Dingdong Dantes explains how girlfriend Marian Rivera’s pregnancy rumors started

Dingdong Dantes on his visit to Malaysia to promote Endless Love: “Sobrang layo sa ini-expect ko, e! Sobrang nakakatuwa, grabe yung init ng pagtanggap sa entourage natin dito. Talagang na-appreciate nila at gustung-gusto nila yung mga shows ng GMA—particularly yung Marimar, Stairway To Heaven, at yung currently na umeere na Endless Love. In fact, pagdating na pagdating ko sa hotel, iyon [Endless


Nakausap live via phone patch ng Showbiz Central host na si Pia Guanio ang aktor na si Dingdong Dantes noong Linggo, April 29.

Nasa Malaysia noon ang Kapuso actor para sa promotion ng Endless Love. Kasalukuyan kasing ipinapalabas doon ang naturang GMA-7 drama series noon nina Dingdong at Marian Rivera.

Sabi ni Dingdong. “Pauwi na ako [sa Pilipinas], nandito ako ngayon sa airport, alas-singko yung flight, so ayun. I can’t wait to go home.”

Kinumusta ni Pia kay Dingdong ang naging reception sa kanya sa Malaysia.

“Sobrang layo sa ini-expect ko, e!” bulalas niya.

“Sobrang nakakatuwa, grabe yung init ng pagtanggap sa entourage natin dito.

“Talagang na-appreciate nila at gustung-gusto nila yung mga shows ng GMA—particularly yung Marimar, Stairway To Heaven, at yung currently na umeere na Endless Love.

“In fact, pagdating na pagdating ko sa hotel, iyon [Endless Love] yung palabas sa TV, naabutan ko pa yung isang episode.”

Hindi raw dubbed in Bahasa (Malaysian dialect) ang show.

Banggit ni Dingdong, “It’s not, it’s subtitled.

“So, kumbaga, kung ano yung eksaktong materyal na lumalabas sa atin, iyon, pero naka-subtitle lang.”

So sila ni Marian ay mayroong Malaysian fans?

Sabi ni Dingdong, “Meron magmula noong Marimar, e.

“Kasi I think pinalabas yung Marimar years ago, ‘tapos ito na nga yung pangatlo ‘tapos…

“In fact, may iba pa ngang nakikipag-coordinate sa mga supporters from Manila kasi may mga groups yun, e.

“So, pagdating namin dito, talagang well-equipped sila, sa communication... ‘tsaka very updated.”

THE MALAYSIAN EXPERIENCE. Kumusta ang experience ng pagge-guest niya sa iba’t-ibang Malaysian TV shows?

“Wala din namang ipinagkaiba, para ding sa atin.

“May difference lang pagdating sa pagkakaintindihan dahil siyempre ‘pag nag-uusap sila, hindi mo na alam ang sinasabi nila, di ba?

“Ibig sabihin, may tatanungin sila sa ‘yo in English, di ba?

“Pero masaya, masaya kasi, halimbawa, ang unang pinag-guest-an ko, e, parang noontime talk show nila yung parang dating SiS natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then kinabukasan, nag-guest ako sa parang Unang Hirit nila, so basically it’s the same format, so pinromote ko yung mga activities ko for the coming days.”

MISSING MARIAN. Gaano niya na-miss si Marian? Silang dalawa sana ang pupunta doon sa Malaysia kaya lang ay may taping si Marian para sa bago nitong dramedy na Tweets For My Sweet.

Sina Marian at Dingdong ang magkapareha sa Endless Love at sa umeere ngayon sa Pilipinas na My Beloved sa Kapuso network.

“Grabe! Sobra dahil sobra yung pananabik ng mga tao na makita rin siya.

“Grabe yung pagmamahal nila sa characters ng mga shows na ginawa namin.

“In-explain ko naman na dahil busy siya sa paggawa ng bagong show.

"So, kumbaga, mas naging hopeful sila kesa sa nalungkot, na may bagong puwedeng abangan sa kanya, di ba?

“So iyon naman, okay naman. Maganda rin na natuloy pa rin ako kahit wala siya kasi at least mas maganda na meron kaysa wala dahil sobrang they’re looking forward to seeing us.”

PREGNANCY RUMOR. Tinanong naman si Dingdong sa isyu na diumano’y buntis si Marian.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagsimula ang isyu na umano’y nasa gym si Dingdong at may gymmate ito na nag-congratulate sa aktor.

Sabi ni Dingdong, “Well, first kasi... first of all, whenever I’m in the gym, I really don’t talk about things much kasi, kumbaga, sandali lang ako dun, e.

“’Tsaka kung may pag-uusapan man kami, e, hindi tungkol sa mga bagay na ganun.

"Kaya nung lumabas yun, nung sinabi may nag-congratulate sa akin, wala talaga akong naaalalang may nagsabi sa akin.

"And siguro pinakamalayo sa imahinasyon ko na mangyari yun dahil it’s a topic na we don’t talk about in the gym.

“So, dun pa lang, sabi ko, parang imposibleng may naganap na ganung klaseng conversation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung aspetong may posibleng may mag-congratulate sa akin, puwede, kasi I have a sister who is pregnant sa kanyang pangalawang baby.

"So, maaaring iyon yun, pero definitely wala sa gym iyon.

“At saka sinagot na yata ni Marian yun during the press conference [ng Tweets For My Sweet] two days ago, so nalinawan naman yun.

“And it’s a good thing na hindi naman siya masamang topic, di ba?

"So, okay naman yun.”

Ang posibilidad na mangyari nga iyon, na mabuntis si Marian?

“You know what, everything in God’s time," sambit ng aktor.

Everything in their proper place at kasal muna?

“That’s right, that’s right,” pagsang-ayon ni Dingdong.

PASALUBONG FOR MARIAN. Tinanong naman ni Pia kung ano ang pasalubong ni Dingdong kay Marian mula sa Malaysia.

“Actually, meron dito na gustung-gusto akong ibigay sa kanya, yung kanilang kasuotan dito dahil very sacred sa kanilang religion.

“And I remember Marian wearing something similar sa isang photo shoot niya para sa isang product na ini-endorse niya, so feeling ko bagay na bagay sa kanya.

“And mabuti na lang, bago ako umalis, yung hosts namin dito, e, ibinigay sa akin yung gusto kong bilhin.

"So I have something for her.”

Bukod daw doon ay may iba pang mga pasalubong si Dingdong para sa kanyang kasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN