Ella Cruz finally gets to play a title role four years after Anna Liza was shelved

Ella Cruz plays the title role Aryana in another ABS-CBN mermaid series. Ella considers her mermaid role as very challenging considering that all the other mermaid series have been successful. Ella wishes: “So gusto ko rin po sanang mangyari na itong Aryana ay masabi rin na isa sa mga successful mermaid series ng ABS."


Six years din ang hinintay ng former child actress na si Ella Cruz bago siya nabigyan ng big break.

Nagsimula si Ella Cruz sa mga bit roles sa GMA-7 bilang young Angel Locsin (Majika) at young Marian Rivera (MariMar) hanggang sa malipat siya sa ABS-CBN.

TITLE ROLE. Ngayon ay nasa title role na siya sa bagong primetime series ng Kapamilya Network, ang Aryana, na magsisimula nang umere sa May 7.

“Sobrang saya ko po!” ani Ella nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Aryana na ginanap sa pool side ng Sulo Hotel noong Martes ng gabi, May 1.

“Kinakabahan din po ako. Kasi ’yong tungkol sa magiging feedback po [ng show]."

Kuwento pa niya tungkol sa kanyang role, “Ako po rito si Aryana Mendez.

“Anak po ako nina Tatay Tonton [Gutierrez] at Nanay Pokwang. Ipinanganak po akong tao hanggang na may sumpang bumalot sa akin.

“Na bago ako maging sirena, mararanasan ko muna ang pagiging tao…

“Na nagkaroon ng crush, nagkaroon ng problem sa school, at yung problem na lagi kong hinahanap ang tatay ko na inabandona kami.

“Best friend ko po dito si Marlon [portrayed by Paul Salas].

“At meron time na darating na hindi ini-expect na mangyayari sa akin, at yun ay magkaroon ng tail bilang sirena.”

Ano ang initial feeling nang malaman niya na gagawin niya ang Aryana at siya nga ang bida?

“Hindi po ako makapaniwala. Yung parang, ’Talaga po? Ako?’

“Una po kasi, akala ko parang young character lang ng bida—na… young Aryana.

“Pero no’ng sinabi na, ’Ikaw si Aryana hanggang sa matapos…’ ’Talaga po?’ Hindi po talaga ako makapaniwala.

“Parang ando’n yung excitement ko… na kinabahan ako. Pero sobrang saya po!”

MERMAID SERIES. May naramdaman din ba siyang pressure na this time, siya na ang bida sa pinakabagong fantasy series na ito ng Kapamilya network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo. Lalo na, lahat ng mga naunang series tungkol sa sirena, naging matagumpay po, e.

“So, gusto ko rin po sanang mangyari na itong Aryana ay masabi rin na isa sa mga successful mermaid series ng ABS.

“At saka lahat ng mga gumanap na sirena noon, may mga pangalan na po talaga.

“So, kinabahan talaga po ako no’ng time na yun na sinabi sa akin na magbibida ako sa Aryana.”

ACTING WORKSHOPS. Ano ang mga naging preparation niya para sa kanyang role?

“Nag-workshop po ako kasama si Direk Laurice Guillen.

“Para raw mas ma-enhance at maging maganda ang acting ko po.

“Nag-training na lumangoy nang may buntot po. ’Tapos kung paano mag-swim perfectly po.”

Incoming fourth year high school student na si Ella sa Colegio de Sta. Rosa de Angat, Bulacan.

Paano na ngayon ang pag-aaral niya na magiging sobrang busy siya sa taping ng Aryana?

“This time po, hindi ko pa po sure kung makakapag-regular study pa rin ako.

"Siguro po, baka mag-home study ako," sabi niya.

TIME MANAGEMENT. Kailangan daw na mag-focus siya nang husto at pagbutihin ang performance sa pinagbibidahan niyang fantaserye.

“Opo, kasi title role na ako. ’Eto na po yung biggest break ko nga po na sinasabi nila.

“Na sa matagal na panahong paghihintay, dumating na po siya.

“Dati po nag-a-audition-audition lang ako. At may mga pagkakataon na nari-reject ako.

“Minsan, pang-200 plus pa na mag-a-audition ako.

“Naranasan ko rin yung hirap ng matagal na paghihintay, ’tapos hindi ako ang matatanggap.

“At mahirap din po kapag hindi kayo natatanggap kasi ginagawa mo naman yung best mo.

“Sinasabi na lang sa akin ni Mama na, ‘Ella, hindi pa siguro ito yung role na para sa ‘yo. Hindi pa ito ang panahon mo para sumikat. Maghintay ka lang. At saka mag-pray ka lang.’

“Yung gano’n na sinasabi sa akin ni Mama, iyon po ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati, nakuha na ako para sa Anna Liza [2008]. Dito rin po ang soap na iyon sa ABS.

“Na-shelve yung project. Kasama ko sana si Ate Maja [Salvador] po.

“Kaming dalawa po iyon. ’Tapos tatay ko rin doon si Tito Tonton.

“Nakapag-taping na nga po kami. ’Tapos dumating ang time na inaayos daw yung script.

“Hanggang sa wala na po… wala nang balita. Hindi na po siya natuloy.

“Sobrang na-depressed po ako. Sabi ko, sayang po ’yon kasi ako ang title role do’n.

“’Tapos sinabi na lang ulit sa akin ni Mama na, ‘Siguro hindi pa yun ang time na magkaroon ako ng sariling show.’”

LOVE INTEREST. Kumusta ang relationship nila ng gaganap na love interest o leading man niya na si Paul Salas?

“A… para po kaming mag-best friend na… magkapatid na.

“Kasi simula po noong nag-start ako sa kabila [GMA-7], doon din siya nag-start po ng mga guesting-guesting sa ilang shows. Nagkakasama po kami.

“Close na po kami talaga.

"So no’ng nalaman ko po na siya ang makaka-loveteam ko, ’Ay, parang madali na kasi close na kami.’

“Matagal na kaming close. Seven years old pa lang po siya, magkakilala na kami.

“So parang mag-best friend na rin kami sa sobrang tagal na ng pagsasama," saad ni Ella.

Hindi sila nagkaroon ng crush sa isa’t isa?

“Naku, hindi po!” nangiting sabi ni Ella.

“Bawal po siyang manligaw, e! Ha-ha-ha!

"Bawal din po akong mag-boyfriend… Fifteen pa lang po ako.

“Darating naman po yung time. Yung right time po para diyan.”

But does she find Paul cute?

“Oo, cute naman po,” sabay bungisngis niya.

Pero kadalasan sa mga nagiging magka-loveteam, in the long run ay nagkakagustuhan din for real?

“Hindi naman po.

"Sa ngayon po, friends po muna.

"Kasi po ngayon, trabaho po muna at saka yung pangarap ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung pag-aaral ko po ang inaatupag ko muna.

“Saka na lang po yung mga love-love na ‘yan kasi meron pa naman pong love for family po muna.

“Yung pangarap ko? Ito nga po, magkaroon ng sariling show.

"Magkaroon ako ng sarili bahay dito sa Maynila po. Kasi, taga-Bulacan pa po kami.

“At saka magkaroon po ako ng sariling kotse na sa akin po nakapangalan.

“At saka rin po ma-travel ko ang buong mundo at maging inspirasyon pa sa iba.”

Those are really big dreams! Big dreams for a future big star like her.

“Oo nga po, e. At iyon po ang pagsisikapan ko maabot," sabi ni Ella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN