ng lahat—Star For All Seasons.

"Ang tagal-tagal nang artista, but still, nandito pa rin siya…

“Umaarte, tinuturuan niya kami kung paano umarte.

“And parang sa buhay, idol ko siya.

“Parang alam niya kung paano i-divide ang political life niya, family life, and pagiging artista life.

“So, parang ang ganda.”

Dugtong pa ni Kim, “Nakaka-starstruck talaga!

“Kaharap mo, ’tapos kaeksena mo, face to face!

“Yung unang eksena namin, buti na lang wala akong lines kasi wala akong masabi.”

SUITORS AND ADMIRERS. Sa pagpapatuloy ni Charlene sa interview kay Kim, nagbanggit siya ng tatlong lalaking naugnay sa young actress noon at ngayon.

“Enrique Gil,” umpisa ni Charlene.

“Friends,” ani Kim.

Lumigaw o lumiligaw ba si Enrique sa kanya?

“Hindi, hindi. Kaibigan lang talaga siya and yun...”

Bakit lumabas ang isyung yun?

“Hindi ko alam!” natatawang sagot ni Kim.

“We’re friends and nagti-text kami minsan.”

Gerald Anderson?

“Friends... lahat na lang sila friends!”

Pero kay Gerald... at kumusta na sila ngayon?

“Gerald? Long-time friends.

“Okay naman. Masaya naman kami sa kanya-kanyang buhay.”

Noong huling nagkausap sila, ano ang nasabi nila sa isa’t isa?

“Kailan ba? Hawaii? End of March.

“Ano ba… ‘Hi, hello, bye!’” natatawang sabi pa ni Kim.

Muling magkakasama sa isang pelikula sina Kim at Gerald para sa 20th anniversary ng Star Magic.

“Trabaho and we’re okay, we’re good friends… yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Xian Lim naman?

“Xian Lim? A good friend," sagot ni Kim.

BIRTHDAY SURPRISE. Hindi itinanggi ni Kim na sinorpresa siya ni Xian ng malalaking heart-shaped roses na nakita na lang niya pag-uwi sa bahay.

“Nakaka-touch. Siyempre, pagdating mo sa house from shooting, merong puno ng roses sa bahay ko.

“Nakakagulat kasi, ‘Bakit may puno ng roses sa bahay ko?’”

Kumusta ang estado ng puso ni Kim ngayon?

“Basta all I know is that I’m happy—100 percent happy! And yun lang.

“Thank you… thank you sa lahat ng mga nagpaparamdam sa akin na mahal nila ako.

“Maraming-maraming salamat.”

Ano ba ang mga katangiang hinahanap ni Kim sa isang lalake para ma-in love siyang muli?

“Sincerity, faithfulness, and kabaitan.

“Basta alam ko na mahal ako—[na] mas mahal ako," sagot ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN