Pokwang on mother role in Aryana: “Sobrang nakaka-relate ako sa role kasi halos pareho ng sa totoong buhay sa akin."

Pokwang has made movies and drama shows about motherhood that seem to portray always her own life story. In Aryana, Pokwang admits relating to the role she plays as Aryana’s mother: “Sobrang lapit talaga… na nanay din nga ako sa totoong buhay. ’Tapos dito, mawawalay sa akin ang anak ko. E, sa totoong buhay, alam n’yo naman na nawalan din ako ng anak. Alam ko yung pain kung paano mawalay ‘yong anak."<


Iba ang sigla ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na ginanap sa poolside ng Sulo Hotel kagabi, May 1.

Excited siya sa kanyang role dito.

“Ako po si Ofelia, ang napakaganda at napaka-fresh… Kaya naman na-in love sa akin si Victor [Tonton Gutierrez]!” sabay tawang umpisa ni Pokwang.

“Ako ay isang simpleng babaeng taga-tabing dagat.

“Sabi nga, ito raw ay isang fantaserye kaya na-in love sa akin si Tonton.

"Fantasya lang! Ha-ha-ha! At nagmahalan kami nang bonggang-bongga.

“At ang naging bunga namin ay si Aryana.”

Ang dating child actress na si Ella Cruz ang gumaganap sa pangunahing papel.

REAL-LIFE CHARACTER. Gaano kalapit ang kanyang role bilang ina ni Aryana sa serye sa totoong buhay?

“Sobrang lapit talaga… na nanay din nga ako sa totoong buhay.

“’Tapos dito, mawawalay sa akin ang anak ko.

“E, sa totoong buhay, alam n’yo naman na nawalan din ako ng anak.

“Alam ko yung pain kung paano mawalay ‘yong anak.

“Sobrang kapit na kapit sa akin yung role ko.

“At yung biyenan kong Haponesa [sa totoong buhay], ayaw din sa akin.

“Which is si Direk Laurice [Guillen], ayaw din sa akin dito sa istorya ng Aryana.

“Mahirap yung role. Pero kapag inisip mo yung pagmamahal sa show, nagiging madali na.

“Sobrang nakaka-relate ako sa role, kasi halos pareho ng sa totoong buhay sa akin.

“Minsan nga, may mga linya sa script na binabasa ko pa lang, nadudurog na ako, e.

“Kasi parang, ‘Uy, nakita ko na ito sa buhay ko, a!’ Yung gano’n.

“May eksena nga na parang hindi ko kinaya na napatigil ako sa pag-arte.

“Iyon yung eksena namin ni Tonton na umiiwas na siya sa akin.

“Hindi na niya kinikilalang anak yung anak namin si Aryana. Ayaw niyang maniwalang anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yong sa akin kasi, di ba, yung mga anak ko, abandoned child ng tatay nila?

“So parang… ang sakit naman ng ganito, di ba? Anak niya ito, e… Bakit gano’n?

“Kapag nahihirapan ako, tinutulungan din naman ako ng mga kaeksena ko.

“Kagaya ni Tonton na may nahuhugot din ako sa kanya.

“At saka si Direk Laurice na bilang beteranang director at aktres, di ba?”

BACK TO NORMAL. Nadadala ba niya pag-uwi ng bahay yung role niya dahil sa pagkakahawig sa totoong buhay niya?

“No. Kasi yung bahay ko, gusto ko lahat masaya.

"Yung trabaho, ibubuhos ko lahat sa set.

“Pagdating ko sa bahay, nanay ulit na… masayahing nanay. Gano’n.”

Takot pala si Pokwang lumusong sa dagat, lalo na kapag wala nang nakakapa o naaapakang buhangin ang mga paa niya.

“May eksena na hinahabol ko si Neptuna [Desiree del Valle] dahil kinuha ang baby ko.

“Pero hanggang five feet lang ang lalim ng dagat na kaya ko.

“Kapag wala na akong naramdamang buhangin sa paa ko, ay, ayoko na!” tawa niya.

DRAMA OR COMEDY? Ang pagiging seryoso ng kanyang role sa Aryana ay nagawa na niya sa Maalaala Mo Kaya at A Mother’s Story. Ano naman ang puwedeng abangan ngayon sa kanya?

“Maraming mga magaganap na mas kadramahang eksena.

“And siyempre, meron din naman akong preparasyong ginawa for the role.

“Siyempre, si Direk Laurice kapag kaeksena mo ‘yan, talagang, ’Lord, si Direk Laurice!’ Humuhugot din ako sa kanya.”

Straight drama talaga ang role niya o may comedy rin?

“Straight drama talaga. Kung may comedy man, papitik-pitik lang.”

Saan ba siya mas kumportable—sa comedy o sa drama?

“No’ng una, sa comedy lang. Pero after ng A Mother’s Story, drama na rin.

“Nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] pa nga ako. Pero hindi naman ibig sabihin ay sa drama na ako malilinya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa rin namang comedy na naka-lineup kong gagawin.

“Showing na yung The Mommy Returns.

“Ginagawa ko rin ngayon yung The Healing with Ate Vi [Vilma Santos] and Kim [Chiu]. Maganda ‘yon! Ka-horror-an.

“Nurse na may diabetes ang role ko na kaibigan ni Ate Vi."

Seryosong role din?

“Naman!” tawa na naman ni Pokwang.

PRIMETIME. Matagal ding nawala sa primetime si Pokwang at nalinya rin siya sa mga noontime show.

“Okey lang. Kasi nga, may magandang nangyayari.”

Hindi ba siya nanibago na biglang sa primetime series na naman siya, na kakaiba sa sitcom niyang Toda Max kasama sina Robin Padilla at Angel Locsin?

“Siyempre nag-adjust din ako.

"Kasi ang tagal ko ngang nag-noontime… Na after work, uwi ka na.

“Itong sa Aryana, ang una mong kalaban, yung puyat.

“Inisip ko na lang yung mga tao sa paligid ko na napapagod din. Na mas malaki pa ang suweldo ko sa kanila.

“Pero sila nandiyan at buhay na buhay. So, parang, ’Uy, sandali, nakakahiya naman.’

“Sila yung mga hinuhugutan ko doon. At saka masaya ako kesa naman sa walang trabaho.

“Gusto ko rin naman ang noontime shows. Oo naman.

"Pero kasi ngayon, ito ang plano sa akin ng ABS.

“Napakaganda ng ibinigay nila sa akin.

"I’m very thankful sa lahat ng blessings na ibinibigay sa akin ng management.

“Siyempre, pagbubutihin ko ito para hindi naman sila ma-disappoint.”

POKWANG IN LOVE? Marami ang nakakapuna na blooming siya ngayon. Ano kaya ang dahilan?

“Make-up!” sabay tawa niya.

Wala siyang lovelife ngayon?

“Wala!”

Meron daw? Inililihim lang umano niya?

“Sinong may sabi? Sana nga! Why not?” tawa ulit niya.

Ano ang dahilan at zero ang buhay-pag-ibig niya ngayon?

“E, hindi naman kasi ako pala-labas na tao. Kapag walang trabaho, bahay lang talaga.

“Kaya paano ako makakakilala ng papa [lover] kung lagi akong nasa bahay? Di ba?” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nalulungkot na wala siyang karelasyon ngayon?

“No. Happy po ako sa buhay ko ngayon. Sobrang happy lang ako.”

Paano kung ang maging kapalaran niya ay forever na pala siyang magiging single?

“Okey lang. Meron akong anak na nagmamahal sa akin," sagot ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN