Angelica Panganiban comfortable working on both comedy and drama projects

Comedy or drama? Angelica Panganiban says it’s okay for her to work both as a comedienne or a dramatic actress. She reasons out, “Gusto ko nga po ‘yong ganito, nalilito lang tayong lahat para po hindi magsawa sa akin ‘yong mga tao.”


Isa ang aktres na si Angelica Panganiban na walang takot ipakita ang kanyang tunay na pag-uugali sa publiko. Minsan ay nasasabihan siya na mataray, may ilan namang natutuwa sa pagkakuwela niya.

Para sa Kapamilya actress, mainam daw ito dahil wala siyang kailangang itago sa tunay niyang pagkatao.

“Masaya siyang gawin kasi nae-express mo ‘yong sarili mo,” sabi pa ni Angelica sa ginanap na press conference ng pelikulang Every Breath U Take, na ginanap kahapon, Abril 26, sa Dolcelatte sa Quezon Avenue, Quezon City.

Dagdag pa niya, “Masarap sa pakiramdam kasi ‘yong mga tao sa paligid mo, mas nilalabas pa ‘yon.

“Hindi sila ‘yong para kang pinagtatawanan in a bad way.

“Support naman sila sa pagiging baliw ko. Kaya nakaka-inspire lalong magtrabaho.

“Kaya lang, siyempre minsan mahirap kasi parang kailangan mong i-maintain ang energy mo kahit 4 a.m. na, kasi lahat nakasuporta sa happiness mo.”

Ang pagiging kalog ni Angelica ay nagamit niya sa pagganap bilang Majoy sa nasabingEvery Breath U Take, ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual.

Para sa 25-year-old actress, “‘Yong mga nagawa naman namin sa pelikula ay parang na-discover lang namin na, ‘Ay, kaya pala namin siyang gawin. Ay, may ganitong side pala ako.’”

COMEDY OR DRAMA. Bagamat mas nakikilala ngayon si Angelica bilang isang komedyante, hindi naman maikakaila na kaya rin ng dating child star umarte para sa proyektong pang-drama.

Ayon kay Angelica, mas gusto niya raw na hindi siya natatali sa iisang uri lamang ng pag-arte.

Pabiro pa niyang sinabi sa media, “Alam n’yo po, mas gusto ko nga po ‘yong ganito, nalilito lang tayong lahat para po hindi magsawa sa akin ‘yong mga tao.

“‘Yong hanggang pagtanda ko, litung-lito pa rin sila kung ano ang gusto ko. Gusto ko lang pong ma-maintain ‘yon.

“Gusto ko lang din po kasing mag-experiment ng mga bagay na puwede mong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like ‘yong pagpapatawa ko, hindi ko naman po alam, hindi ko naman po akalain na may mga tao palang naiintindihan ‘yong humor ko.

“Siyempre, thankful po ako and mas marami pa po akong gustong ma-experience.

“Ayaw ko naman po na matatapos doon. So, sana mas maraming dumating pa na puwede nating pag-aralan pa ‘yong mga roles na puwede tayong ma-challenge.”

Bukod sa pelikula, magbabalik-teleserye din si Angelica ngayong taon.

Sa pagkakataong ito, isang dramatic actress naman ang makikita ng mga manonood mula sa kanya.

Dahil dito, sabi ni Angelica, “Nakaka-pressure po kasi baka kapag umiyak na po ako, matawa na lang po sila.

“So, medyo dagdag effort po iyon para sa akin, na seryosohin po ako ng mga tao kapag seryoso.”

CRUSH ON PIOLO PASCUAL. Samantala, ang pelikulang Every Breath U Take ay masasabing renion project din para kina Angelica at Piolo.

Matatandaang nagkasama ang dalawang Star Magic talents noon sa teleseryeng Mangarap Ka.

Ano na kaya ang pagbabagong nakita ni Angelica kay Piolo sa muling pagtatambal nila?

“Siyempre, si Papa P [tanyag na palayaw ni Piolo], makikita mo na mas yumaman pa siya, bumongga siya,” sagot ni Angelica.

“Pero ‘yong lumaki ang ulo, yumabang, hindi mo makikita sa kanya.

“Ikaw pa nga ang mahihiyang umarte kasi parang wala siyang arte. Parang kapag pagod ka na, wala kang karapatang mapagod.

“Ang ganda ng working relationship kasi parang nai-inspire namin ang isa’t isa na maging maganda ‘yong trabaho.”

Sabi pa niya tungkol kay Piolo, “Sobrang galing umarte, e, nakakadala. Kaya iba kapag nandiyan siya.

“Kailangan mo siyang pantayan kung ano ‘yong kaya niyang ibigay.

“Hindi mo alam kung ano ‘yong ipapakita niya sa ’yo kaya ikaw, dapat ready ka lang.

“Masarap kasi, siyempre, may mga nadi-discover ka rin sa sarili mo na puwede mo ring gawin, and game naman siya lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong na ito, hindi rin naiwasan ni Angelica ang paghanga niya sa kaguwapuhan ni Piolo.

Aniya, “Kapag nakikita mo [siya], masaya ka na, kumpleto na ang araw mo.

“At saka ayaw kong umuwi talaga kapag nandiyan siya. Gusto ko tititigan ko lang siya hanggang ma-pack-up.”

Pero nang tanungin kung naging crush ba niya si Piolo noong magkatrabaho sila sa teleserye, tumingin si Angelica sa aktor at sinabi, “Sasabihin ko na, crush po niya ako. Si Jericho [Rosales] ‘yong crush ko dati.

“‘Tapos naging crush niya ako, naging crush ko na rin siya.

“‘Tapos naging crush namin ‘yong isa’t isa.”

Pabiro pang sinabi ni Angelica, “‘Tapos po, hindi pa siguro ‘yon ang time para maging kami noon. Baka po this time around.”

Kung sakaling single si Angelica, na kasalukuyang girlfriend ni Derek Ramsay, posible kayang maging sila ni Piolo?

“Siya po ang nangunguna sa listahan!” natatawang sagot ni Angelica.

Huling hirit pa niya, “Yes, naman, Papa P, may listahan pala ako ng mga target. Ikaw ang una!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN