Sarah Lahbati says Derrick Monasterio and Alden Richards are both boyfriend material: "Pareho silang ano… different in a very good way."

Sarah Lahbati is preparing for her new teleserye on GMA-7, Makapiling Kang Muli. Also in the cast are Richard Gutierrez, Carla Abellana and Jennylyn Mercado.


Naghahanda na raw si Sarah Lahbati para sa taping ng bagong primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli kung saan bida si Richard Gutierrez.

Ito ang unang nabanggit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makakuwentuhan siya recently sa bakuran ng Kapuso Network.

“Hindi pa po ako nag-start mag-taping,” sabi ng young actress.

“Pero sina Carla [Abellana], sina Ate Jen [Jennylyn Mercado], nakapagsimula na sila. I think nakarami na sila ng mga eksenang nakunan.

“But I heard, itong susunod na week ang taping ko. And excited na po ako.

“Ang role ko, bale laki akong Maynila. Pero magkakagusto ako kay Mark Anthony Fernandez.

“Hanggang sa mapadpad ako sa rancho. Makikilala ko si Richard. At maraming mga twist na magaganap.

“First week pa nga lang ng script, ang dami ng mga nangyayari. Na kapag binasa mo, parang… nakakaloka naman ‘to, sobrang intense na!” sabay tawa ni Sarah.

Tantiya raw ng young actress magiging komportable siyang katrabaho ang lahat ng artistang nasa cast ng nasabing serye particular na ang bida rito na si Richard.

“Sobrang okey. Sobrang steady. Relaxed.

“Lahat sila okey katrabaho. And, ‘yon nga… excited na akong mag-start mag-taping.

“Uhm… siyempre, hindi pa nga ako nakakapag-taping so medyo may ano pa rin sa isip ko kung ano ba ang dapat kong i-expect sa first taping day ko. Pero siyempre ang nangingibabaw na feeling is… excitement.”

ON DERRICK. Napabungisngis si Sarah nang ang sunod na maging tanong sa kanya ay kung kumusta na sila ni Derrick Monasterio. Dati kasi ay maingay na napag-uusapan ang tungkol sa panliligaw nito sa kanya.

Pero lately, parang nawala ang namumuong romansa sa pagitan nila. May narinig pa kami na sinabi diumano ni Derrick na nagagalit daw si Sarah kapag sinasagot ng young actor ang mga tanong tungkol sa kanya.

Totoo nga bang hindi niya gustong nagiging topic siya ng mga panayam kay Derrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Teka lang… ha!” ang bahagyang na-tense na reaksiyon ng dalaga, sabay tawa.

“Ha? Hindi, ah!

“Bakit naman?

“Hindi naman ako ano… walang gano’n.

“Uhm… okey pa rin kami. Nagkikita sa rehearsals at live airing ng Party Pilipinas. Pero… as friends.”

Tumigil na ba sa panliligaw sa kanya si Derrick? O baka naman binasted niya?

“A… let’s say we’re both busy right now. And siyempre okey po kami na ganito.”

May balita rin na nagselos daw siya nang nakipag-date si Derrick sa Indonesian young actress na gumanap bilang kapatid ni Gwen Zamora sa The Witness, nang huling narito ito sa Pilipinas kaugnay ng pagpapalabas ng nabanggit na pelikula. At kasunod nito ay parang naging malamig na raw ang trato sa kaniya sa young actor?

“Basta… as long as he is happy, di ba?

“E di… I’m happy na rin for him.

“Basta we’re both very busy and, uhm… focused on our careers.”

ON ALDEN. May iba na bang nanliligaw sa kanya ngayon? Kasi ang tsismis ay si Alden Richards naman daw ang pumuporma sa kanya.

Parang nabuking nga ang young actor nang sumalang ito last time sa "Don’t Lie To Me" segment ni John Lapus sa Showbiz Central.

“Hindi ko talaga alam kung ano’ng sasabihin ko diyan,” nangiting reaksiyon ni Sarah.

“E kasi kaibigan ko talaga si Alden. Dati pa. Matagal ko na siyang close.

“Tapos, ‘yon nga… napanood ko ‘yong interview sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko no’n!” tawa ulit niya.

“Kasi… ewan ko. ‘Yon lang. ‘Yon lang ang masasabi ko.”

Wala siyang napapansing senyales ng panliligaw ni Alden? Hindi ba siya extra nice, extra thoughtful, or extra sweet sa kanya?

“Ewan ko. Hindi talaga ako magaling sa ganyan.

“Ano ba ‘yong word para sa babae na ang ibig sabihin e… torpe kumbaga sa mga lalake? Kasi gano’n ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ‘yong mga kaibigan ko, sinasabi… ano ba, Sarah? Kung hindi ko raw ba napapansin na ano…

“E, basta. sobrang hindi ko alam kapag ganyan na,” kung may nanliligaw na sa kanya.

“Honestly, natatawa ako. Kasi no’ng pinapanood ko [si Alden sa ’Don’t Lie To Me’ segment ng Showbiz Central], nagba-buckle siya! Ha-ha-ha!

“Sabi ko… bakit nagba-buckle siya?

“Natatawa lang ako. Kasi, kawawa naman siya. Parang na-pressure siya! Ha-ha-ha!

“At saka halatang kinabahan siya.

‘Kahit ako naman, di ba? Nung sumalang din ako noon sa ’Don’t Lie To Me’… Diyos ko!

“Nakakakaba talaga. Weird ‘yong feeling.”

BOYFRIEND MATERIAL? Pero for her, boyfriend material ba si Alden?

“Ay, oo!

“Honestly, oo.”

Mas pa kesa kay Derrick?

“Walang mas-mas!” tawa na naman ni Sarah. “Pareho silang ano… different in a very good way. Magkaiba sila ng ugali in a good way.”

Ano ang mga good points ng bawat isa?

“Teka lang… kayo talaga!” napahalakhak na sabi ng young aktres.

Kay Derrick, ano ang good points na nakikita niya?

“Kay Derrick, ganito… kunwari nag-i-emote at malungkot ka today at dumaan siya. Asahan mong tatawa ka nang tatawa.

“Aside from that, siyempre, lahat ng tao akala nila puro tawa lang si Derrick. Pero he’s also a very nice guy. And ‘yon… marespeto din. Iyon ang tatlong bagay na gusto ko sa kanya.”

At kay Alden naman?

“Ang gusto ko kay Alden, ‘yong pagiging gentleman niya. Tapos ‘yong passion niya para sa work niya.

“Kasi bihira akong makakita ng tao na kahit pagod na, naka-smile pa rin. Makikita mo na tsini-cheer niya ‘yong sarili niya para hindi maapektuhan ‘yong trabaho niya.

“’Yon nga… makikita mo talaga na he loves his job so much.

“And ‘yong pagiging genuine niya. ‘Yong pagiging totoo na kung ano ang nakikita n’yo sa kanya, iyon na ‘yon. Walang anumang pakitang-tao or whatever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ‘yong mas gusto niya, ‘yong guy na mapagpatawa na gaya ni Derrick o ‘yong gentleman na gaya ni Alden?

“Both!” tawa ulit ni Sarah.

“Kasi… di ba? Kahit sino naman yata, gugustuhin na dapat nando’n ‘yong qualities na ‘yon,” pahabol na nasabi pa ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN