Ciara Sotto says cousin Sharon Cuneta should take the initiative to settle rift with her mom Helen Gamboa

Ciara Sotto on her role as peacemaker between mom Helen Gamboa and cousin Sharon Cuneta: “Sana nga maging peacemaker ako, pero siyempre in God’s time, maaayos din yun. Sana talaga maayos na, kasi nasasaktan ako para sa kanilang dalawa, lalung-lalo na para sa Mommy ko, pero wala tayong magagawa, e.”


Naging emosyunal si Sharon Cuneta sa nakaraang presscon ng show niyang Sharon, May Kapatid Ka ng TV5 nang magbuhos siya ng saloobin tungkol sa malalim na tampuhan nila ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa.

Hiniling din dito ng Megastar na sana ay matuldukan na ang samaan ng loob nilang mag-tiyahin, lalo’t tinuturing niya itong pangalawang ina na niya.

Ayon pa kay Sharon, sa pinsan niyang si Ciara Sotto pinapadaan ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa tiyahin.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) at Cinema News kay Ciara kagabi, April 29, sa 43rd Box-Office Entertainment Awards Night ng Gulillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa RCBC Bldg., tinanong namin kay Ciara kung handa siyang maging mediator para maayos na ang problemang ito sa pagitan ng kanyang ina na si Helen Gamboa at sa pinsan niyang si Sharon Cuneta.

Ayon kay Ciara, “Sana nga maging peacemaker ako pero siyempre in God’s time, maaayos din yun.

“Sana talaga maayos na, kasi nasasaktan ako para sa kanilang dalawa, lalung-lalo na para sa mommy ko. Pero wala tayong magagawa, e.

“Nangyari na, pero I’m sure talaga and I’m trying my best na magkaayos na sila.”

SHARON’S INITIATIVE. Para kay Ciara, dapat magmula ang pakikipag-ayos sa Megastar, lalo’t ito ang mas bata at dapat magpakumbaba.

“Sa kanilang dalawa, kailangan lang talaga nilang mag-usap.

“Siguro kailangan niya [Sharon] talagang puntahan si Mama, siyempre matanda yun sa kanya, tita niya yun.

“Ganun lang talaga, pero naiintindihan ko naman si Ate.

“Sa tingin ko, na kay Ate na siya [intiative to settle] kasi gaya ng sinabi ko, siya ang mas bata.

“Ako, nasasabi ko kay Ate yun.

“Pero sinasabi nga niya sa akin na kailangan lang nila ng right timing. In God’s time.

“Talaga namang umiiyak siya, si Mama umiiyak din, pero ayoko na lang talagang mag-comment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEDIATOR. Tiniyak din ni Ciara na kung anuman ang mga mensaheng ipinapadala ni Sharon ay nakakarating naman sa kanyang ina.

“Yes, of course, oo naman.

“Sinasabi ko kay Mama yung gusto niyang iparating, lahat ng sinasabi niya na gustong malaman ni Mama.

“Minsan emotional, alam ko na umiiyak si Ate at umiiyak din naman si Mama, pero ayoko munang masyadong mag-comment.

“Basta, sana maayos na ito talaga.

“Hindi siya [Helen] galit, medyo masama lang ang loob niya, hurt lang talaga siya.

“Parang anak niya yun, e. Kumbaga, sa kanya, nahe-hurt siya na hindi siya binabati sa birthday niya, yung mga ganun.”

Kinumusta namin kay Ciara si Helen at kung paano nito hina-handle ng kanilang pamilya.

“My mom is okay, she’ still very well, busy siya sa taping ng Walang Hanggan.

“Pero siyempre, ‘pag na-bring up pagdating kay Ate, naiiyak siya kasi siya… siyempre masakit sa kanya kasi parang anak niya yun, e.

“I think she’s okay naman, nandito naman kaming lahat, although alam naman naming lahat na hurt siya."

Kinumusta rin namin kay Ciara ang amang si Senator Tito Sotto na naging malapit din naman sa Megastar.

Ayon kay Ciara, “Daddy ko, hindi masyadong nakikialam sa ganyan, pero alam ko na naiintindihan din niya yung mga nangyayari.”

FAMILY REUNION. Dalawang taon nang hindi nakikita ng mga Sotto si Sharon.

Ngayong taon daw kayang ito ay makakasama na nila muli ang Megastar?

“Sana, kasi nami-miss na namin siya.

“Ilang Christmases na rin na wala siya, hindi siya sumasama sa mga reunions.

"Sana nga… maayos na talaga," asam ni Ciara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN