PEP EXCLUSIVE (Part 3) Nadia Montenegro says she’ll forgive Annabelle Rama “when I see her in jail”

Nadia Montenegro on forgiving Annabelle Rama: “She has to pay for this—she definitely will pay for this, by God’s grace she will pay for this, trust me.”


Tatlo ang sinasabing dahilan ni Nadia Montenegro kung bakit niya ipinagkatiwala ang showbiz career ng kanyang mga anak kay Annabelle Rama.

Aniya, “I have three valid reasons why I trusted her to be the manager of my kids.

“One, Tito Dougs [Douglas Quijano] was still alive when he said na mag-co-manage sila kay Ynna, which is fine with me.

“Kasi... I trusted him so much, I have not trusted anyone [in my life] more than Tito Dougs.

“Two, I’ve always thought that Ruffa [Gutierrez] was [like] a second mother to my children; I never doubted the friendship at all.

“Hindi ko naman alam na aabot sa ganito ‘yon, e.

“I always believed that Ruffa’s there [and] that’s one big factor why tinanggap ko si Annabelle as their manager.

“Three, akala ko walang puwedeng kumawawa sa mga anak ko kapag si Annabelle Rama ang manager, which I really believed.”

CLICK HERE for related article.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia noong Lunes, Abril 23, sa isang restaurant sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Dito’y ikinuwento niya kung paano dati ang relasyon ng kanyang mga anak na sina Anykka at Alyanna sa kanilang talent manager.

“Anykka has the attitude na work siya, ganyan, because she was scared of her [Annabelle].

“Alyanna talaga is malambing to everybody, mabola ‘yan.

“Dati nagme-make up si Tita [Annabelle], ‘Oy, Tita ang ganda niyan, a.’ Alam mo ‘yong siya ‘yong magano’n, e, si Anykka hindi.”


THE RIFT. Maraming mga pagkakataon daw na nanatiling tahimik si Nadia sa mga ginagawa ni Annabelle sa kanyang mga anak.

Hanggang dumating na raw sa punto na diumano, “She [Annabelle] spread rumors that Alyanna was raped by her father, Boy Asistio, when she was 10 and Anykka had STD [sexually-transmitted disease].”


CLICK HERE for related article.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Nadia, maaaring noong panahong malapit pa ang loob ng kanyang mga anak sa kanilang talent manager ay nagkukuwento sila sa kanya.

Ngunit, hindi raw ibig sabihin nito’y may mga sinasabi sila kay Annabelle na hindi niya alam bilang magulang.

“‘Wag niya lang ie-expose ‘yong mga kinonfide ng mga bata sa kanya,” wika ni Nadia.

“Kung mayro’n man, I don’t think it’s anything that they can’t tell their parents.

“It’s all OA [over acting] na. Puwede kayang sinabi ‘yong ni-rape gano’n. Come on, parang hindi naman ’ata makatotohanan ‘yon.

“Siguro naman sa tagal ng panahon, hindi naman kami ganito ka-normal [kung nangyari ‘yon].

“Alam mo hindi ko ma-imagine ‘yong one of them was hurting, not even that way... Sira-ulo na kaming lahat na pumayag na gano’n.

“I mean, lahat ‘yon kinukuwento niya, paano niya nakita ‘yon, di ba?

“Mga out of this world na parang, siguro some people should also think na parang, ‘My god, OA na ata,’ na kung may something na mangyari sa anak ko, sasabihin ba niya sa manager niya instead of me?

“‘Tsaka iba ‘yong samahan namin ng mga anak ko, I don’t think… she has only one daughter, so I don’t think she knows what she’s talking about.”


WORK FOR THE MONEY. Noong eksklusibo naming makapanayam si Annabelle ay sinabi nitong “nagtampo” si Nadia sa kanya dahil kinausap niya ito tungkol sa “kinikita ng mga bata.”

Ani Annabelle, “Ang sabi ko sa kanya, ‘Nadia, puwede ba ibigay mo sa kanila? Kasi kawawa yung mga bata, nagreklamo sa akin, na kung magte-taping daw sila, ang mga baon lang daw, 500 [pesos] lang.

“Kinakausap ko siya kaya nagtampo iyan [Nadia] sa akin.”


CLICK HERE for related article.

Buwelta naman ni Nadia sa paratang na ito, “‘Yon ang sinasabi niya parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Teka lang, paano ba niya narating ang narating niya sa buhay? O, di ba, dahil sa mga anak niya?" sumbat ni Nadia.

“Ako, ang mga anak ko kahit hindi ‘yan lahat nag-aartista, ‘yong anak kong lalaki kahit hindi artista, sabi niya, ‘Mommy when I grow up, I want to buy you a Ferrari.’

“It’s the children’s dream to give their parents what they want, what’s wrong with that?

“She’s just making it such a big deal," ani Nadia.

“Siya nga ‘tong nagtatrabaho daw siya, she’s making money out of her children, na I don’t think there’s anything wrong with that.

“I don’t take it against her na she’s doing her job as a manager and as a mother to her children, bakit ‘pag ako bawal? Bakit ’pag ako mali?”

Pagdidiin pa niya, wala naman daw masama kung tulungan niya ang kanyang mga anak sa pagba-budget ng kanilang kinikita.

“Alam mo, some people should understand.

“What is wrong with that, tell me?

“Hindi ba parang dapat ikaangat ko pa ‘yon, na hindi suwapang ang mga anak ko?

“Ang mga anak ko kahit anong makita sa tabi nila magbibigay ‘yan, hindi mga suwapang ‘yan.

“I don’t know what her point is, what is wrong with that?

“My children are minors, alangan naman 15 years old pahawakin ko ng isang daang libo?

"Hindi, e, di inubos ‘yan sa gadgets, sa school at kung saan-saan," sabi ni Nadia.

Dagdag pa niya, “‘Wag niyang pakialaman ang ginagawa ko, ang diskarte ko bilang magulang.

“Pinapalabas niya lang na masama ako.

“But I don’t think I’m doing anything different from what she’s doing when it comes to money.”


FINANCIAL INDEPENDENCE. Kaugnay ng mga kinikita ng kanyang mga anak, nilinaw rin ni Nadia ang mga sinasabi ni Annabelle tungkol kina Ynna at Alyanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi kasi ni Annabelle na diumano’y nagpatulong si Ynna sa kanyang sekretarya na magbukas ng kanyang sariling bank account.

Paglilinaw ni Nadia, “I gave financial independence to Ynna at the age of 16.

“When she turned 18, she had all money with her. I did not handle any of her money after that.

“Lahat ng kotse niya, lahat ng ano, nasa pangalan niya, may credit card siya, I do not care kung ano ang [gastos] niya.

“When she has sobra, ‘Mommy [I’ll] pay for the cable,’ kunyari minsan makikita niya kailangan bayaran ‘yong cable nasa name niya, bayaran niya lahat ‘yon.

“Wala akong ano, even the cell phones of her sisters, lahat siya ‘yan, ‘yong mga bills niya, ‘Ma, bayaran ko na ‘yan,’ sa pangalan niya lahat ‘yon.”

Ganoon din daw ang ginawa niya sa kanyang anak na si Yanna.

Kuwento niya, “Yanna had her [financial] independence as early as 16, because Yanna siya ang ano, ‘pag wala ako sa house, siya in charge sa grocery, siya kasi ang mahilig magluto.

“Siya lahat-lahat in charge mag-budget.

“Lahat ’yan may kanya-kanya silang in charge sa bahay.

“Kaya ‘yong independence in anything, lahat sila ‘yan, walang ina-ano sa kanila.”

Giit ni Nadia, “Ang nangyari do’n sa sinasabi niyang separate account—siya [Annabelle].

“Automatically [she had her own account], which is so very odd for a manager.

“Kasi dati ’yan, dapat nga, pati ngayon, e, kukunin ng artista ang suweldo, bibigay ko sa ’yo, manager ka, bibigay ko sa ’yo, komisyon mo.

“Ito ngayon, si Anabelle lang [ang] may account sa GMA na tinatrabaho palang ng talent nakahiwalay na komisyon niya.”

Kaya naman, imposible raw ang mga sinasabi ni Annabelle na humihingi ng tulong pinansiyal ang kanyang mga anak sa kanilang manager.

“Why would they ask somebody else when they have their mother, their father, they have their titas and their lola—that is not true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not true, hindi totoo ‘yan because my kids have everything they need.

“In the first place, nang pumirma ng kontrata, she asked for a downpayment and we’re able to provide everything that they need for showbiz.

“So, there’s no reason to ask her for anything, ‘yon na lang ang ginagawa niyang issue sa akin.

“Like what I said, everything is about money—money to her, not to me.”


RUNNING AWAY. Mayroon din nabanggit si Annabelle na diumano’y isa sa mga anak ni Nadia ay gustong lumayas.

Hindi naman ito ikinaila ni Nadia, at sinabing ang anak niyang si Yanna ang minsang sumubok na umalis sa kanilang bahay.

“‘Yong isa kapag nag-fail sa exam, tanggal cell phone ‘to, e,” paliwanag ni Nadia.

“Si Alyanna, hindi ko pinayagan, e.

“Tatakas sana pupunta sa classmate para umalis do’n sa White Plains, e, hindi ko pinayagan. Gagawa ng paraan.

“Nang nalaman kong tatakas, ang ginawa ko, tinawagan ko si Tita Annabelle, ‘Tita Annabelle kailangan naming kastiguhin si Yanna. A, I don’t know how you’re going to do it, but she’s not allowed to do any taping or any show for two weeks.’

“Siyempre ang aalisin mo ‘yong gusto ng bata para matuto, di ba?

“Hindi ba dapat ikatuwa pa niya ‘yon na siya ang tinawagan?

“Siya ang manager na nagtiwala sa bata, ‘Tita, galit sa akin ang Mommy. Tulungan mo ‘ko, galit na galit pinapatanggal ako sa showbiz.’"


STAGE MOM. “Stronger” daw ang relasyon ngayon nina Nadia at ng kanyang mga anak.

Aniya, “If there’s one good thing that came out of this is, naging strong kaming lahat.

“But I wouldn’t wish it on my enemy, ‘yong gano’n na seven, eight months kang binabastos...

“Masakit, hanggang ngayon bumabanat pa din siya, masakit dahil tao lang din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya they’re not allowed to read her tweets, wala, we don’t read anything negative.

“That’s why I bring them along kapag may mga interviews or anything, for them to understand how to deal with things of this kind.”

Aminado rin si Nadia sa pagiging stage mom niya. Ngunit, hindi naman daw siya aabot sa puntong natatakot na ang mga anak niya sa kanya.

“Hindi takot ang mga anak ko sa akin, walang ikakatakot sa akin ‘yan,” pagtanggi niya.

“Kung mayro’n man siguro, they are my children [and] I have to discipline them...

“So, hindi naman siguro mali na may anak na takot sa magulang, actually she’s [Annabelle] overexaggerating everything.

“Mas gusto ko na takot sa akin ang mga anak ko kaysa walang respeto sa akin.”


FRUSTRATED SCRIPTWRITER. Sa dami ng mga ibinibintang ni Annabelle kay Nadia, maaari raw isa itong “frustrated scriptwriter” sa nakaraang buhay niya.

Natatawang komento ni Nadia, “Kasi it’s just that I think, in her past life—‘wag mong alisin ‘to—she was a frustrated scriptwriter.

“Really, a frustrated scriptwriter.

“I don’t know how one person can make up a story about somebody else’s life, na parang alam na alam ang buong buhay ko, na talagang every [detail]. It doesn’t make sense anymore.

“OA na, OA na, as in OA na OA na, parang wow!

“Alam niya ‘yong oras ng ligo ko na parang ang labo na, it’s creepy na, ‘yong hindi na gawain ng normal [na tao].”


A BETTER ENEMY. Kung si Nadia ang tatanungin, sana daw ay may “better enemy” siya kaysa kay Annabelle.

“It’s not a good feeling,” pag-amin ni Nadia.

“But you know now, the words breeding, uhm, delicadeza, decency, they have a [different] meaning to me now.

“I mean, I embrace all these words right now because thank God for my parents, thank God for my parents, I have [delicadeza], I need it for this challenge.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaaring iniisip ng iba na nakahanap na ng katapat si Annabelle Rama. Ngunit tingin ni Nadia, “Siguro dahil ako lang ang lumaban ng ganito.

“I’ve been with this woman for one year-and-a-half, almost every day, I’ve seen how she is, and that kind of scared me along the way.

“That also gave validity to my doubts before, but of course I gave her the benefit of the doubt.

“But while I have this chance of knowing her for the longest time, I really wanted out.

“If ni-release lang naman niya [ang mga anak ko sa contract], dinaan ko sa maayos na pakiusap, hindi naman aabot sa ganito," sabi ni Nadia.

“I still don’t understand why people glorify her in this business, I don’t get it.



"I mean... there’s a lot more there, a lot more that they have to know.

“Just like what I said, not because lumalabas ang isang tao, matapang na siya. It doesn’t mean that she’s saying the truth.

“Like what I said, I don’t wish this on anybody. It’s not easy, ang sakit, sakit, sakit, sakit.

“It’s not easy, you wake up sometimes it’s her face you see, and you read something again.

“Whatever it is, I still know at the end of the day, ako nakakatulog nang mahimbing sa gabi dahil wala naman talaga akong kaaway, siya lang, at alam ng Diyos na totoo ang sinasabi ko.

“At alam ninyong lahat, alam ng nasa showbiz or even people older than you, kung anong klase siyang tao, kung anong klase siyang babae, anong klase siyang ina.”


FORGIVENESS. Aming tinanong si Nadia, kung sakali ba ay mapapatawad pa niya si Annabelle?

“When I see her in jail,” ang mabilis at matapang na tugon niya sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, somebody has to pay for this, my children cried for how many months."

(CLICK HERE to read part 4)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN