Bianca King on exploring new aspects of acting: “Ie-explore namin ang aming instruments—yung mukha namin, yung katawan namin."

Bianca King is a model-turned-actress who began her career modelling for print ads until the call of acting beckoned. Bianca’s biggest break came when she starred in Birhen ng Manaoag as the daughter of Cherrie Pie Picache. Previously typecast as kontrabida, she now plays as bida in GMA-7’s Broken Vow.


Extended ang afternoon soap ng GMA-7 na Broken Vow.

Ito ang masayang naibalita ng bida ng serye na si Bianca King nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, April 22.

“Third week of May mag-i-end na dapat. Ngayon, hanggang mid[dle] of June na kami!” aniya.

“Masaya kami siyempre.

“Hindi lang para sa mga sarili namin kundi para rin sa iba na mai-extend din yung work nila.

“And siyempre, alam din kasi namin na maraming viewers na nakatutok talaga sa story.

“Magiging mas kaabang-abang pa ang mga susunod na episodes.”

TYPECAST. Matagal-tagal ding na-typecast si Bianca sa kontrabida roles.

Pero natutuwa raw si Bianca na madali naman siyang natanggap ng viewers nang magbida siya sa Sinner Or Saint, at pagkatapos nga ay dito sa Broken Vow.

Dahil ba naging lead star na siya ay hindi na siya tatanggap pa ng kontrabida roles?

“Gusto ko rin. I’m looking forward also to a nice kontrabida role.”

Hindi gano’n kadali para sa isang artistang naunang nagko-kontrabida na ma-achieve ang pagbibida ng gaya ng kay Bianca.

“Gusto kong ma-break yun… gusto kong ma-break yung stereotype na yun.

“Gusto ko, ako yung artista na kahit nagbibida, kaya pa ring gumawa ng kontrabida roles at mamahalin pa rin ng tao.

“Pero siyempre, ang Artist Center na rin ang bahala doon.

“Siyempre, mahalaga rin kasi sa kanila ang momentum.

“So that’s why I’m with GMA Artist Center.

“Kasi alam na alam talaga nila kung ano yung gagawin sa career ko.”

DIFFERENCE. Are there certain things na nami-miss niyang gawin sa pagganap ng role bilang kontrabida?

“Fun gawin yung mga eksena.

“Kasi kapag bida ka, mabigat, madrama, maemosyon.

“Gano’n. Bihira ka lang ngumiti.

“Sa pagkokontrabida, enjoy talaga, e.

“Siguro yung mahirap lang, may tendency na sa script, paulit-ulit ka lang na nagagalit. At isa lang ang dahilan kung bakit ka nagagalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon ang parang… darating ka sa point na medyo, ’Wala na ba akong ibang puwedeng maramdaman? Galit na lang ba palagi?’” sabay tawa ni Bianca.

“So, maganda yung paiba-iba ng role talaga.”

NEW HORIZONS. Masaya si Bianca dahil nasa tamang direksiyon daw ang kanyang career ngayon.

“Artist Center is putting us to intensive acting training.

"Na halimbawa sa soap, dahil time-constrained, palaging de-kahon ang acting na lang.

“So parang ie-explore namin ang aming instruments.

“You know, ang instruments namin—yung mukha namin, yung katawan namin.

“Iyon ang itinuturo sa amin ngayon.”

Matapos maka-graduate ng kursong Filmmaking sa University of the Philippines, may offer siyang maging part ng isang advertising firm. Tatanggapin ba niya ito?

“Uhm, nag-express ako ng eagerness ko.

“Pero hindi ko siya aasikasuhin until [after] Broken Vow," sabi ni Bianca.

LATEST INTRIGUES. Maganda ang takbo ng kanyang career.

Mukhang okey din naman ang status nila ng rumored boyfriend niyang si Dennis Trillo maliban sa intrigang selosa raw siya.

“There’s no intriga!” natawang reaksiyon lang ni Bianca.

“There’s no intriga!” ulit na naman niya.

Wala nga ba siyang pinagseselosan na nakakapareha ni Dennis lately?

“There’s no intriga! That’s not true!”

What makes her feel secure kay Dennis?

"I’m just a very secure person. I’m a happy, level-headed person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN