Aryana lead star Ella Cruz recalls hardships of being an “extra”

Ella Cruz remembers one heartbreaking memory of being an "extra" or a bit player: "Kapag yung mga audition po, ’tapos hindi kayo natanggap. Siyempre, di ba, mahirap yun? Kasi parang rejection yun. Pero ang sinasabi lang sa akin ni Mama, ‘Hindi pa ito ang role na para sa iyo. Hindi mo pa panahon. Darating din yung panahon na iyan. Kaya maghintay ka lang.’"


Emosyunal si Ella Cruz sa pagpapakilala sa kanya nung Abril 26 sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, bilang lead star ng bagong Primetime Bida show na Aryana.

“Ito na siguro yung pagkakataon ko, ito na yung start ng dream ko, dito na matutupad ang mga pangarap ko.

“Ito na po siguro yung time ko na mag-shine po. At maging bida ng isang fantaserye po,” naluluhang sabi ng 15-year-old na maituturing na ring betarana sa showbiz.

HER START AS AN “EXTRA.” Unang nasilayan ni Ella ang maningning na ilaw ng showbiz sa murang edad na sampu nang mapasali siya’t makaabot sa semi-finals ng "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga!.

Nang mangailangan ang TAPE (Television And Productions Exponents, Inc., producer ng Eat… Bulaga!) ng mga batang gaganap bilang mga ulila sa isang ampunan sa isa nitong show, kumuha ng mga batang nanggaling sa "Little Miss Philippines" at kabilang nga roon si Ella.

“So, doon po. Nag-start po akong mag-extra, talent, mga ganun po.

“Nag-ano po ako, Magpakailanman, kaibigan ng mga bida or dadaan-daan lang po sa likod. Hanggang sa pinag-audition po nila ako sa Majika [2006] po.

“Then, doon po, nakuha po ako as young Angel Locsin,” kuwento ni Ella.

Nasundan ang show na iyon ng paglabas niya sa GMA-7 show na Now and Forever (2006), at pagganap bilang batang version nina Nadine Samonte sa Super Twins at Marian Rivera sa MariMar (2007).

“Then lumipat po ako dito sa ABS. Dito po nag-Goin’ Bulilit po ako, nag-MMK [Maalaala Mo Kaya?] din po ako, ’tsaka naging kapatid din po ako ni Ate Angel sa Only You [2009].”

Lumabas din si Ella sa TV shows ng TV5 (Inday Wanda, 2008) at QTV (Tropang Potchi, 2009), at bumalik sa GMA-7 bilang kontrabida ni Barbie Forteza sa Ikaw Lang Ang Mamahalin nung 2011, bago muling gumawa ng TV show sa ABS-CBN bilang batang Cristine Reyes sa Dahil Sa Pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING THE LEAD ROLE FOR ARYANA. Hindi rin madaling nakuha ni Ella ang lead role sa Aryana.

Sa katunayan, nag-audition pa siya para sa role na ito.

“Pinatawag po kasi kami—mga five, four po [kami]—pinapanhik po kami sa office ni Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN President].

“Then nung time po na yun, wala po akong kaaydi-idea, kung para bakit, kung para saan po ang show na ito.

"’Tapos bigla na lang po nila sinabi, ‘O, sige. Siya sa ‘dagat.’ Pero i-young Cristine muna natin siya sa Dahil Sa Pag-ibig.”

Nang ipalabas na ang Cristine-Piolo Pascual, Maricar Reyes-Jericho Rosales drama series, marami raw nakuhang positive reviews ang mga pumli sa kanya para sa show na iyon.

Doon na nagdesisyon ang mga big bosses na, “’O, sige. Mag-start nang mag-training si Ella. Mag-costume fitting.’

“Doon ko po nalaman na ako po yung pinili nila for Aryana,” kuwento pa ng dating alaga ni Becky Aguila na ngayo’y nasa pangangalaga na ng Star Magic.

KIND WORDS FROM EX-MANAGER. Nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa hiwalay na panayam ang dating manager ni Ella na si Becky, na pawang mabubuting salita lang ang binitawan para sa dating alaga.

“I was her first manager. Nasa GMA pa kami that time.

"Kasama ko siya sa transfer namin ni Angel along with Valerie [sa ABS-CBN].

“I’m happy for Ella. She deserves the break.

"She waited patiently and never gave up on her dream. She’s a nice and sweet girl.

"I really hope she makes it. Mahusay ang bata,” papuri pa ng talent manager tungkol kay Ella.

HARD START AS AN EXTRA. Matagal na pagtitiyaga at pagtitiis nga raw ang pinagdaanan ni Ella.

Kuwento ng “tween” star, natatandaan pa raw niya ang mga panahong matagal ang oras na hinihintay nila sa set ng isang TV show, pero ilang segundo lang ang exposure niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal ka naghihintay, pero yung gagawin mo lang, dadaan ka lang sa likod,” pag-alala ni Ella sa isa sa mga natatandaan niyang hirap ng pagiging isang “extra” o bit player.

“Pero para sa akin naman po, sobrang bata ko pa nun, hindi ko pa masyadong naiisip.

“Kasi para sa akin, po, parang laro lang po ito. Hindi naman po talaga trabaho. Ganun po,” sabi pa ni Ella.

Pero pinakamatinding hirap daw na naranasan niya nung nagsisimula pa lang siya’t nasa “extra” o bit player level pa lang siya noon ay nung nare-reject siya sa mga pinag-audition-an niyang shows.

“Kapag yung mga audition po, ’tapos hindi kayo natanggap.

“Siyempre, di ba, mahirap yun? Kasi parang rejection yun.

“Pero ang sinasabi lang sa akin ni Mama, ‘Hindi pa ito ang role na para sa iyo. Hindi mo pa panahon. Darating din yung panahon na iyan. Kaya maghintay ka lang.’

“Kaya ito na po siguro yung panahon na sinasabi sa akin ni Mama,” umiiyak na sabi ni Ella na naabot na nga ang panahon niya bilang bida ngayon sa Aryana na ipapalabas na sa Mayo 7.

CLICK HERE to watch related video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN