Part 2. Sheena Halili says she has no right to demand from Rocco Nacino since they are not committed to each other yet

Sheena Halili on present status of her relationship with Rocco Nacino: “Pinag-usapan namin na ganito muna kasi mahirap din pumasok sa isang relationship na hindi ka pa ready, e. Marami siyang tagahanga… malaki ang expectation sa kanya ng GMA. Marami pa rin naman ako gustong gawin para sa sarili ko. Siguro maganda unti-untiin namin hanggang sa masabi naming ‘Oo, ready na ‘ko. Oo, ready na tayo,’ yung ganun."


Sa presscon ng Tweets For My Sweet kaninang tanghali, April 26, tila naguluhan si Sheena Halili nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakapunta na ba siya sa Ilocos.

Ang ibig kasi naming tukuyin ay kung nadalaw na niya ang nali-link sa kanya ngayon na si Rocco Nacino sa Ilocos Norte.

Kasalukuyang nagsu-shooting si Rocco doon para sa epic film na Lam-ang.

“Ilocos? Akala ko naman nakapag-show na ba ako ng Ilocos!” natatawang sabi ni Sheena nang makuha ang ibig naming sabihin.

Pero may balak nga ba siyang dalawin si Rocco sa Ilocos?

“Hindi ako sure… ang layo naman, effort-effort!

“Hindi, kailangan mag-concentrate… may trabaho siya do’n, may trabaho ako dito.

“Kaya yun yung kinaklaro namin. ‘Pag may time lang talaga.

“Ayaw naming may maapektuhan ang trabaho namin,” paliwanag ni Sheena.

Ganun pa din ba ang estado ng relasyon nila? Hindi pa opisyal na masasabing sila na?

Ayon kay Sheena, “Pinag-usapan namin na ganito muna kasi mahirap din pumasok sa isang relationship na hindi ka pa ready, e.

“Marami siyang tagahanga… malaki ang expectation sa kanya ng GMA.

“Marami pa rin naman ako gustong gawin para sa sarili ko.

“Siguro maganda unti-untiin namin hanggang sa masabi naming ‘Oo, ready na ‘ko. Oo, ready na tayo,’ yung ganun.

“Okay lang, ine-enjoy lang namin, ‘tsaka may mga bagay na hindi in-expect, e, siguro ‘wag muna natin pangunahan.

“Kasi minsan kapag nababati, di ba, nawawala yun?”

SECURITY IN A RELATIONSHIP. Sa kanilang set-up ngayon, secured o confident ba si Sheena na hindi maghahanap ng iba si Rocco lalo na’t hindi pa namang masasabing sila na?

Sagot ng dalaga, “Siguro hindi ko na dapat pang hingin sa kanya yun, dahil dapat manggaling sa sarili ko yun.

“Dapat yung security na yun, ibigay ko sa sarili ko. Na kahit wala siya or nandiyan siya, alam mo na kaya ko, alam ko na eto, buo ako, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka, kahit naman sa isang tao, kahit ibawal mo sa kanya, pero ‘pag gusto niyang gawin, e, wala tayo magagawa.

“Maganda siguro communication lang.

“Kung gusto niyang gawin yun, sige gawin mo ‘yan. Pero dapat alam mo pa rin yung nangyayari.

“’Tsaka sinasabi ko naman sa kanya, e."

Dagdag pa ni Sheena, “Alam ko bata pa siya, bata pa naman ako. So, hindi naman namin maiiwasan na marami pa kaming makilala.

“Hindi lang naman siya, e. Ako din naman, e.

“Kung ano man puwede kong i-worry, dapat siguro fair lang.

“Kung hindi ako dito, hindi rin siya dun.

“Darating yun ‘pag talagang committed na ako sa kanya.... hindi pa naman.

“Wala pa kaming karapatan para sabihin na mag-demand ako ng ganun, security.

“Siguro ‘pag committed siya sa akin, puwede.”

FAMILY GATHERINGS. Aminado si Sheena na isinasama nila ni Rocco ang isa’t isa kapag may okasyon sa kani-kanilang pamilya. Nito nga lamang ay um-attend sila ng kasal ng isang pinsan ni Rocco sa Batangas.

Sabi ni Sheena, “’Pag puwede naman ako… Siya rin naman, e, nagbibigay ng time sa family ko.

“Alam ko naman yung dapat at hindi dapat.

“Ikaw, kung invite mo ako sa family mo, pupunta ako kung puwede naman ako. Puwede naman, di ba?

“’Tsaka sa mga kaibigan ko, birthdays, kasal, binyag… present din naman ako, kung puwede.”

Ano ang pakikila ni Rocco sa kanya sa mga kamag-anak nito?

“Wala namang label, basta alam naman nila na, ‘Ayan si Sheena.’”

Siya, ano ang pakilala niya kay Rocco sa mga kamag-anak niya?

“Ganun din, pangalan, ‘tapos pangalan ng ipinapakilala ko sa kanya. Ayun, ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN