Nora Aunor on her movie project with director Brillante Mendoza: "Maipagmamalaki natin [ang pelikula]; ipagmamalaki talaga natin."

Will Nora Aunor support former President Joseph Estrada in his bid for mayor of Manila? She says, "Pero bakit hindi? Kung nararapat na talagang maging... mayor siya."


Taliwas sa madalas nababalitaan, mapayapa ang sitwasyon sa katimugan ng Pilipinas, tulad ng Tawi-Tawi island, kung saan nag-shooting ang superstar na si Nora Aunor ng pelikulang Thy Womb, mula April 17 hanggang April 27.

"Ay, matahimik. Walang problema [ang peace and order situation] doon! At napakabait ng mga tao sa Tawi-Tawi!" nasambit ni Nora sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media na sumalubong sa kanyang pagdating.

Kanina, ganap na ika-9:40 ng umaga, ay nagbalik sa Manila si Ate Guy, kasabay ng kaniyang direktor na si Brillante Mendoza.

Namataan din ng PEP ang kanyang personal manager, Boy Palma, at ang production designer ng pelikula, si Endi "Hai" Balbuena.

Sakay sila ng Cebu Pacific Airlines, flight 5J 562 galing Cebu City, kung saan may isang nalalabing araw ng shooting na isinagawa kahapon, April 30, sa Oslob, Cebu.

Pero ang kabuuan ng pelikula ay kinunan sa Tawi-Tawi island, partikular sa bayan ng Bongao at Sitangkai island.

Kuwento rin ni Ate Guy, "Lahat ng mga tao, talagang napakabait sa amin. Nu’ng paalis na kami, yung in-assign sa aking close-in security guard, sa airport, umiyak. Napakabait nila.

"Sina Governor Sadikul Sahali at kanyang maybahay; at si Vice-Governor Ruby Sahali-Tan, lalung-lalo na yung anak nila, lahat sila mababait. Nagpapasalamat ako nang lubos sa kanila..."

Masaya si Nora sa kanyang pagbabalik sa Maynila na nakatapos siya ng pelikula, nang maluwalhati.

"Bakasyon-trabaho na rin," nakangiti niyang sambit.

PASSIONATE ARTIST. Sa simula ng media interview ay hindi muna nagbanggit ng ilang detalye si Ate Guy tungkol sa natapos niyang i-shoot na obra.

"Mas maganda... mas mabuti na si Direk Brillante (Mendoza) ang magsabi tungkol sa takbo ng kuwento," sabi ni Ate Guy.

Anupa’t positibo ang tinuran ni Nora, in general, hinggil sa Thy Womb.

"Maipagmamalaki natin [ang pelikula]; ipagmamalaki talaga natin," sabi rin ni Nora tungkol sa indie project, na inilalayong ilahok sa international film festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang mag-join na si Direk Brillante sa media interview, at ipakilala siya ni Ate Guy, ay agad tinanong ito hinggil sa naging working relationship nila ng superstar.

"Instantly, nagkaroon kami ng bonding," sabi ni Direk Brillante.

"Siguro yung vibes, dahil, siyempre, passionate artist din siya. So, nararamdaman mo yung dedication niya sa trabaho."

ON NATIONAL ARTIST PROPOSAL. Samantala, nabanggit kay Nora ang tungkol sa paglalakad, o proposal, na gawin siyang Pambansang Alagad ng Sining, o National Artist.

"Nagpapasalamat ako, at isa ako sa kinunsidera nila, as National Artist," banggit ni Nora Aunor.

"Pero, sa akin, siguro mas marami pang karapat-dapat na maging National Artist."

NORA’S BIRTHDAY AND MOTHER’S DAY PLANS. Sa ikalawang linggo ng Mayo ang Mother’s Day. Ano nga ba ang plano ni Ate Guy sa espesyal na okasyon?

"Wala pa," aniya. "Mag-uusap-usap pa lang kami ng mga anak ko, kung saan kami pupunta, kung paano [ang selebrasyon]..."

Plano ba ni Ate Guy na magbakasyon ngayong natapos na ang kanyang shooting?

"Oo. For sure... oo," sagot niya.

At ang tungkol sa kanyang nalalapit na kaarawan, sa May 21, ano ba ang wish ni Ate Guy sa taong ito, on her 58th birthday?

"Akala ko, walang magtatanong," nangiti si Guy.

"Ang wish ko, magmahalan lahat. At sa industriya [ng local showbusiness], sana bawasan na natin yung mga intrigahan nang intrigahan, at imbes na gano’n, maging mapagmahal tayo... magmahalan ang isa’t isa."

ON ERAP’S "MAYORALTY" BID. Isa si dating Pangulong Erap (Joseph Ejercito Estrada) na nagpahayag ng pagiging karapat-dapat ni Nora Aunor sa karangalang National Artist.

At nababalita rin ang posibleng pagtakbo ng dating Pangulong Erap, bilang Alkalde naman ng Maynila, sa 2013 elections.

Susuporta ba si Nora Aunor, sakaling hilingin ni Erap na ikampanya siya ni Ate Guy?

"Baka wala ako dito, e. Baka nasa States ako," pasubali ni Ate Guy, na may naka-schedule pa ring pagpunta sa U.S. para sa pagpapagamot ng kanyang lalamunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero bakit hindi? Kung nararapat na talagang maging... mayor siya," pahayag ni Ate Guy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN