Christian Bautista says decision to stay as a Kapamilya or become a Kapatid has to wait until his contract expires in August

Christian Bautista on talk about TV5 wooing him to transfer: “Okay naman ngayon sa ABS, pero of course, I’m waiting sa negotiations after August kung saan the best field for my career. So, tingnan natin yun."


Sa kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz, isang espesyal na coffee table book na may kasamang record album ang handog ni Christian Bautista sa kanyang mga fans—ang First Class: Outbound Expanded Edition.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian noong Linggo, April 22, sa National Bookstore SM North, Edsa kung saan ini-launch ang kanyang coffee table book cum album.

Ayon kay Christian,“I’m celebrating my tenth year anniversary in the industry at gusto ko lang ibalik sa mga fans ko lahat ng ibinigay nila sa akin through this album.

“It’s a coffee table book with wonderful pictures and, of course, may kasama siyang album ko.

"The songs, the packaging, para sa kanila ito."

Dagdag pa niya, “Right now, yung mga songs na nandito, maraming originals like yung ‘Beautiful to Me.’

“Maraming duets with Angeline Quinto, KC Concepcion, Xia Quizon, Sam Concepcion, BBM...

“Yung mga pictures namin, nag-shoot kami for three days kasama sila Jay Javier and Pat Dy all over Manila para maging maganda talaga yung pictorial namin.”

AWARD. Pararangalan si Christian bilang Male Recording Artist of the Year sa 43rd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

Ang award na ito ay inihahandog ni Christian sa masugid niyang mga tagahanga.

“I won Best Male Performing Artist for that year at nakakatuwa,” pagtukoy niya sa tatanggaping award.

“Nagulat na lang ako na tinext na lang ako na nanalo nga raw ako, so I’m really happy.

“Maraming salamat sa mga fans kahit saan man kayo na talagang nagmamahal sa akin, sa aking musika.

“Talagang mahal na mahal ko kayo at ako ay laging sa inyo.”

KITCHEN MUSICAL. Masayang-masaya rin ang buong grupo ng Kitchen Musical, kabilang si Christian, dahil sa mga karangalang natanggap nito sa nakaraang 2012 New York Festival.

“Nanalo siya sa Best Writing and Best Performance sa 2012 New York Festival," pagtukoy niya sa gold world medal na naigawad para sa pagkakasulat ng nasabing musical at bronze world medal for best performance ng buong cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita rin ni Christian na mapapanood muli ang nasabing musical sa susunod na buwan sa Lifestyle Channel at malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng season 2.

“Second season? Hindi pa sure pero tinatrabaho na, pero baka next year pa.

"The Kitchen Musical album is coming out soon, so sana abangan nila."

WANTING TO ACT AGAIN. Sa past interviews ni Christian ay nabanggit nito ang kagustuhan niyang umarte muli dahil anim na taon na ang nakalipas nang huli siyang mapanood sa seryeng Kampanerang Kuba.

Nabalita tuloy na isa raw ito sa rason kung kaya’t nagdadalawang-isip si Christian kung mananatili ba siya sa ABS-CBN pag-expire ng kanyang kontrata sa Agosto. O lilipat na siya sa TV5 na balitang matagal na raw nanliligaw sa kanya para lumipat.

Ayon sa singer-actor, “Siyempre, right now, my priority is this album. Pero on the side, gusto kong umarte.

"Gusto kong mag-offer ng iba sa mga fans.

“Alam ko may negotiations na nangyari few months ago, pero right now siyempre, I respect my ABS-CBN contract ‘til August.

“At actually ngayon nga, may projects kami sa Princess And I na theme songs and acting.

“Okay naman ngayon sa ABS, pero of course, I’m waiting sa negotiations after August kung saan the best field for my career.

"So, tingnan natin yun.

“Sa ngayon, I don’t want to elaborate too much kasi ayokong masabihang manggagamit or whatever.

“Sa ngayon, let’s leave it muna. Let’s see na lang what will happen.”

CARLA DUNAREANU. Masayang ibinalita rin ni Christian sa PEP na kasalukuyang nasa bansa ang kanyang girlfriend na si Carla Dunareanu, na co-star niya sa Kitchen Musical.

Ayon kay Christian, “Well, Carla and I are okay.

"Nandito siya ngayon sa Philippines. Naghahanap kami ng work for her.

“International artist siya. Nakapagtrabaho na siya before sa Australia, Indonesia... so she’s trying naman in Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may makita siya dito, why not if she gets to stay.

“Ang ganda ng set-up ngayon.

"I’m very thankful sa kanya, kay God na talagang nangyayari ito ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN