Korean Ryan Bang opts to stay in PHL: “Mas masaya po ako dito.”

Korean Ryan Bang explains why he has chosen to stay in the Philippines: “Sinabi ko po dati pa, kahit hindi pa po ako artista, masaya po ako dito, dati pa... Kahit bago pa ako artista talagang mahal na mahal ko po yung dito.”


Masaya na raw dito sa Pilipinas ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Ryan Bang kaya hindi siya nanghihinayan na umayaw sa isang TV project na gagawin sana niya sa bansang kanyang pinanggalingan, ang South Korea.

Bagamat pagkakataon sana ito para muling makasama ang kanyang pamilya sa Korea, mas pinili na raw ni Ryan ang manatili sa bansa dahil na rin sa mga Kapamilya niya sa ABS-CBN—partikular na ang mga kasamahan niya sa daily variety show na It’s Showtime.

Ayon kay Ryan, na nag-aaral pa ring magsalita ng diretso sa Tagalog, “May offer po ako last week sa Korea, malaking reality comedy show.

“Pero gusto ko pa stay dito sa Philippines, e, mas masaya. Kahit nandiyan [sa Korea] yung pamilya ko, mas masaya po ako dito.

“Hindi ko pa tinanggap. Masaya pa ako dito.

“Pero yung nanay ko, gusto niya ako dun e, sa Korea, kasi namimiss niya ako.

“Wala pa ako isip e. Masaya ako sa Showtime, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ryan pagkatapos ng press conference ng Star Cinema para sa Every Breath U Take. Ito ay ginanap kahapon, Abril 26, sa Dolcelatte, sa Quezon Avenue, Quezon City.

SAVING UP FOR HIS FAMILY. Aminado si Ryan na kung tinanggap niya ang offer sa Korea, maaaring mas malaki ang kitain niya at matulad siya sa dating Star Circle Quest alumna na si Sandara Park, na ngayon ay miyembro na ng kilalang all-female KPop group na 2NE1.

Subalit sabi ng 20-year-old TV host actor, “In love na ako kay Showtime, e. Sobrang happy pa ako.

“Siguro alam ko pag pumunta ako sa Korea ngayon dahil sa offer, siguro baka mas malaki yung kita ko.

“Pero sa tingin ko mas masaya ako dito kasi sobrang happy ako ngayon.

“E, baka malungkot ako dun kahit malaki kita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip na pumunta sa Korea para makasama ang pamilya, mag-iipon na lamang daw si Ryan para madala sila dito sa Pilipinas.

“Siyempre hindi naman ako ayoko sa Korea, mahal ko din kasi galing ako dun, e.

“Mahal ko din sa Korea pero mas masaya po ako dito.

“Nag-iipon po ako ngayon para gusto ko nakatira kasama pamilya ko. Ipon pa ko.”

Patawang hirit pa ni Ryan, “Gusto ko papuntahin sila dito bago may giyera. Joke lang!”

FIRST MOVIE. Bukod sa kanyang regular stint sa It’s Showtime, ikinatutuwa rin ni Ryan ang pagkakasama niya sa bagong pelikula ng Star Cinema, ang Every Breath U Take.

Bagamat wala pang masyadong alam sa pag-arte si Ryan, hindi naman daw siya masyadong nag-alala sa una niyang pelikula.

“Hindi ibang naramdaman ko po kasi hindi ko alam.

“First time akong pelikula, e, kaya wala pa akong maisip, nervous lang, kinakabahan po lang ako.”

“Hindi naman po ako mahirapan. Pero hindi naman po madali kasi may scripts pa, may dapat imemorize, dapat malinaw salita kaya madali ako natutunan talaga.”

Nagpapasalamat si Ryan sa mga kasamahan niya sa pelikula at sa It’s Showtime dahil tinutulungan siya ng tamang pag-arte.

“Lahat Showtime family, Vice [Ganda], pati Angelica [Panganiban] o kaya Piolo [Pascual], ang dami. Talangang workshop ako araw araw.

“Ang dami akong natutunan sa kanila. Hindi pa po ako workshop pero ang dami akong natutunan sa kanila.”

EVERYTHING IS OKAY ON IT’S SHOWTIME. Napag-usapan na rin lang ang mga kasamahan sa trabaho, tinanong na rin ng entertainment press ang tungkol sa lumabas na balitang di pagkakamabutihan ngayon umano ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at direktor na si Bobet Vidanes.

Ayon kay Ryan, wala naman daw problema sa kanilang dalawa.

Patunay pa niya, “Wala, wala. Hindi yata totoo yon. Sobrang masaya sila. Kahapon kaka-video set up... masayang-masaya sila e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po totoo yun talaga. Yakap pa sila, e. Parang sobrang kulitan sila. Nag-uusap sila, siyempre.

“Hindi po totoo yan.

“Nanay [Vice] ko tapos si direk [Bobet]? Hindi po totoo yan sobrang masaya kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN