Marian Rivera squashes pregnancy rumor; says working relationship with Katrina Halili is "okay"

“So, nakakatuwa na bilang ako, na wala naman ako ginagawang effort din, na nakikita pala nila yung totoong ako—na ‘to si Marian Rivera. Nakakatuwa na sila mismo nagsasabi kung sino ako," says Marian Rivera about her co-stars.


“Kapatid niya yung buntis, hindi ako!”

Ito ang tili ni Marian Rivera nang paulit-ulit siyang tanungin ng media kung totoong nagdadalang-tao siya.

“Hindi, si Trina. Siya yung kapatid niya, hindi ako,” pagtukoy ng Kapuso Primetime Queen sa nakababatang kapatid ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na siya raw totoong nagdadalang-tao.

May lumabas kasing report na buntis daw si Marian at may bumabati pa raw kay Dingdong ng “Congrats!” sa Twitter at Facebook.

Pero paglilinaw nga ni Marian, ang kapatid ni Dingdong na si Trina ang buntis at hindi siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian sa presscon ng upcoming dramedy niyang Tweets For My Sweet kaninang tanghali, April 26, sa 17th floor ng GMA Network Center.

PREGNANCY. Pero kung sakaling siya nga ang nabuntis, paano niya iha-handle ang ganitong sitwasyon?

“Paano ko iha-handle? Siguro hindi naman kasi ako…

“Natuto na ako. Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang paninidigan.

“Kapag ginawa ko yun, kapag nangyari yun sa akin, ibu-broadcast ko ‘yan,” saad niya.

Ibig sabihin, gusto niya talagang magkaanak?

“Oo naman!” bulalas niya.

“’Tsaka sino ba namang babae ang hindi gusto magkaanak, di ba? Gusto ko magkaanak.

“Balang-araw, ako ang dancing lola, why not? Di ba?

“So, okay lang ako sa ganung bagay.”

Kailan niya planong magka-baby?

“Magka-baby? Gusto ko magka-baby? Hindi ko alam.

“Bahala na… bukas? Wala naman siya [Dingdong] dito.

“Hindi ko alam… siguro darating din, siguro may mga signs din naman.

“May mga bagay-bagay na napag-uusapan kung paano, kailan… kusa na lang dumarating na hindi pinaplano.”

Handa na ba siyang lumagay sa tahimik kung sakali?

“Settle down? Hindi pa, kasi ang dami ko pang gagawin at marami pa akong gustong gawin, sa akin bilang ako, bilang tao, at bilang si Marian Rivera.”

KATRINA HALILI. Bukod sa kapatid ni Dingdong na si Trina, ang isa pang totoong nagdadalang-tao ay ang kasamahan nila sa My Beloved na si Katrina Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong mga nakalipas na araw ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Marian at Katrina. Pero hangga’t maaari ay ayaw na itong pag-usapan ni Marian.

Diin ng aktres, maayos sila ngayon at maayos din ang kanilang pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

“Wala. Maayos ang lahat. Okay kaming lahat.

“Since day one naman, sinasabi ko, okay ako.

“Kahapon, nagkaroon ng chance na… sa wakas, nagkaroon kami ng chance na magkaeksenang dalawa at hindi pa kami nag-usap… salisi lang.

“So, lumapit naman kami, naglapitan kami sa isa’t isa—as in naglapitan kami.

“’Hi,’ ganun naman kami. Walang problema.

“Masaya lang. Work lang tayo. Positive na lang muna," saad niya.

Pero ano kung saka-sakali ang ireregalo niya kay Katrina sa baby shower nito?

“Uhm, ano ba… kung ano kailangan niya, ibibigay ko, kung ano gusto niya.

“Pero siguro ano, mas bibigyan ko siya ng book kasi may book ngayon na pang-first time magkaroon ng baby.

“Kung pa’no i-handle ang anak. Ano’ng dapat gawin. Ano bang mga bawal. Para aware siya.”

NEGATIVE ISSUES. Sa presscon proper ng Tweets For My Sweet ay mistulang naging “sharing” ng co-stars ni Marian kung gaano kabuti sa kanila ang aktres, malayo sa madalas na nababalita tungkol dito.

Aminado sina Nova Villa at Roderick Paulate na bago nila nakilala si Marian ay mga mga naririnig na silang negatibong ugali raw nito—mataray, suplada, at kung anu-ano pa.

Pero nang nakatrabaho raw nila ang Kapuso actress ay wala silang nakitang ganoon at taliwas sa sinasabi ng iba.

Sa katunayan nga raw ay napaka-sweet at palatawa si Marian.

Kuwento pa nga ni Roderick, noong nasa ABS-CBN pa siya ay nagkita sila minsan ni Marian sa Araneta Coliseum.

Nagulat daw siya nang sa backstage ay lumapit sa kanya si Marian upang bumati sa kanya.

Na-appreciate daw ng veteran actor ang gesture na ito ni Marian na marunong rumespeto sa kanilang mga nauna sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sheena Halili naman ay nagsabi kung paano siya pinapayuhan ni Marian pagdating sa tamang pag-i-invest ng kinikita nila.

Kaugnay nito, natutuwa si Marian na sa kabila ng mga negatibong mga isyu sa kanya ay mas marami naman ang magpapatunay kung ano ang tunay niyang pagkatao.

Sabi nga ng aktres, “Love ko ang showbiz, mahal ko ang trabaho ko.

“Nang dahil sa trabaho ko, marami akong natutunan, naging buo ang pagkatao ko.

“At marami akong naging kaibigan, na masaya ang feeling na parang kanina, unexpected na may ganun pala kaming issue ni Kuya Dick, na lumapit pala ako sa kanya, na natuwa pala siya sa akin na hindi ko alam.

“Si Sheena, hindi ko alam, kami lang nagkukuwentuhan, parang in-advise-an ko lang siya na dapat gawin sa buhay niya.

“Hindi ko alam, para pala sa kanya, malaking bagay yun na nase-share niya sa iba.

“So, nakakatuwa na bilang ako, na wala naman ako ginagawang effort din, na nakikita pala nila yung totoong ako—na ‘to si Marian Rivera.

“Nakakatuwa na sila mismo nagsasabi kung sino ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN