Krista Kleiner confirms she and Jay-R are now in "ligaw stage" after their rumored breakup

Krista Kleiner on the status of her relationship with Jay-R: "We’re taking things slow. We went through something that we don’t wanna talk about. We wanna keep it private. But whatever it is, we were able to handle it in a friendly way. And, ‘yon nga, we are in the ligaw stage. So let’s just leave it at that na lang."


Iba ang ngiti ni Krista Kleiner nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa panliligaw ulit sa kanya ni Jay-R.

A couple of months ago ay napabalitang nag-break sila. Pero kamakailan, sa pagsasama nila sa U.S. para sa isang show ng GMA Pinoy TV, balitang sweet na naman daw sila sa isa’t isa.

“Well, he invites me to go to lunch… he invites me to go to dinner kasama ang mom ko who is here for a vacation,” ani Krista nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, April 22.

So, may pag-asa ang panunuyong mula sa kanya ni Jay-R? Na maging sila ulit?

“Well, siyempre, we’re still in very good talking terms.

“We hang out if we can. And we talk to each other almost every day.

“So, oo naman,” sagot ng dating beauty queen.

Sa mga litrato na kuha sa show nila para GMA Pinoy TV sa U.S., na aka-post sa Internet, kapansin-pansin na sweet pa rin sila. Reaksiyon tuloy ng mga nakakita, parang hindi naman daw sila nag-break.

Paliwanag naman ni Krista, “Well, siyempre nag-show kami doon.

“So it’s either hindi kami mag-uusap, di ba, tarayan kami do’n, or we just enjoy the trip, di ba?

“So we enjoyed the trip,” ani Krista.

Hindi pa niya talaga sinagot ulit si Jay-R?

Tawa lang ulit ang naging sagot ni Krista sa nasabing tanong.

Pero aniya, may tsansa na mapa-oo siya ng R&B Prince.

Gaano pa kaya katagal bago maging sila ulit?

“Update ko na lang kayo kung may update na!” tawa ulit niya.

Hindi kaya may iba pang mga nanliligaw sa kanya ngayon? May iba na bang kakumpitensiya si Jay-R sa puso niya?

“No,” mabilis na tanggi ni Krista.

“It’s just we’re taking things slow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We went through something that we don’t wanna talk about. We wanna keep it private.

“But whatever it is, we were able to handle it in a friendly way.

“And, ‘yon nga, we are in the ligaw stage. So let’s just leave it at that na lang.

“We don’t really want to go into details.

“It’s not that we wanna hide anything from the press or sa mga fans namin. Pasensiya na po talaga.

“But as much as we want to be open with you guys, we also want to reserve something for ourselves.

“Gano’n lang.”

Mabuti at kahit may pinagdaanan silang ganun ay hindi nasira ang friendship nila?

“Oo. And, yeah, we’re working things out.

“So, let’s leave it at that na lang muna.

“Hopefully everyone can respect that because we don’t wanna say more than that,” saad ni Krista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN