Jose Manalo no show during hearing of Anti-Violence Against Women ang Children complaint filed against him by wife Anna Lyn

Anna Lyn on why she refused to sign and accept the letter being issued to her by the lawyer of husband Jose Manalo: “I think it’s a form na naman ng harassment, for me and my kids again. Parang pangha-harass na naman nila. I told them the lawyers na I received already the copy."


Hindi naulit ang pagtatagpo ng mag-asawang Jose Manalo at ng kanyang asawang si Anna Lyn sa hearing ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women ang Children na isinampa ng huli sa una.

Ginanap ang hearing kahapon ng umaga sa tanggapan ni Fiscal Dinna Paulino ng San Juan Prosecutor’s Office na dinaluhan ni Anna Lyn kasama ang abugado nitong sina Atty. Lowell John Fetizanan at Atty. Michael Dauz.

Ang abugado lang ni Jose na si Atty. Richard Cruz ang sumipot para tanggapin ang reply affidavit ni Anna Lyn.

Napagkasunduang magkakaroon uli ng hearing sa darating na Mayo 9 kung saan magsusumite sila ng kanilang rejoinder na kailangang daluhan ng mag-asawa.

SIGN THIS! Pagkatapos ng hearing, may inabot na sulat ang abugado ni Jose kay Anna Lyn at pinapipirma itong natanggap niya.

Tumangging tanggapin ni Anna Lyn ang nasabing sulat dahil may natanggap na raw siyang kagaya ng ibinibigay sa kanya.

Pilit na ipinapatanggap ng abugado ni Jose ang sulat, pero ayaw namang kunin ni Anna Lyn bilang payo na rin ng kanyang abugado.

Sa huli ay pinapapirma na lang si Anna Lyn na ayaw niya itong tanggapin, pero tumanggi pa rin ito.

“I think it’s a form na naman ng harassment, for me and my kids again,” bulalas ni Anna Lyn.

“Parang pangha-harass na naman nila. I told them, the lawyers, na I received already the copy.

“So, it’s enough. Kasi there’s no need for me to sign kasi sasagutin naman namin definitely,” pahayag pa nito.

THE LETTER’S CONTENT? Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anna Lyn kung ano ang sulat na ibinibigay sa kanya, pero hindi niya ito sinagot.

Ibibigay raw muna niya sa kanyang abugado ang sulat na iyon bago niya isisiwalat sa media ang nilalaman nito.

“Gusto sana naming pag-usapan ‘yan na na sila pa ang nagdi-demand,” pahayag pa ni Anna Lyn kaugnay sa sulat na pinapatanggap sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman niya ipinaliwanag nang mabuti kung demand letter ba yung ibinibigay sa kanya.

Ayon kay Anna Lyn, sa susunod na hearing na lang daw nila ikukuwento dahil sasagutin pa raw nila iyun.

Sinubukan ng PEP na hingan ng paliwanag ang mga abugado ni Jose kaugnay sa sulat na nabanggit, pero tumanggi ito.

Nangako naman ang Senior Vice President at COO ng TAPE Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar, na siyang namamahala ng career ni Jose, na magbibigay sila ng statement kaugnay rito.

BANNED FROM EAT BULAGA! STUDIO? Maglalabas din daw ng statement ang TAPE kaugnay ng isyung Temporary Restraining Order (TRO) na isinampa nila laban kay Anna Lyn.

Nagsampa ang TAPE ng TRO laban kay Anna Lyn para maiwasan na raw nito ang pagpunta ng Eat Bulaga! studio, kung saan isa sa hosts ng nasabing noontime show si Jose, para maiwasan ang gulo sa pagitan ng mag-asawa.

Ayon sa abugado ni Anna Lyn na si Atty. Fetizanan, masaya raw sila sa naging desisyon ng QC Prosecutor’s Office kaugnay sa TRO na isinampa laban kay Anna Lyn.

Ayon kay Atty. Fetizanan, “The court dispense their application for temporary restraining order, because the court finds out that there is no necessity ang urgency for issuance.”

Dagdag pang pahayag ng naturang abugado, wala na rin naman daw balak ang kanyang kliyente na pumunta ng Eat Bulaga! studio.

Ang pagkaalala raw niya ay nung January 2011 pa huling pumunta si Anna Lyn sa studio ng Eat Bualaga! kung saan nagkaroon ng gulo dahil sa kagustuhan nitong makausap si Jose.

Dagdag pang pahayag ni Atty. Fetizanan, “Nangyari last January pa last year.

“The Court decided na walang necessity. There is nothing to restrain, kasi hindi na nga pumupunta doon ang client namin."

Paliwanag naman ni Anna Lyn, “Kasi nagpupunta ako ng TAPE office just to talk to my husband alone—not the TAPE office and I don’t have any business with TAPE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t have any intention also na guluhin ang TAPE office.

“I respect them… all the TAPE office management, nirerespeto ko dahil mga ninong at ninang ko sila sa kasal.

“And dun nga ako nalulungkot because I don’t know why it’s happening right now.

“I think parang right ng wife na pumunta doon at hanapin ang asawa na hindi umuuwi.

“I need an explanation from him, e. I don’t have any choice because I don’t know where is he living.

“So, dun ako pumunta. Pero I don’t have any intention para manggulo.

“Hindi ako ganun at walang ganung nangyari,” pahayag pa nito.

Hindi pa ibinibigay ng mga taga-TAPE ang buong detalye ng sinasabing gulong nilikha ni Anna Lyn nang huling pumunta si Eta Bulaga! studio.

Napagdesisyunan na rin naman daw sa korte na hindi siya puwedeng lumapit doon.

Magbibigay rin naman daw sila ng statement kaugnay rito.

FOR THE SAKE OF THE CHILDREN? Sinabi rin ng abugado ni Anna Lyn na hindi raw pera ang habol nila sa kasong isinampa laban kay Jose.

Ang gusto lang daw nila ay mabigyan ng hustisya ang pag-iwan ni Jose sa kanyang pamilya.

“In every sin there is consequence,” pakli ni Anna Lyn.

“Kung nakita man lang sana na may resentment o dalawin man lang niya ang mga anak ko… naghihintay sa kanya.

“I want to tell you, Jose, na sana magkaroon ka ng fatherly image na pinu-portray mo. Yung totoo na tao, as a father.

“Kung sa akin galit ka, yung anak, walang kasalanan.

“They’re still waiting for their father to see them or talk to them,” pahayag pa nito.

Naikuwento pa ni Anna Lyn na nung nagkita sila ni Jose sa Fiscal’s office, may sulat pa raw siyang ibinigay mula sa bunsong anak nilang si Colyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May sulat akong ibinigay galing sa anak kong bunso. Personal kong inabot.

"Sabi ko, ‘Before we talk, I want you read this...’ from Colyn yun.

“Kung father ka, may puso ka sa mga anak mo. The kids [have] nothing to do with this. Hindi nila alam ’to, e.

“Tuloy yung kaso.

"Me and my kids are happy. Happy kami na we are living na tahimik at maayos kahit wala yung lahat,” pahayag pa nito.

ANNA LYN’S PLEA TO THE MEDIA. Samantala, may pakiusap si Anna Lyn sa media, lalo na sa GMA-7, na kung maaari’y maging balanse lang daw sana ang paglalahad ng balita tungkol sa isyu nila ni Jose.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag para sa media:

“Sana yung mga news, it’s not going to be biased on Jose’s side lang kasi my children are affected already.

“What is going out sa lahat na mga news, na talagang biased. The truth is not really coming out.

“I want to address this to news team also, hindi ko sila inaaway.

“Actually, the bosses of Channel 7 [are] my relatives. Gusto ko lang iparating sa kanila na I did not ask anything.

“Ang gusto ko lang sana yung totoong serbisyo sa mga tao. I just hope na this one na lumabas na even sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN