Bianca Manalo denies carrying bags and luggage of boyfried John Prats

Bianca Manalo says John Prats will never let her carry his bags and luggage. She explains, "Di totoo yun! Lalake si John, di niya hahayaan na mangyari yun sa akin… na partner niya ako pagbibitbitin niya ako ng gamit?"


Pagkatapos batuhin ng mga intriga ang relasyong Bianca Manalo at John Prats, naging tahimik ang itinakbo ng relasyon nila mula nang mawala sa ere ang programang nilang Happy Yipee Yehey!.

Sa dating noontime show na ito ng ABS-CBN nagkakilala, nagkagustuhan, at nauwi sa totohanan ang dati’y tuksuhan lamang na relasyon nina Bianca at John.

Kamakailan ay may lumabas na balita na nakita raw ang beauty queen turned actress na nagbubuhat ng mga gamit ni John at nagmistula raw itong alalay.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca sa presscon ng Aryana noong Martes, May 1, sa Sulo Hotel, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa lumabas na balita.

“Binalita ’yan sa kabila—‘Bianca Manalo, taga-bitbit lang ng bag ni John Prats.’

“Tanong ko nga, ‘Kailan nangyari yun?’ Hindi totoo yun!”

“Lalake si John, hindi niya hahayaan na mangyari yun sa akin… na partner niya ako, pagbibitbitin niya ako ng gamit?

“Kulang na lang tumalon-talon siya ‘pag magkasama kami at kung gaano siya kasaya, ’tapos gagawin niya lang yun sa akin?” saad ni Bianca.

Kumusta ba ang relasyon nila ni John ngayon?

“Okay naman, masaya kami.

"Nakita n’yo naman, napanood ng lahat kung paano kaming dalawa.

“Kami, nagdadasal lang na kung gaano kami ka-strong sa isa’t isa, kung gusto ni Lord, kami pa rin.

“Basta ako, nagsusuportahan kami," saad niya.

CONTROVERSIAL STATEMENT. Naging isang malaking kontrobersiya ang nabitawang pahayag ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao, na ang pagiging isang gay ay "lie" mula sa demonyo.

Hiningan namin ng komento si Bianca sa nabitawang pahayag na ito ni Miriam, na kagaya niya ay dati ring Bb. Pilipinas-Universe.

“Well, ako, mahal ko ang mga kapatid nating ganyan [gays], kasundo ko sila.

“Karamihan sa mga supporters ng mga beauty queens ay mga kapatid nating mga gays.

“So, ang akin siguro, kung may nasabi man siyang ganun, opinion niya yun, wala akong say dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba ang stand ko, iba ang stand niya, nirerespeto ko yun," sagot ni Bianca.

BEAUTY PAGEANTS WITH TRANSGENDERS. Tinanong din namin ang opinyon ni Bianca tungkol sa kagustuhan ng ibang transgenders na sumali sa mga lehitimong beauty pageant, ’tulad ng Miss Universe.

“Ako, personally, mayroon namang sariling pageant for them.

“Parang ang famous question sa Miss Universe, di ba, ‘What is the essence of being a woman?’

“Famous talaga siya dun so siguro mag-stick na lang ako dun na… ever since na bata ako, ‘pag nanonood ako ng Miss Universe, ‘Oh, my God, ang ganda-ganda niya!’

“Siguro stick na lang ako dun.

"Mayroon namang ibang pageant para sa mga kapatid nating iba.”

SWIMMING INSTRUCTRESS. Bilang swimming instructress ni Ella Cruz sa Aryana, marami ang umaasa na sana ay magpa-sexy at magsuot ng mga one-piece bathing suit si Bianca sa ilang mga eksena niya.

Sabi naman niya, “Hay naku, sobrang exciting kasi bilang host before, iba ang hosting sa acting talaga.

"Ito, nae-express mo yung sarili mo—malungkot, masayang-masaya—makikita mo uli yung element ng acting so exciting po talaga.

“Hindi ko alam kung ia-allow nila akong mag-two piece bilang pambata itong Aryana, but I’d love to.

“Puwede, pero sa mga nakaraan kong scenes, puro one-piece naman.

“Pero asahan ninyo na puro fitted ang suot ko dito, so medyo bawal kumain dahil magkaka-buko ang tiyan ko, nakakahiya.

“Nagdyi-gym ako uli dahil hindi na masyadong busy… every other day.

“Kasi taping naman is M-W-F, T-Th-S, puwede akong mag-workout. Disiplina sa food.”

Hindi ba nagdalawang-isip si Bianca na tanggapin ang kanyang role sa Aryana dahil naging bida na siya sa dating serye ng Kapamilya network, ang Juanita Banana?

“No, actually bata naman yung susuportahan ko.

“Maganda naman yung nagsusuportahan tayong lahat…

“Bilang may bago tayong miyembro sa Kapamilya network so walang problema sa akin," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN