Sid Lucero on working with Heart Evangelista: “She’s amazing! Gustung-gusto ko kaya the way she acts... She’s a source of inspiration."

Sid Lucero reveals the best part about working with Heart Evangelista: "Oh... there’s never a bad moment. There’s never a dull moment. Tapos evey time nagkakamali ako, lalo na I’m also going through some stuff… nakikita niyang nati-tense ako, kinakausap niya ako na… ’Easy ka lang.’"


Gaya ng iba pang nasa cast ng top-rating primetime series ng GMA-7 na Legacy, sobrang saya raw ni Sid Lucero na na-extend ito.

Ito nga ang unang nabanggit niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, April 29.


“We’re really glad talaga,” masiglang pahayag niya. “At mas marami pang aabangan na mangyayari sa story.”


Sa pagpapatuloy ng kuwento ng nasabing serye, tila unti-unting nagkakagaanan na sila ng loob ni Heart Evangelista na girlfriend ni Geoff Eigenman.

Si Geoff ang gumaganap na ex-boyfriend ni Lovi Poe na half-sister ni Heart. May nabubuo ng conflict sa pagitan ng mga character nina Sid at Geoff.

Sa totohanan, wala bang umuusbong na competition sa pagitan nila ng pinsan niyang si Geoff?

“No. Never. Never.

“I’ve worked with most of my cousins already, and there’s never… wala naming competition ever.

“Actually, more of… naghuhugutan nga kami, e. As in… hindi naman emotional ‘yong scene pero in terms of delivery, as in talagang… ito na ‘yon, game!”

Ilang beses na rin silang nagkaroon ng eksenang suntukan ni Geoff sa Legacy. Na parang halos totohanan na ang dating.

“Bata pa lang kami, nagsusuntukan na kami ni Geoff, e!” sabay tawa ni Sid. “Kaya… okey lang.

“Game lang. Roll. Bahala na! Ha-ha-ha-ha!

“Pinakain na nga ako ng buhangin no’n, e,” patungkol pa niya sa isang tagpong nagpambuno silang dalawa sa beach.

COMPETING COUSINS? Aware ba siya na nagkakaroon ng comparison sa kanilang acting? May mga nagsasabi na mas angat ang level ng kanyang husay bilang aktor kumpara sa pinsan niyang si Geoff?

“I don’t believe it!” nangiting reaksiyon niya.

“I don’t believe it. Ewan ko.

“Siguro iniisip lang nila iyon kasi marami akong ginawang movies. And… mas malambot ang mga award-giving bodies sa mga indie films siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I don’t believe na mas angat ang pagiging aktor ko sa kanya. Because I learn a lot from him.

“This is the first time I’m working with Geoff. Ang dami kong natututunan sa kanya. Sabi nga niya… kaya mo ‘yan!

“Ako pa ang kinakabahan!” tawa ulit niya.

“Lalo na no’ng first day ko. Ilang beses na siyang nag-taping sa Legacy, ako hindi pa. Kinabahan kaya ako no’n.

“Hindi kami gaanong nag-uusap ni Geoff sa taping. Tapos bigla na lang siyang gagano’n… okey ka lang? Basta… kaya mo ‘yan!

“Nando’n ‘yong support niya. Always. And… we’re family. So there’s nothing else to do but support each other.”

AMAZING HEART. Speaking of support, supportive ang character niya bilang si Iñigo na boyfriend si Diana portrayed by Heart. Sa totoong buhay, gano’n din ba siya ka-supportive sa actress na may matinding pinagdadaanan matapos makipag-break kay Daniel Matsunaga?

“No. We’re friends,” maikling reaksiyon lang niya bago muling natawa.

Single si Sid. Single na rin ulit ngayon si Heart. May chance kaya na sa mga susunod na araw ay puwedeng may mamuong romance sa pagitan nila?

“Well, if you’re talking about chances, then everything is possible. Pero… I’m not really ready for anything right now!” tawa ulit niya.

Honestly, how does he find Heart?

“She’s amazing!

“Gustong-gusto ko kaya the way she acts. Uhm… she’s a source of inspiration, I’d say. I look forward to going to work every day when she’s there.

“And because now na alam ko na magkakasama pang madalas ang characters namin, I get more excited. Hindi na ako nali-late masyado!” tawa na naman niya.

“Kapag madaling araw na, na kailangan mo ng paghuhugatan, nakakatuwa na nando’n siya.”

PROFESSIONAL. Ngayong may pinagdadaanan si Heart, hindi ba niya napapansin kung naaapektuhan ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung part ng professionalism niya, e.

“She talks about it. She feels bad about it. Pero pagdating sa set, hubad lahat ‘yon. Wala ‘yon. She becomes Diana [character ni Heart sa Legacy].”

Nag-o-open up din ba talaga sa kanya si Heart?

“Hindi masyado. Pero nag-uusap kami. And I consider it opening up na rin.

“Pero… normal. Like all the other actors I work with.”

Umiiwas pa ring humarap sa press o sa media si Heart. Sa tingin niya, is she okey now?

“It seems like it. Sa tingin ko.”

May chemistry sila ni Heart. At bagay din nga sila.

“Great!” nangiting sabi ni Sid.

“Sana we work together some more!” tawa ulit niya.

“Gusto ko siyang katrabaho, e. Ang galing, e.”

What’s the best part of working with Heart?

“Oh… there’s never a bad moment. There’s never a dull moment. Tapos evey time nagkakamali ako, lalo na I’m also going through some stuff… nakikita niyang nati-tense ako, kinakausap niya ako na… easy ka lang.

“So, ang gaan, e. Di ba? Kahit gaano ka-hassle ‘yong outside set. Pagdating mo roon parang… erase.”

Paborito siyang kuning artista para sa mga indie films. Ano ang susunod niyang gagawin?

“Meron akong offer. But since I haven’t signed a contract, I’m not comfortable talking about it yet. Hindi ko pa nga alam ‘yong title. Hindi ko pa nakukuha ‘yong script.

“Pero I have an idea kung sino ang makakatrabaho ko. Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sinu-sino kasi hindi pa sure, e.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN