Wendy Valdez explains why she’s loveless: “Kasi ang number one criteria ko [sa lalake] is yung willing maghintay.”

Wendy Valdez on why she broke up with her actor-model boyfriend, Will Devaughn: “On-off kami parang ganun. Ngayon kasi almost 4 or 5 months kaming wala na. Wala namang issues nung nagbreak kami, mutual naman yung decision sa aming dalawa. We just believed na it’s best for us to fix ourselves na magkahiwalay talaga. Kasi ako, personally, I’m feeling broken din, e, because of my past and everything."


Loveless si Wendy Valdez ngayon.

Ito ang in-announce niya sa nakaraang presson ng lalabas na movie nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban ang Every Breath U Take na kasama rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Wendy, sinabi nitong marami raw nanliligaw sa kanya pero mayroon siyang hinahanap sa lalaking susunod niyang pagkakatiwalaan ng kanyang puso.
“Kasi ang number one criteria ko is yung willing maghintay.”
“Kasi sobrang iba yung feeling ng happiness na mag-isa ako at the moment. Kasi hindi ko pa nai-experienced... more than 10 years of my life lagi akong may relationship.
“Siguro longest na wala akong relationship before, one week lang. So, first time ’to, first time ito talaga and I’m very proud of myself.
"Even my family, my Mom especially, is very proud of me.
“So, I think I’m becoming more mature," paliwanag niya.
BREAK FROM HER BF. Finally, nag-break na sila ng dati niyang boyfriend, ang actor-model na si Will Devaughn.
“On-off kami parang ganun. Ngayon kasi almost 4 or 5 months kaming wala na.
“Wala namang issues nung nagbreak kami, mutual naman yung decision sa aming dalawa.
"We just believed na it’s best for us to fix ourselves na magkahiwalay talaga. Kasi ako, personally, I’m feeling broken din, e, because of my past and everything.
“So, mahirap kasi pag ganun. You really have to be complete by yourself first,” paliwanag niya.
Hindi raw ang dedication ng pananampalataya nila sa kani-kanilang religion ang rason ng tuluyan nilang hiwalayan.
“No. Actually, nadala ko din siya sa church. Nagkaroon rin kami ng time na magkasabay na rin kaming nagchu-church.
"Nadala ko siya sa Christianity. It’s a good thing for him as well.
“He believes in God also. I think, binuksan ni Lord yung isip namin about a lot of things.”
Kahit may mga nanliligaw kay Wendy ngayon, hangga’t maaari iniiwasan niyang mapalapit sa mga ito.
“May mga nanliligaw sa akin ngayon pero ayoko munang mag-date. Gusto ko muna talaga yung walang lalake sa buhay ko, aside from my brother.
“Pero meron namang mga okey. Yun nga, if they’re willing to wait, much better. Actually, that’s the best as of this moment.”
BORN-AGAIN. Gaya ng ibang mga celebrities, isa na ring born-again Christian si Wendy at sa katunayan, ipinangangalandakan niya ang malaki niyang pagyakap sa religion niya ngayon.
“Actually, magwa-one-year-and-a-half na. Iba yung bond na ginagawa ni God in your life, e. Parang it’s like every day you learn something new about yourself.
“Ganun ang nagiging relationship namin and it gets stronger and stronger. Kung saan pa yung mga situations at mga bagay sa buhay ko na kailangan ko, nire-reveal niya yun sa akin one by one.
“So, it’s really amazing for me," aniya.
Itinanggi ni Wendy na si Piolo ang nagdala sa kanya sa religion na niyayakap niya ngayon.
“No naman... I think nandun na rin siya, e. Hindi ko lang alam kung nauna ba siya sa akin or what. Nakita ko lang din siya sa church.
HOW SHE FOUND THE LORD. “Ahmm, ang nag-introduce n’yan sa akin, si Ms. Coney Reyes pa sa PBB. Hindi lang ako nakakapunta. Well, kailangang dumating muna yung mabibigat na problema bago ko maisip yung ganon.
“Minsan kinakatok ka talaga ni Lord, e. So, one time I decided to go kasama ko si Bodjie Cruz, sila rin yung nakaka-alam.
“So, yun, nagtuluy-tuloy na and I brought din my whole family. Iba yung closeness ng family namin ngayon, sobra! And it’s funny ’cause all of us, lahat kami sa family single, sabay-sabay.
"So, pinili ni Lord yun. Yung closeness namin iba rin.”
Umaasa si Wendy na ang susunod niyang magiging boyfriend ay isang born-again Christian din na gaya niya.
“I hope so. Hindi talaga ako titigil na hindi siya magiging Christian na gaya ko.”
ON HER EX-HUSBAND BRUCE. Tungkol naman sa dati niyang ka-love team at co-housemate sa PBB hanggang sa maging asawa na niya ito na si Bruce Quebral. Ibinalita ni Wendy na maayos naman ang kanilang communication.
“We’re okey. We talk once in a while. I believe he’s happy with his girlfriend. Going strong naman sila and I support them.”
Pagdating naman sa annulment case ng kasal nila ng dating aktor, tikom ang bibig ni Wendy tungkol dito.
“I don’t have any idea."
Iwas siyang magpaliwanag. Kahit anong pilit namin na magsalita si Wendy tungkol dito ay no-comment siya.
Patuloy niyang sinasabi na wala siyang alam. Hindi tuloy malinaw kung naisampa na niya ang petition ng annulment at binabasa na ito sa korte kaya ayaw niyang magsalita, o ipinagpaliban muna nila ni Bruce ang paghahain ng petisyon sa korte.
“Wala talaga kong masabi,” patuloy niyang iwas.
Masaya si Wendy at kahit hindi na siya contract star ng ABS-CBN 2, patuloy pa rin siyang binibigyan ng projects ng istasyon.
“Actually, hindi naman talaga ako nawala sa ABS, e. Once in a while meron pa rin naman akong ginagawa sa kanila.
"So, I’m happy na hindi naman nila ako nakakalimutan sa list nila, palagi pa rin akong nandun. So, I’m very thankful to them.”
Mula nang kumalas si Wendy sa ABS-CBN 2, sa TV5 siya nalipat at nakagawa siya ng ilang mga shows.
Pero sinasabing hindi naman naging matagumpay ang paglipat ng aktres dito dahil hindi naman siya nabigyan ng kontrata.
“Actually, just like what Papa P [Piolo Pascual] said a while ago. Pag nandun ka na sa state na tanggap mo nang lahat ang ibinigay ni Lord sa iyo at pag inisip mo may reason siya, hindi ka gaanong maba-bother e.
“Pag may mga time lang na walang work, malulungkot ka. Pero ang bilis mong matanggap yung mga sitwasyon dahil alam mong you’re in God’s hands. At saka yung general plan niya for everyone minsan kailangan may mangyari.
“So, wala naman talagang problema. I’m very happy with where I am right now,” sabi niya.
NO TO SEXY FOR NOW. Pati ang pagsi-sexy sa pelikula at iba pang mga projects ay napipintong i-compromise ni Wendy dahil sa kanyang faith at conviction.
“Ahmm... actually I’m praying for that. May mga tinanggihan na akong ganon.”
Ang pagpu-pose sa FHM magazine ang tinutukoy niya.
“Pero, I’m not saying na zero na. Kasi dun ako nag-start. So, I don’t know.
"I’m praying for that. I hope God will help me kung saan path niya ako talaga dadalhin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN