Part 2. G Tongi decides to stay in the Philippines for good together with her family; returns to ABS-CBN

G Tongi on staying in the Philippines for good with her family: “I am and I’m with my family. Me and my husband are doing very well. Marami kasi ang nagtatanong kung kumusta na kami. May isyu kasi na hiwalay na daw kami. But no. Yung husband ko talaga, he’s the one who really decided na it’s time to go home."


Kung mayroon man daw ginagawang pagmamaldita ngayon si G Tongi, ito ay ang pagganap niya bilang kontrabida sa Aryana, na mapapanood na simula sa May 7 sa ABS-CBN Primetime Bida.

“Ako rito si Stella Cervantes, ang pangalawang asawa ni Victor Mendez [Tonton Gutierrez] at magiging kaagaw ni Pokwang as Ofelia.

“So, kontrabida yung role ko. And it’s my first time na gumanap na kontrabida.”

Anong klaseng kontrabida naman siya?

“Kontrabidang matapobre. Ang pangit, ‘no?

"Pero meron namang valid reason kung bakit ako nagtataray kay Pokwang. Kasi gusto ko lang naman maging legal wife ni Tonton.”

Paano siya napapayag na gumanap ng kontrabida?

“Kaya rin naman ako pumayag sa role because, you know, bilang artista, meron ka ring responsibilidad sa public para ipakita sa kanila yung mga karakter na makaka-relate sila.

“And that’s why this role is so pivotal in my career because it’s the first time I’m doing a kontrabida.

“Palagi naman kasing goody-goody yung roles ko. And to make that switch is exciting kasi it shows maturity on the part of an actor.

“I feel na mas masaya, mas challenging, mas puwedeng paglaruan. Hindi ka lang yung kawawa, iiyak.

“’Pag kontrabida ka at meron talagang pinanggagalingan yung hapdi, mas makaka-relate yung audience, di ba?”

Kumusta namang katrabaho ang cast ng Aryana?

“Masaya," sambit ni G.

"This is the frst time na katrabaho ko si Ella. This is the first time na katrabaho ko si Pokie [Pokwang], si Ton [Tonton Gutierrez], katrabaho ko sina Direk [Erick Salud at Lino Cayetano].

"Kasi matagal na akong nawala. I left when I was 21, I’m 33 now.”

Nag-e-enjoy nga raw siyang katrabaho ang cast lalo na si Pokwang.

“Napaka-giving niya. At saka kalog na kalog, ang saya kasama.”

BACK TO ABS-CBN. Sa ABS-CBN talaga nagsimula ang showbiz career ni G nang i-launch siya bilang miyembro ng Star Circle noong 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya may mga nagtataka kung bakit sa pagbalik niya sa Pilipinas ay mas nauna pa siyang gumawa ng project sa TV5, ang mini-series na Nandito Ako kasama ang international singer na si David Archuleta.

Paliwanag ni G, “Actually, kasi nag-graduate ako [sa University of California, Los Angeles] noong December.

"And when I graduated, it’s really my plan to come home because limang taon akong nag-aral na all my summers hindi ako nakauwi talaga.

“So, when I graduated sabi ko talaga I just wanna go home, I wanna see my friends, I wanna see my mom.

“E, tamang-tama naka-book na yung trip ko for vacation, nalaman nila [TV5] na uuwi ako.

“So, in-offer-an ako. It was just an offer for one project.

“And now I’m happy, I’m back in ABS-CBN.

"But I’m also more mature now na I feel na if the role is good kahit saan namang [network], di ba?

“Basta may opportunity, basta binigyan ka ng magandang offer, blessing yun, e.

"I’m freelance now, I’m under Viva.”

STAYING IN THE PHILIPPINES FOR GOOD. Sinagot din ni G ang isyu na kaya siya nagbabalik-showbiz sa Pilipinas dahil diumano’y hindi siya naging successful at wala namang kinahinatnan ang career niya sa Amerika.

“Well, nagbabalik ako na meron na akong degree sa UCLA. So, you know, success is relative.

“I just finished producing my first documentary series that I produced myself. Siguro ang iniisip nila is on-camera.

“Pero it was never my goal. My goal is to become a writer, become a producer, to direct and I’ve been able to do all of that.

“Ngayon nagpu-produce na ako. I just produced a documentary called The Balikbayan Basco Project.

“So, we’re in editing right now.

"And feeling ko, I want to be part of the production process. Kasi doon may control ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang pag-aartista po, secondary lang po iyan sa talagang gusto kong gawin.

"‘Eto, e, katuwaan, siyempre passion, you know. It’s like a hobby.

"Although I’m very thankful that people still give me the opportunity to act.

“But hindi yun ang long-term goal ko. Ang long-term goal ko talaga is to be able to create content na kakaiba, nakaka-inspire.

“Because I’ve learned all this time na umalis ako na you have to stay positive. Kapag negative ka, wala.”

Bakit nga ba pinili niyang bumalik na sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon sa Amerika?

“My kids don’t speak Tagalog. That breaks my heart," sagot ni G.

May dalawang anak na si G, sina Sakura at Kenobi. Kasama niya raw ang mga ito sa Pilipinas gayundin ang asawa niyang si Tim Walters.

Mananatili na ba sila rito sa Pilipinas?

“I am and I’m with my family.

"Me and my husband are doing very well. Marami kasi ang nagtatanong kung kumusta na kami.

"May isyu kasi na hiwalay na daw kami. But no.

"Yung husband ko talaga, he’s the one who really decided na it’s time to go home.

“And now my husband is working here already. He has a bar consulting business and he’s very busy doing his own thing.

“And nandito rin yung mommy ko. So, siyempre nakakasama ng mga anak ko at importante din sa akin yun. But let’s face it, home is home. And this is home.”

Nakikita niya bang posible ring pumasok sa pag-aartista ang mga anak niya?

“Oo, nagmana sa akin yung anak kong babae, maarte rin. Pero she’s been taking classes.

“Ever since bata pa siya, she’s taking acting classes. Pero I won’t force them kasi siyempre nasa hilig din iyan.

“But it’s very important to me na dapat marunong mag-Tagalog ang mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN