Roderick Paulate concurs that Dolphy should get the National Artist recognition first

Roderick Paulate concentrates lately as an elected councilor in Quezon City. His advocacies for the movie industry remain strong, especially for children being a former child star himself. He says: “If we want to support the rights of the children, dapat magsama-sama tayo, dapat magtulungan."


Bilang isa sa beteraong artista sa local film and television industry, hiningan ng opinyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roderick Paulate kaugnay ng pinagtatalunan kung sino kina Dolphy, Nora Aunor, at Governor Vilma Santos ang dapat na mabigyan ng karangalan bilang National Artist.

Nang makausap ng PEP si Roderick sa First Child Summit ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) noong April 25, sa Mabini Hall ng Malacañang, naging honest naman ang actor-politician.

Aniya, “Alam mo… ito walang kaplastikan, yung tatlo [Dolphy, Vilma, and Nora] kasi, talaga namang mga deserving…

“Kaya mahihirapan ako na sabihin ko—dapat ito, dapat siya—kasi yung tatlo, talaga namang candidate for National Artist ay wala kang itulak-kabigin.

“In due respect with the other actors, iba ang naabot ng isang Nora Aunor at Vilma Santos, walang ibang sumunod sa kanila.

“Maraming mga sikat pa, pero yung kontribusyon nila sa pelikula at sa industriya, e, kakaiba talaga.

“Parang ganyan din ang sasabihin ko ‘pag pag-uusapan natin sila Gloria Romero at Susan Roces.

“Kaya lang, kung tatanungin mo ako, siguro dapat unahin yung seniority.

"Mas gusto ko si Dad... si Dolphy ang dapat na mauna nilang ideklara as National Artist.

“To tell you honestly, isa ’yan sa resolusyon na sinuportahan ko sa Quezon City at talagang ini-urge ko na maging National Artist talaga si Dad.

“Ako, I don’t think si Vilma magre-react kung si Dad ang maging National Artist.

“Dun sa mga fans na nag-aaway-away, lagi namang ganun kasi ang nananaig sa kanila —na gusto nila yung idol nila and it’s very normal.

“Ako, opinyon ko lang ito. May opinion sila, irerespeto ko yun.

“Bahala na kung sino ang susunod.”

MARICEL’S LEGAL CASE. Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Maricel Soriano si Roderick.

Natutuwa ang aktor nang naayos na ang kaso ni Maricel sa kanyang mga dating katulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga raw... I’m very, very happy kasi alam ninyo naman artista tayo, we’re very emotional.

“Hindi naman natin gusto yung ganyang mga nangyayari, lalo na ’pag napa-fabricate.

“Yun lang naman ang nakakatakot sa buhay namin, e, yung maliit na bagay, napapalaki.

“Why? Because kasi kami talaga yung laman ng news, nagagamit, nama-magnify.

“’Yan ang advantage at disadvantage naming mga artista, e.

“I’m very happy for Maricel, magtrabaho na siya, mag-shooting na siya.

“Miss ko na siya, gawa na tayo ng pelikula kasi ang daming nakaka-miss sa kanya."

Wala na ba silang komunikasyon sa isa’t isa?

“Hindi pa kami nagkakausap, pero yung mga kapatid niya, nakakausap ko.

“She’s fine, the fact na nakakapunta siya sa mga social gatherings, it only means she’s okay, hindi nga lang kami nagkikita."

POLITICAL PLANS. Bilang isang artista na pumasok sa mundo ng pulitika, aminado ang actor-politician na nag-a-adjust pa rin siya bilang isang public servant.

Aniya, “Okay lang, medyo stressful. Medyo binabalanse ko naman kaya gumagawa din ako ng mga show-shows.

“Honestly, yung pagtulong sa tao, nae-enjoy ko, nag-a-adjust lang ako sa pulitika."

May plano ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon?

“Sa totoo lang, gusto ko sanang tumakbo ng konsehal pa…

“Kaya lang, hindi talaga maaalis yung mga haka-haka, pero may mga nag-eengganyo rin na tumakbo na tayo sa mas mataas na posisyon.

“Nandito pa ako sa pagiging konsehal, maglilingkod pa tayo kasi hindi basta-basta ’yan.

“Mahirap magsalita ng tapos, pero anything can happen in politics…

“Walang makakapagsabi sa mga susunod na mangyayari, pero kung ako ang tatanungin mo, as of today, ang nasa isip ko, maging konsehal.

“Pero hindi ko naman idine-deny na may mga nag-a-advice sa akin na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

"May mayor, may congressman, may senador.

“Nakita mo naman si Ms. Grace Llamanzares [MTRCB chairperson], ano ang tawag niya sa akin?—Senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May iba namang gusto congressman.

“Ako naman, ngiti lang ako nang ngiti. Bottomline, kung saan ako kailangan ng tao, dun ako.”

CHILDREN’S RIGHTS ADVOCACY. Sa nakaraang First Child Summit ng MTRCB, bilang isang panelist, suportado ni Roderick ang adhikain ng MTRCB para sa mga bata, lalo’t nagsimula siya bilang isang child star.

“Kaya nga ngayon, sabi ko sa kanila, ‘Nakakainggit, nakakatuwa, kasi noon walang mga cut-off.’

“Inamin ko na ang mga bata noon, 5 a.m., gigising na, magsu-shooting.

“’Pag walang shooting, magpapahinga, matutulog... wala sa oras.

“’Tapos tuloy na naman 5 a.m. in the morning yung susunod na shooting.

“That’s why nanawagan ako sa mga magulang.

“Ang mga magulang ko kasi, maganda yung ginawa nila…

"Sa bahay, anak ka. Papasok ka sa eskuwela, may shooting ka, pero nandun sila to guide me, tulungan lang talaga.

“Ang last na gusto kong ipunto dito, dapat tayo lahat vigilant.

“If we want to support the rights of the children, dapat magsama-sama tayo, dapat magtulungan.

“Nakakatuwang tingnan kasi yung representative of DSWD, DOLE, yung mga network representatives na nagpunta dun and sumuporta.

“Most especially nakita naman ninyo siguro kanina dun, ini-stress ko yung point na parents play a very important role.

“Sa lahat, ang magulang talaga ang may pinakamalaking responsibilidad sa anak nila.

“Ang pinaka magpoprotekta sa kanilang mga anak ay ang mga magulang.

“Nanawagan ako sa kanila because their role is the most important to the rest," saad ni Roderick.