Piolo Pascual on surviving intrigues: "Pananampalataya lang talaga sa Itaas ang meron ako."

"Nagpapasalamat po ako because hindi ako pinababayaan ng Diyos. At lahat po ng nangyayari sa buhay ko, whether good or bad, ay itinataas ko lang po sa Kanya,” says Piolo Pascual when asked how he manages to stand tall despite neverending intrigues hurled against him.


Panay ang kulitan at tawanan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban kahit kaharap ang entertainment press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula sa ilalim ng Star Cinema, ang Every Breath U Take.

Ginanap ang presscon kagabi, Abril 26, sa Dolcelatte restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City.

Patunay lang daw ito ng nabuong magandang samahan at pagkakaibigan sa kanilang dalawa.

Kumportable na nga raw sila sa isa’t isa kaya litaw na litaw ang chemistry nila on and off screen.

Sabi ni Piolo, “I guess malaking tulong po na magkatrabaho kami ni Angel, magkakilala kami matagal na matagal na.

“This is our third project actually, but this is our first movie.

"This is really exciting because sobra kaming sabihan ni Direk [Mae Czarina Cruz] na sobra kaming kumportable sa isa’t isa, so it kind of help na to begin with yung friendship.

“I guess malaking factor po yung magkakilala kami even before we started.

“So, kung anuman yung ibinibigay sa amin ni Direk, kung anuman yung ibinigay sa aming script, it was easier for us to work around it because okay kami sa isa’t isa.”

WORKING WITH ANGELICA THEN AND NOW. Unang nagkatrabaho sina Piolo at Angelica noong 2004 sa ABS-CBN teleserye na Mangarap Ka.

Noong 2009 naman nagkaroon ng special cameo appearance si Angelica sa indie film na Manila, na pinagbidahan at co-produced ni Piolo.

Ang Every Breath U Take, na palabas na sa mga sinehan sa May 16, ang first full-length movie nila together.

Kasama nila sa cast sina Nova Villa, Carlos Agassi, Ryan Eigenmann, Smokey Manaloto, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Janus del Prado, Wendy Valdez, Regine Angeles, Cacai Bautista, at Frenchie Dy.

May special participation din sina Dominic Ochoa at Lito Legaspi at introducing naman si Ryan Bang.

Paglalarawan ni Piolo sa kanyang role, “Ako dito si Leo, very career-driven na nagwo-work sa isang real estate company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nanloloko ng mga tao [ng mga babae] pero when si Angelica [Majoy sa pelikula] came into my life, doon nabago lahat.”

Paano niya ide-describe ngayon si Angelica bilang katrabaho?

“Sobra akong bilib sa kanya, how she has evolved, how she has bloomed, how she has blossomed.

“Tinitingnan ko yung mga pictures namin... actually, sa lahat ng mga nakapareha ko, si Angelica yung pinakamaraming photos kami together.

“Iba talaga yung… kasi bata pa lang, pinapanood ko na ito, e.

"Sa Prinsesa at Pulubi pa lang, napapanood ko na sila ni Camille Prats, e!” natatawang kuwento ni Piolo.

Pagpapatuloy niya, “So, kung titingnan mo siya ngayon, every year talaga nakikita how she is changing.

“And it’s always for the good. It’s always for the better.

“Makikita mo talaga sa kanya na nagbabago siya at lalo pa siyang gumaganda, lalo pa siyang gumagaling.

“She’s becoming more comfortable sa craft niya, sa skill niya.

“She is in a class of her own. Hindi siya maarte.

"Hindi siya mahirap pakisamahan at hindi ka mai-intimidate sa kanya because puwede mo siyang ilagay kahit saan.

“Marunong siyang makibagay at marunong siyang mag-adjust. At napakabait niya, hindi siya maarte talaga.

“Kaya siguro yun ang isang malaking factor kaya nakagaan sa amin sa set ni Direk Mae.

“Siyempre ‘pag may leading lady ka, aalagaan mo. Kailangan talaga yung atensiyon mo, mag-a-adjust kayong lahat.

“Pero siya, she never gave us any hard time.

"You know, being with her sa shoot, masarap siyang kasama.”

Bagama’t aminado si Piolo na noon niya pa crush si Angelica, hindi raw ito nauwi sa ligawan.

“Kasi 17 years old lang po siya noon, e, doon sa Mangarap Ka. ‘Tapos ayun, nag-iba na po yung buhay niya.”

Alam naman ng lahat na si Derek Ramsay na ang boyfriend ngayon ni Angelica, samantalang si Piolo ay single ngayon pagkatapos nilang mag-break ni KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KILIKILI ISSUE. Napunta naman ang tanungan sa presscon sa isang eksena sa pelikula kung saan inamoy at hinalikan ni Angelica ang kilikili ni Piolo habang half-naked itong nakahiga at natutulog.

Napuno ng tawanan ang loob ng venue nang sabihin ni Angelica na masarap daw at nakakaadik ang kilikili ni Piolo.

Tila hindi naman mapakali si Piolo na panay lang ang ngiti.

May nagtanong tuloy kay Piolo kung first time niya bang mahalikan sa kilikili on- and off-screen?

“Off-screen, hindi; on-screen, yes.

"I remember before, off-screen, mero’n ganun na may fetish [mahilig sa pag-amoy at paghalik sa kilikili].

“Girlfriend ko before may fetish siya sa kilikili ko. Pero on-screen, si Angelica lang," sabi ng matinee idol.

STRONG FAITH. Isang press naman ang nagtanong na may himig ng nauuso ngayong pick-up lines. Tanong nito kay Piolo, “May lahing ibon ka ba?” Nang sumagot ang lahat ng “Bakit?” sinabi nitong “Kasi lagi kang tinitirador pero nakakalipad ka pa rin.”

Ang tinutukoy dito ay kahit na iniintriga si Piolo ay patuloy pa rin itong namamayagpag sa kanyang career.

Paano niya nagagawang hindi maapektuhan ng mga mga intriga?

“Sa totoo lang po, siguro pananampalataya lang talaga sa Itaas [Diyos] ang meron ako.

“Yun lang po, wala nang iba.

"Coming here sa presscon, kanina po naisip ko, sabi ko regardless of whatever happens sa buhay ng isang tao, you just really have to learn to be content.

“So, kung anumang meron ka, importante na kuntento ka sa buhay mo.

“Sa kung anuman po ang nangyayari sa akin, masaya po ako. Meron man ako o wala, at siyempre kung maraming blessings masaya pa rin po ako bilang tao.

“Kaya nagpapasalamat po ako because hindi ako pinababayaan ng Diyos.

“At lahat po ng nangyayari sa buhay ko, whether good or bad, ay itinataas ko lang po sa Kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE COMES AT THE RIGHT TIME. Maintriga naman ang tanong ng isang press tungkol sa lovelife ng aktor, lalo na’t fresh pa rin sa isip ng mga tao ang breakup nila ni KC Concepcion.

Tila mahilig daw magpakilig si Piolo pero parang ang hirap niyang paibigin.

Ano ba talaga ang hinahanap niya sa isang babae?

“Sobra naman, hindi naman!" tanggi ni Piolo.

"Dumarating naman yun sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon, sa tamang tao, at sa tamang circumstance.

“So, I guess may mga bagay na kailangan tayong gawin na naaayon sa pagkakataon na ibinibigay sa atin.

“Ang sa akin po, I guess I’m just going with the flow. Nagtatrabaho ako, kung ano ang pinapagawa sa akin, yun ang gagawin ko.

“Kung anuman yung sa personal na buhay ko, dumarating at dumarating po yun.

“At you deal with it as you go through it.

"So, sa akin po, in time siguro.”

Sa tingin niya ba hindi niya pa lang nahanap yung hinahanap niya talaga?

“Mahirap magsalita, e. Mahirap magsalita, especially sa ganitong pagkakataon, mahirap ma-misquote and ayokong mabigyan ng ibang meaning yung sasabihin ko.

“So, I’d rather keep it to myself.

"In time siguro malalaman naman natin, hindi naman tayo bumabata.

“I remember being asked the same question before so I guess oras na lang ang magbibigay ng sagot sa katanungan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN