Mainstream stars invade Cinemalaya 2012

This year’s Cinemalaya film festival promises to be star-studded as almost all the films in the two-category entries feature mainstream actors and actresses. Among them are (from left) Coco Martin, Dawn Zulueta, Eddie Garcia, Judy Ann Santos, and Dennis Trillo.


Kasalukuyan nang nagsu-shooting ang iba’t ibang independent production teams na may official entry sa upcoming 8th Cinemalaya Independent Film Festival na nakatakdang ganapin sa July 20-29, 2012.

Ang annual Pinoy indie filmfest ay itatanghal sa mga teatro ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Pasay City; sa Greenbelt 3 Cinema sa Makati City; at Trinoma Cinema sa Quezon City, ang bagong dagdag na sinehan ngayong taon.

Habang papalapit ang “Cinemalaya month” sa July, marami ang curious at excited malaman kung sinu-sino ang mga artistang gaganap sa mga bagong pelikulang kalahok.

Lalo pang umigting ang pananabik ng mga Pinoy film enthusiasts sa Cinemalaya nang manalo si Eugene Domingo bilang People’s Choice for Best Actress sa 6th Asian Film Festival, na ginanap noong March sa Hong Kong, para sa Ang Babae Sa Septic Tank.

Nanalo din sa naturang international film festival si Shamaine Buencamino bilang Best Supporting Actress para sa Niño.


Tinalo nina Eugene at Shamaine ang kanilang mga co-nominees mula sa iba’t ibang Asian countries katulad ng Thailand, Iran, Hong Kong, Malaysia, India, Mainland China, at iba pa.



Ang Babae Sa Septic Tank won best film at Cinemalaya 2011, while Niño won a special jury prize.

MAINSTREAM ACTORS. Pinapalagay ng marami na ang Batch 2012 ng Cinemalaya, sa eight-year history nito, ang may mga pinakamalalaking bituin sa casting dahil pawang mainstream actors ang nasa major cast ng 15 full-length feature films.

Para sa taong ito, malalaking pangalan sa industriya ang nasa lineup ng Cinemalaya sa karamihan ng film entries: Judy Ann Santos, Coco Martin, Dawn Zulueta, Eddie Garcia, Dennis Trillo, Janice de Belen, Iza Calzado, Mylene Dizon, Alessandra de Rossi, Jodi Sta. Maria, Armida Sigiuon-Reyna, Joel Torre, Angel Aquino, Zanjoe Marrudo, JM de Guzman, just to name a few.

Sa isang entry, lead ang sikat na Thai actor na si Ananda Everingham and in the same film ay naka-cast rin ang Japanese actress na si Kiki Sugino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CINEMALAYA ENTRIES. Hindi rin biro ang proseso ng pagpili ng official finalists sa Cinemalaya.

Mula sa mahigit 100 promising screenwriters, nagsumite ang bawat isa ng kani-kanilang scripts para sa film grant na P500,000 for each chosen film mula sa Cinemalaya Foundation na pinangungunahan ni Tony Boy Cojuangco.

Ang mapipiling entry mula sa sinumiteng scripts ay kailangang pang hanapan ng co-producers upang punuan ang kabuuang production cost.

CATEGORIES. Dalawa ang kategoryang pinaglalabanan ng mga pelikula.

Una ay ang “New Breed Category” kunsaan kalahok ang mga baguhang filmmakers na wala pang tatlong pelikula ang naipapalabas sa commercial theaters.

Ikalawang kategorya naman ay ang “Directors Showcase,” na nasa-ikatlong taon pa lamang.

Nagsimula ang kategoryang ito noong 2012 dahil sa hiling ng ilang mga beteranong filmmakers na makalahok sa festival.

Mula sa iba’t ibang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), narito ang kumpletong listahan ng mga finalists sa dalawang kategorya, maikling story line, at ang confirmed casting:

DIRECTORS SHOWCASE CATEGORY. Lima (5) ang film entries sa Directors Showcase, namely:

Mga Mumunting Lihim, written and directed by Jose Javier Reyes. Super excited si Direk Joey dahil ito aniya ang kanyang first journey sa paggawa ng indie film na malapit sa puso niya.

Synopsis: Tungkol ito mga magkakaibigan, mula noong bata pa sila. Noong namatay ang isa kanila, ipapakita kung papaano siya nag-iwan ng mga ebidensiya tungkol sa mga sikretong ipinagkatagu-tago ng kanyang mga kabarkada sa isa’t isa sa napakaraming taon na kanilang pagkakaibigan.

Cast: Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, and Janice de Belen. Kasama rin sa Mga Mumunting Lihim sina Gino dela Peña na nakilala sa Survivor Philippines, Lui Manansala, Madeline Nicolas, Roeder Camañag; with ramp, commercial, and print ad models na sina Cris Lomotan at Albert Guinto.

Bwakaw, written and directed by Jun Lana, creative consultant ng ilang GMA teleseryes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Synopsis: Istorya ito ng isang 75-year-old gay man na halos sumuko na sa mg pagsubok sa buhay, hanggang sa mapalapit ang kanyang kalooban sa isang aso na may pangalang “Bwakaw."

Cast: In the lead role ay ang beterano at award-winning actor-director na si Eddie Garcia. Kasama niya si Armida Siguion-Reyna, isang seasoned actress-singer-film producer, playing a pivotal role. Nasa cast din ng Bwakaw sina Soxie Topacio, Rez Cortez, Joey Paras, Gardo Versoza, Luz Valdez, Beverly Salviejo, at Alan Paule. Kasama rin sina May-i Fabros, Soliman Cruz, Jonathan Neri.

Kalayaan, written and directed by Adolfo Alix, Jr.

Synopsis: Ang Kalayaan ay tungkol sa malulungkot na buhay ng mga sundalo sa Spratly Islands, isang grupo ng mga islands at islets na nasa South China Sea at nasa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Cast: Lead actor sa Kalayaan ang sikat at magaling na Thai actor na si Ananda Everingham, ang Japanese actress na si Kiki Sugino, ang Kapamilya hunk na si Zanjoe Marrudo, ang Kapuso actor na si Luis Alandy, model-turned-actor Rocky Salumbides, at theater/ indie actress na si Angeli Bayani.

Kamera Obskura, written and directed by Raymond Red. Kinikilala ang respetadong si Direk Raymond bilang isa sa pioneer indie filmmakers ng Pelikulang Pilipino at isa siyang award-winning filmmaker.

Synopsis: Ito ay isang “fictitious black-and-white silent expressionist film” na sinasabing natagpuan ng film archivists at historians ng bansa kamakailan lamang.

Cast: Nasa cast nito ang mga “underrated actors” na mag-amang sina Pen Medina at Ping Medina, ang mga batikang aktor na sina Joel Torre at Nanding Josef. Tampok din ang bagong female discovery talent na si Irene Gabriel.

Posas, directedby Lawrence Fajardo.

Synopsis: Isa itong komentaryo tungkol sa talamak at laganap na krimen at hustisya sa Pilipinas. Ilan sa mga lugar na pinag-shooting-an ng pelikula ay ang Quiapo.

Cast: Nico Antonio, Bangs Garcia, John Lapus, Art Acuña, Susan Africa, Jake Macapagal, Hector Macaso, Raul Morit, CJ Ramos, Ermie Concepcion, Nor Domingo, at Wendy Valdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW BREED CATEGORY. Ang pinaka-inaabangan sa New Breed Category ng Cinemalaya ay ang mga baguhang filmmakers ang nakapasok.

Dito kasi nanggaling ang most promising new filmmakers ng industriya na nakapag-“crossover” na sa mainstream cinema tulad nina Auraeus Solito (Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros), Jade Castro (Endo), Chris Martinez (100), at Adolfo Alix, Jr. (Donsol).

Ang sampung official finalists ng Cinemalaya New Breed Category 2012 ay:

Aparisyon, written and directed by Vincent Sandoval, isang New York-based Pinoy filmmaker.

Synopsis: Ito ay istorya ng mga “contemplative nuns” o mga mongha, at kung papaano sila nabubuhay sa kanilang kumbento habang may karahasang nagaganap sa labas. Nangyari ang kuwento bago at habang may Martial Law sa bansa noong 1972. May nakagigimbal na pangyayari sa isa sa mga madre na makakaapekto sa buong kongregasyon.

Cast: Gumaganap na mga madre ang dalawa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng kanilang henerasyon—sina Mylene Dizon at Jodi Sta Maria. Kasama rin sa cast bilang mga madre ang veteran actors na sina Rustica Carpio, Raquel Villavicencio, at ang renowned opera singer na si Fides Cuyugan-Asencio, na gumaganap naman bilang Mother Superior.

Santa Niña, written and directed by Emmanuel “Manny” Palo, dating associate director sa mainstream movies at loyal director ng ilang shows sa ABS-CBN.

Synopsis: Ito ay kuwento ng isang dalawang-taong gulang na batang namatay nang matabunan ng lahar sa bayan ng Bacolor noong 1995. Makalipas ang sampung taon, nahukay muli ang bangkay na hindi naaagnas. Pinaniniwalaan ng mga tao na ang munting bangkay ay “milagrosa” kaya naging misyon ng kanyang ama na ikampanya sa simbahan na gawing santa ang kanyang anak.

Cast: Tampok ang sikat at award-winning actor na si Coco Martin sa kanyang kauna-unahang Cinemalaya film. Nasa cast din ang mga dekalibreng aktres na sina Alessandra de Rossi (ang Cinemalaya film nito last year na Busong ay nakaikot na sa iba’t ibang international filmfests), Angel Aquino, Irma Adlawan, Leo Martinez, Nanding Josef, at Ms. Anita Linda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Katiwala, written and directed by Aloy Adlawan, na screenwriter rin ng ilang mainstream films.

Synopsis: Umiikot ang kuwento ng pelikula sa isang dating karpentero, na noong mawalan ng trabaho ay kinuhang katiwala (caretaker) ng isang malaking property na dating pagmamay-ari ng isang taong may importanteng papel sa kasaysayan ng Pilipinas.

Cast: Si Dennis Trillo ang gumaganap sa title role. Pasok din sa cast ang isa sa mahuhusay at original indie actor na si Ronnie Lazaro, ang bagong sexy star at indie actress na si Althea Vega, child actor Miggs Cuaderno (Munting Heredera), Ernie Zarate, at Angelina Kanapi.

Ang Nawawala (What Isn’t There), written and directed by Marietta "Marie" Jamora.

Synopsis: Ito ay istorya ng isang tahimik na binata na umuwi sa kanyang nalulumbay na pamilya isang Araw ng Pasko, at sa pag-uwi niyang ito, matutuklasan niya ang kanyang unang pag-ibig.

Cast: Lead actor dito si Dominic Roco at makakasama nito ang kanyang kakambal na si Felix Roco. Kasama rin sa cast sina Annicka Dolonius, Alchris Galura, Mercedes Cabral, Marc Abaya, Jenny Jamora, Sabrina Mann, Boboy Garrovillo, Kelvin Yu (of Itchyworms), at Ms. Dawn Zulueta.

Requieme, written and directed by Loy Arcenas.

Synopsis: Ito ay isang black comedy tungkol sa isang probinsiya ng mga tsismoso’t tsismosa na nakipag-ugnayan sa isang “notorious TNT murderer” ng isang sikat na famous designer sa buong mundo, isang transvestite, tatlong kamatayan, dalawang lamay, isang libing, at ang Pinoy media.

Cast: Si Shamaine Buencamino ay isa sa mga pangunahing characters ng pelikula, kasama sina Rez Cortez, Anthony Falcon, Paul Jake Paule, among others.

Diablo, written and directed by Mes de Guzman.

Synopsis: “A tale of matriarchal’s family in a far flung village engulf with mystery” ang eksaktong description ng main plot ng pelikula, na dito pa lang ay iisipin mo nang puno ng misteryo ang istorya nito, at nakagawa na rin ng iba pang mga “kakaibang” indie films ang filmmaker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Cast: Veteran character actress Ama Quiambao gets the lead role. Kasama ni Ama sina Arnold Reyes, Roeder Camañag, at Carlo Aquino.

The Animals, written and directed by Gino Santos, his first full-length feature.

Synopsis: Kuwento ito ng isang grupo ng mga magkakaibigan na nag-organisa ng isang “high school party with college values,” para sa isang gabing hindi malilimutan ng lahat, ngunit mag-iiwan din ng trahedya.

Cast: Bida ang controversial young actor na si Albie Casiño. Kasama rin sa cast si Issa Litton, at ang mga baguhan talents na sina Patrick Sugui at Dawn Balagot.

Intoy Syokoy Ng Kalye Marino, written by Jerry Gracio, mula sa direksiyon ni Lem Lorca, at associate director na si Armand Reyes.

Synopsis: Ang love story na ito ay mula sa award-winning novel na Kalye Marino ng Pinoy author na si Eros Atalia. Ilalahad sa pelikula ang makasaysayang nakaraan ng Kalye Marino sa Sangley Point, Cavite City, mula noong panahon ng Amerikano hanggang sa kundisyon nito sa kasalukuyan.

Cast: Gaganap si JM de Guzman bilang Intoy Syokoy, isang magtatahong na magmamahal ng isang prostitute na gagampanan naman ni LJ Reyes. Nasa cast din sina Joross Gamboa, Arnold Reyes, Roy Alvarez, Kristoffer King, Richard Quan, Angela Ruiz, Jacob Miller, Ricky Pascua, Redgie Jimenez, Justin de Leon, at Kenneth Salva.

Mga Dayo (Resident Aliens), written and directed by Julius Sotomayor Cena.

Synopsis: Ang pelikula ay kuwento ng pakikipagsapalaran ng tatlong Filipina immigrants sa Guam—isang journalist, isang photographer, at isang hotel housekeeper—sa buong araw ng Thanksgiving sa nasabing bansa.

Cast: Ang tatlong mga pangunahing karakter ay sina Sue Prado, Janela Buhain Carrera (Guam-based actress), at Olga Natividad (Pinay stage actress na ngayo’y naninirahan na sa Chicago, Illinois, USA).

Oros ni Direk Paul Sta Ana.

Synopsis: Ang Oros ay istorya ng mga taong handang gamitin ang mga patay na tao bilang kabuhayan, sa pamamagitan ng illegal na sugal—ang sakla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Cast: Itinatampok sa Oros ang indie actor na si Kristoffer King at si Kristoffer Martin. Kasama rin sa cast ang aktres na si Tanya Gomez, Kim Komatsu, Diva Montelaba, among others.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN