KC Concepcion says she’s ready to try sexy scenes; defends Charice as one of the X-Factor judges

KC Concepcion seems to have moved on after her controversial breakup with actor Piolo Pascual. KC is back in the limelight with projects keeping her busy. She is also busy bonding with half-sisters Garie and Cloei and her other siblings.


Sisimulan nang gawin ni KC Concepcion ang pelikulang Nothing Compares To U para sa Viva Films. Makakasama niya rito sina Anne Curtis at Derek Ramsay.

Aminado si KC na may pressure at kaba siyang nararamdaman sa pagsasama nilang tatlo, lalo’t may napatunayan na sina Anne at Derek sa takilya.

Ang pinagsamahan nilang No Other Woman, with Cristine Reyes, ang isa biggest box-office hits last year. Dahil dito, kinoronahang Box-Office King si Derek, at Box-Office Queens naman sina Anne at Cristine.

Sabi ni KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko naman isi-secret na mayroon talagang pressure.

“Siyempre mga Box-Office King and Queen ang mga yun and I watched No Other Woman.

"And talagang more than anything, gusto ko lang i-focus ang energy ko sa gagawin ko.

“Kasi more than anything, ‘pag naunahan ka ng kaba kaysa performance, siyempre na-experience ko na rin na nauna yung pressure and in the end, ayoko, parang waley [slang for wala]!

“Ang ganda rin na may challenge and may pressure kasi kahit papaano, on your toes ka palagi and hindi ka puwedeng mapag-iwanan."

Sexy and daring ang No Other Woman kaya’t tinanong ng PEP si KC kung handa na ba siyang magpa-sexy at magpaka-daring.

“’Wag na nating planuhin. ‘Pag sinabi ni Direk [Nuel Naval], sige i-try ko lang.

“’Pag naitawid, okay, naitawid siya," sabi ni KC.

SINGERS-JUDGES. Kumpirmado na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Charice na magiging judges sa show ni KC sa ABS-CBN, ang X-Factor.

Kuwento ni KC, “So far, siyempre natapos na yung audition namin nationwide.

"Umikot talaga kami from Cebu, to Bacolod, Dagupan... ang dami naming pinuntahan.

“We’re very excited to see them na haharap na talaga sa mga judge kasi napili na rin yung judges.

“We got Sir Martin Nievera, Sir Gary Valenciano, we got Charice Pempengco, who is an international Filipino singing sensation, who represented so many big names all over America and around the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s going to be very exciting.

“May mga nagsasabi din, ‘Bakit performers, bakit sila ang judge?’

“It’s important din kasi iba ang mundo sa entablado, iba rin ang mundo ng isang artista o ng isang performer na hindi nae-experience talaga directly ng isang hindi performer.

“That’s one thing we’re looking forward to hearing kung ano yung advice na puwedeng ibigay ng mga judge.”

Sa hanay ng mga judges ng X-Factor, may ilang nagtatanong kung bakit si Charice ang isa sa napiling hurado gayong hindi pa raw ito hinog at kulang pa sa karanasan bilang isang performer.

“Well, for me naman, Charice had experienced things na hindi nae-experience ng marami ng mga artista here in the Philipppines showbiz.

“Siyempre, iba ring level ng competition na hinaharap niya every day ng kind ng career niya.

“Hindi rin basta-basta ang mga nakaka-perform niya dun at mga nagre-represent sa kanya doon.

“Sa tingin ko, mayroon din naman siyang puwedeng ibahagi sa atin na baka hindi pa natin alam na napagdaanan niya, natutuhan niya.

“It’s easy kasi to judge someone na wala tayo sa puwesto niya.

“But the international scene also had just like Philippine showbiz, pero baka may iba ring mga kaganapan dun na hindi natin alam na napagdaanan at nakatulong sa kanya.”

BIRTHDAY CELEBRATION. KC celebrated her birthday last April 7 at ikinuwento niya how she spent her special day in Los Angeles and Hawaii.

“Masaya siyempre, first time kong mag-out of the country for my birthday na independent girl na.

“Kasi usually, we’ll go abroad with my family pero yung ngayon, ano na…

“It’s like with friends, mga cousins ko, yung mga friends ko na nakatira sa Toronto or sa L.A. or sa New York, nagsiliparan din.”

Kuwento pa niya, “Nag-surfing ako. Yun talaga, matagal ko nang gustong gawin—mag-surfing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko talagang makita yung ibang beach kasi mahilig talaga ako sa mga beaches.

“Gusto kong i-compare, actually sa utak ko, gusto ko lang i-prove na mas maganda ang mga beaches na mayroon tayo.

“I wanted to experience kung paano i-enjoy yung beach ng ibang lahi, gusto kong makita yung beach ng ibang bansa.

"Typical kasi na ‘pag sinabi mo kasing Hawaii, beach ang maiisip mo and I wanted to see kung saan nag-shooting yung Pirates of the Carribean, yung Pearl Harbor.

“Nakita namin, nag-helicopter tour kami and then mayroon din akong friend na kilala dun.

“Nag-Disneyland din kami sa L.A. kasi gusto kong mapanood yung fireworks show nila dun, yun lang pinunta ko.”

BIRTHDAY WISH. Tinanong namin si KC kung mayroon ba siyang birthday wish despite everything she has right now.

“When you say birthday wish, I never know how to answer that… sana yung sa work, sa health ko.

“Sana ma-reach ko na talaga yung goal weight ko na yung bio-bikini na body ko.

“Siyempre as the years go by, yung curve mo mas nagiging curvy, gusto ko yung bio-body ko, from three to four years ago na ginawang billboard, ma-achieve ko uli nang…

“Na hindi pinapatay ko ang sarili ko na ginugutom ko ang sarili ko para ma-achieve ko yun.”

REUNION WITH SIBLINGS. Nasa bansa ngayon ang dalawang half-sisters ni KC na sina Garrie at Cloei.

Para kay KC, kumpleto na ang kanyang kaligayahan na makita ang dalawang nakababatang mga kapatid sa ama.

“Nakakatuwa kasi si Miguel lang naman yung baby boy, pero yung girls, lalo na si Cloei... si Cloei kasi, ano rin yun, kikay na kalog na makulit.

“’Pag magkasama kami, ang gulo lang namin, the same yung humor namin, tawa lang kami nang tawa.

“And with Garrie who is also nearing my age, dun ko talaga na-feel yung sisterhood kasi sila Frankie, more of mga babies pa ang tingin ko sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s really nice, it’s a blessing na kumpleto na ang life ko.

“Parang hindi ko na iniisip na, unless na mayroon akong hindi alam na sana wala naman.

“Hindi ako nag-iisip na nandun siya sa malayo—ano kaya siya? sino kaya siya?

“Wala nang ganun, na-resolve na ang lahat kasi nga kilala ko na siya, kilala ko na si Garrie.

“Sila Frankie, si Miel, si Miguel, si Baby Sam, ’tapos may isa pang darating.

“One big happy family na naradaman ko rin na hindi ka nag-iisa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN