Dolphy on National Artist recognition: “Kung maibibigay sa akin ‘yan, maganda. Kung hindi naman, okay lang.”

Comedy King Dolphy on recommendations for him to become a National Artist: “Nagpapasalamat naman ako sa mga sumasang-ayon dahil siguro bina-value nila ang aking track record. Salamat sa kanila. Yung iba [Nora at Vilma] naman deserving din, e. Maraming deserving, e.”


Mainit na naman ang usapin tungkol sa pagpili ng mga bagong hihiranging National Artist.

May ilang kongresista na ang nagsusulong sa pangalan nina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto para mabigyan ng naturang prestihiyosong award.

Pero bukod kina Nora at Vilma, lumutang din ang pangalan ng Comedy King na si Dolphy na isa raw sa mga nararapat bigyan ng National Artist award.

Sa phone interview ng News5 kay Dolphy, na napanood noong Lunes, Abril 23, sa Aksyon ng TV5, masaya raw siya sa pagkakasali ng kanyang pangalan sa ikinukunsidera.

Ayon sa Comedy King, “Nagpapasalamat naman ako sa mga sumasang-ayon dahil siguro bina-value nila ang aking track record. Salamat sa kanila.

“Yung iba [Nora at Vilma] naman deserving din, e. Maraming deserving, e.”

Sa loob ng halos anim na dekada, naging makulay ang career ni Dolphy sa pelikula at telebisyon. Sari-saring parangal na rin ang naigawad sa kanya.

Marami ang nag-aalala sa kalusugan ng Comedy King dahil na rin sa ilang lumabas na balita.

Pero pagtitiyak ni Dolphy, “Okay naman. Ayos naman, awa ng Diyos.”

Sa interview pa ng News5 sa anak ni Dolphy na si Epi Quizon, sinabi ng aktor na magiging malaking karangalan daw para sa pamilya nila na tanghaling National Artist ang kanilang ama.

Pero mas may importanteng bagay raw ngayon para sa pamilya Quizon.

Sabi ni Epi, “We were happy enough to have a father like him that everyone loves. That’s most important.”

VILMA SUPPORTS DOLPHY. Samantala, sa ulat naman ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, noong Abril 23, inihayag ni Dolphy ang kagustuhan niyang tumanggap ng National Artist award.

Sa video clip kung saan tinanong ni ABS-CBN news anchor Julius Babao si Dolphy sa DZMM Teleradyo: “Deep in your heart, gusto mo pa ring maging National Artist?”

Sinagot naman ito ni Dolphy ng, “Siyempre yung National Artist, medyo iba ito, e, the ultimate ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung maibibigay sa akin ‘yan, maganda. Kung hindi naman, okay lang.”

Suportado naman ni Vilma si Dolphy.

Ayon sa Batangas Governor, “It’s about time na mabigyan din ng recognition si Tito Dolphy.

“Sobra na rin yung inambag niya sa industriya ng pelikulang Pilipino.

“Mas marami pang responsibilidad na dapat ko pang gawin para patunayan ko pa ang sarili ko.”

Ipinapaubaya naman daw ni Nora ang proseso ng pagpili ng tamang awardee sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Pero malaking karangalan aniya kung mailuklok siya sa pinakamataas na parangal para sa isang artista.

Nakatakda ang susunod na opisyal na nominasyon ng National Artist ngayong taon.

Sa guidelines, malinaw na hindi Kongreso, fans, Internet petition, o pulitika ang magiging basehan nito. Kung hindi ang pagsasama-samahing nominasyon ng mga lehitimong artists organizations sa National Artist Secretariat ng CCP at NCCA.

Ayon sa guidelines, “Nominations are then submitted to the National Artist Secretariat that is created by the National Artist Award Committee… Deliberation, which is a joint meeting of the Commissioners of the NCCA and the Board of Trustees of the CCP, decides on the final reccomendees.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN