Wynwyn Marquez nervous performing in front of her mom, Alma Moreno: "Lalo na ‘yong birthday prod ko. Na talagang sumisigaw pa siya ng… ’Go anak, project!’"

Wynwyn Marquez (in photo) turns 20 on May 4. Her mom, Alma Moreno is very proud of her promising showbiz career. Wynwyn is also a Marketing Management graduate of San Beda College-Alabang.



Sa May 4 pa ang birthday ni Wynwyn Marquez. Pero noong Linggo, April 29, isang advance celebration ang ginanap sa Party Pilipinas kung saan bukod sa kanyang inang si Parañaque Councilor Alma Moreno ay naroon din para bumati sa kanya ang Kuya niyang si Yeoj at dalawa pang kapatid na sina BJ at MM.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang birthday wish niya… “Sana po more projects, tapos good health sa Mom ko at sa family ko. ‘Yon lang po.”

Nagkaroon ng isang bonggang dance number si Wynwyn kasama ang iba pang Kapuso female stars sa isa pang solo production number. Na-tense daw siya dahil nando’n at nanonood nga ang Mommy niya na dati ay talagang pinag-uusapan lagi ang mga ginagawang production numbers sa sarili nitong musical variety show noon.

“E kasi… ang ingay-ingay niya [Alma]!” sabay tawa ni Wynwyn.

“Opening pa lang, ang ingay-ingay niya! Ha-ha-ha!

“’Yong mga kasama ko, sina Diva [Montelaba], sabi ko… ano nga ba ‘yong first step? Kasi sabi ko, ang ingay ng nanay ko! Ano ba ‘yan?

“Hindi ako makasayaw nang maayos! Ha-ha-ha!

“Lalo na ‘yong birthday prod ko. Na talagang sumisigaw pa siya ng… ’Go anak, project!’

“Sabi ko naman…’Mom, tama na!’ Ha-ha-ha!

Wynwyn is turning 20. At very proud daw ang Mommy niyang si Alma dahil bukod sa magandang takbo ng kanyang showbiz career ay kaga-graduate din lang niya ng kursong Marketing Management sa San Beda College-Alabang.

Walang anumang nababalita kay Wynwyn kung tungkol sa love life ang pag-uusapan. Hindi naman niya itinangging may mga nanliligaw sa kanya ngayon.

“Marami!” sabay tawa niya.

May artista bang pumuporma sa kanya?

“Wala po. Puro non-showbiz.

“Pero… sa career ko po muna gustong mag-focus. At happy naman po ako na hindi ako nawawalan ng trabaho.”

Naging mayor ng Parañaque ang kanyang amang si Joey. Ang Mommy naman niya ay councilor ngayon sa nasabing siyudad. Hindi kaya balang araw ay pasukin din niya ang politics?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano po, e… ibang mundo na po ‘yon, e. Pero siyempre, hindi rin po ako magsasalita nang patapos. Kasi hindi ko naman po alam kung ano ang mangyayari in the near future.

“Pero sa ngayon po, happy ako sa showbiz. Happy ako sa ibinibigay ng GMA. So do’n lang po ako naka-concentrate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN