Pauleen Luna still evasive about rumored relationship with Vic Sotto

Pauleen Luna on negative tweets coming from Vic Sotto’s children: “I respect everybody’s opinion. But for me, as long as I know that I’m not doing anything wrong, as long as I’m not stepping on anybody’s toes and as long as I know that I am not hurting anybody intentionally, I’m good.”


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang naiintriga kung meron nga bang relasyon sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News kay Pauleen na napanood sa “Chika Minute” ng 24 Oras kagabi, Abril 24, heto lang ang naging pahayag ng aktres:

“We’re good. We’ve always had a good relationship naman.”

Hindi pa rin talaga tahasan ang pag-amin ni Pauleen tungkol sa estado ng relasyon nila ni Vic. Mula nang maugnay ang actress-TV host kay Bossing, naging tikom na ang bibig ng dalawa.

Sa kabila nito, hindi pa rin nakaiwas si Pauleen sa pag-uusisa ng GMA News tungkol sa naturang isyu nang makapanayam siya sa story conference ng bagong series ng GMA-7, ang Daddy Dearest, noong Lunes, Abril 23.

Pero naging matipid naman sa pagsagot si Pauleen.

Aniya, “Even before all the tsismis, and when I was starting in [Eat] Bulaga, we had a good relationship. And it’s good.”

Kumusta naman ang puso niya?

“Oh, it’s very happy. My heart is in a happy place," sagot niya.

BOSSING’S CHILDREN ARE NOT IN FAVOR? Natanong din si Pauleen tungkol sa umano’y maintrigang tweets ng mga anak ni Bossing, lalo na si Oyo Sotto, na tila hindi raw boto ang mga ito kay Pauleen.

Ang sagot naman ng actress-TV host dito, “I respect everybody’s opinion.

“But for me, as long as I know that I’m not doing anything wrong, as long as I’m not stepping on anybody’s toes and as long as I know that I am not hurting anybody intentionally, I’m good.”

NEW GMA-7 SERIES. Sa ngayon, ang gusto munang pagtuunan ng pansin ni Pauleen ay ang pagbabalik niya sa pag-arte.

Makakasama ni Pauleen si Ogie Alcasid sa family drama series na Daddy Dearest.

“It’s very interesting kasi I play a fairy at lahat ng fairy, e, mukha ko. So, I play different roles na fairy,” sabi niya tungkol sa kanyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN